Chapter 39: Tears of hopelessness

4K 188 88
                                    

⪼ D A N N A H

Sinubukan kong tamaan ang mukha ng taong nasa harapan ko gamit ang nakayukom kong kamao ngunit napakabilis niyang kumilos. Ginamit ko naman ang kabilang kamao ko pero hindi ko pa rin siya natamaan.

Ayaw ko na. I rather solve one year worth of Dale's Math homework than this.

"Ano? Pagod ka na ba?" Hindi ko alam kung inaasar ba ako ni Ford lalo o ano. Hindi ako sumagot at mas lalong iniyukom ang kamao at sinubukan ulit siyang tamaan pero sa isang iglap bigla siyang nawala sa harapan ko.

"Ano na? Hindi ka pa ba susuko?" Tanong niya mula sa aking likuran. Humarap ako sa kaniya pero nagpunta ulit siya sa likuran ko at nangalabit pa.

"Dannah, nandito ko oh." Nang-aasar na sambit niya. Nagkunwari akong haharap na sana sa kaniya pero hindi ko tinuloy, gaya ng inaasahan ay nag-iba siyang muli ng pwesto pero dahil nga hindi ko tinuloy ang pagtalikod kanina kaya ang resulta ay magkaharap kaming muli. I took the opportunity to throw a punch that hurts my knuckles. Napaatras naman siya at bigla na lang bumagsak sa sahig.

"Ford!" Sigaw ko sa pangalan niya at dali-daling naupo sa kaniyang tabi. Is he unconscious?! Hindi naman ganon kalakas ang suntok ko sa kaniya pero bakit nawalan siya ng malay?! 

"Ford! Gumising ka!" Tinapik-tapik ko ang pisngi niya.

Still, no response.

"Ford naman. Ang hina-hina lang no'n!" Napaupo ako sa sahig lalo at ibinagsak ang magkabilang balikat. Nakatitig lamang ako sa kaniya, umaasa akong gigising siya bigla at sasabihing biro lang ang ginagawa niya ngayon pero ilang segundo na ang nakalipas ngunit hindi pa rin niya minumulat ang mga mata niya. 

Tatapikin ko na sanang muli ang pisngi niya ngunit bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko. My eyes grew wide when he pulled me close to him. Nailapag ko tuloy ang isa kong kamay sa kabila niyang gilid kaya ang resulta ay para akong nakapatong sa kaniya. That made me my heart panic and there's something in those gray eyes that makes me want to stare even more.

"I thought something bad happened..." His stare made me stuttered. "F-Ford..." Napalunok ako ng bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Ang isang kamay naman niya ay napunta sa likuran ko at hinila ako kaya naman mas lalong nagdikit ang mga katawan namin. 

Ngunit bigla akong napatayo nang may marinig akong umubo sa hindi kalayuan. It was Silver. Sana wala siyang nakita!

"Sorry for the interruption, but you can kiss later. I just have to tell Ford about some important matters." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Silver. Tiningnan ako ni Ford pero hindi ko siya pinansin.

"W-We're not kissing!" I said in a defensive tone and waved my hands in the air. Nakaramdam ako ng takot nang ibaling sa akin ni Silver ang malamig niyang tingin. Hindi siya nagbitaw ng salita tungkol sa sinabi ko at ibinaling muli ang tingin kay Ford at matapos no'n ay naglakad na siya palayo. 

"Bumalik ka muna sa dorm mo." He said and I just nodded without thinking. Mabilis siyang lumabas ng ring at sinundan ang papaalis na si Silver. Tila ba nakahinga ako ng maluwag. Napahawak ako sa dibdib ko at naramdaman ko ang mabilis na tibok ng aking puso.

Pagkatalikod ko sa daang tinahak ng dalawa ay nagulat na lamang ako nang bigla akong tumumba sa sahig dulot ng pagkakatulak sa akin ng bagong dating na si Thalia. Tiningala ko siya lalo nang maglakad siya palapit sa akin.

"Are you flirting with Ford? Kung oo, pwes ang kapal ng mukha mo!" Sigaw niya sa akin. Sa takot na baka saktan niya ako ulit ay hindi na lamang ako kumontra kahit pa gustong-gusto kong dipensahan ang sarili ko.

"Ano? Hindi ka makapagsalita kasi totoo? Sino ka ba sa tingin mo, Dannah?!" I earned a kick on my stomach that made me curl like a fetus in a pain.

Tatama na sana ulit sa akin ang kaniyang sapatos ngunit may tumulak sa kaniya kaya naman napaatras ito at napahawak sa poste ng ring. Napatingin ako kay Sapphire na walang kabuhay-buhay ang mga matang nakatingin kay Thalia. Ibinulsa niyang muli ang kamay niyang ipinagtulak kay Thalia sa kaniyang pulang jacket. "Stop it, Thalia."

Infernio Academy 1: Touch of HellOnde as histórias ganham vida. Descobre agora