Chapter 5: Testing waters

7.4K 316 101
                                    

⪼ D A N N A H

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

⪼ D A N N A H

Didn't know the city lights looks beautiful, the different blaze of lights looks pretty. I just don't like the sounds of the honking cars and basically the sound of the busy road in general. This is why I don't go out often, kasi we live in a city. Ayaw ko sa maiingay na lugar.

I prefer nature. I love nature. I appreciate nature. The crashing waves on beaches, the sound of trees swaying as well as rustling leaves. The birds flying above and the butterflies playing around the bushes. There's nothing to compare with unwinding in serenity. That's my paradise.

But my mom doesn't like the idea of me going out and having vacation. Ang Bali ang huli naming napuntahan sa pagkakaalam ko at sobrang tagal na noon. Nakakalungkot lang kasi sa pagtravel ako nakakakuha ng peace of mind. Kaya heto ako ngayon, lumaking subsob sa pag-aaral.

"Don't know what flavor you like, so I bought the best seller," inabot sa akin ni Ford ang isang tall sized frappe saka umupo sa tabi ko. I turned the cup and I found out he used his name. "Hindi ko rin alam ang pangalan mo," he chuckled.

"I'm Dannah." I smiled at him, then stared away. Sa lahat ng taong nakipagkilala sa akin, siya lang ang hindi nag-offer ng handshake which is good because I'm not really a fan of handshakes. Ang awkward tingnan para sa akin dahil hindi ko alam kung kailan ako bibitaw, something like that.

"Saan ka nakatira, Dannah? I'll walk you home," tumayo siya at hinagod ang buhok. Hindi na ako tumanggi kasi natakot na rin ako para sa sarili ko. Siguro ito ang dahilan kung bakit hindi na ako pinapayagan ni mom lumabas without Blake by my side. 

Nang magsimula kaming maglakad, mahigpit lamang akong nakahawak sa cup ng kape ko upang damdamin ang init nito gamit ang dalawa kong nanlalamig na palad. The wind is getting colder dahil nga Ber months na. 

"Be careful next time. At kung maaari, wala na sanang susunod, sobrang delikado sa lugar na 'to," nakabulsa lamang siya sa kanyang pantalon habang seryosong nakatingin sa daan.

"Hindi na mauulit. Salamat sa pagligtas mo sa akin, I owe you a lot," siguro kung hindi siya dumating baka kung ano na ang nangyari. "Bakit?" Tanong ko at napahawak sa aking mukha, pansin ko kasing siya naman ang napatitig. 

Umiling siya. 

"Okay," I chuckled a bit. "Dito na lang. Salamat na rin dito," I raised the cup. Tumango siya at umatras na sabay kaway sa akin. Nakatingin lang kami sa isa't isa kaso biglang bumukas ang gate at lumabas ang aligaga kong pinsan.

"Hoy! Bakit ba ang tagal mo?! Alalang-alala ako sa 'yo!" Sigaw niya sa akin kaya naman napalingon ako kay Ford. Nakatayo pa rin siya sa kinatatayuan niya kanina habang nakatitig sa amin. Nang ibalik ko ang tingin ko kay Blake ay nakita kong nakadapo kay Ford ang paningin nito habang nakakunot ang noo. "Sino 'yon?"

"A friend?" I mouthed, unsure.

Seems like Ford read what my lips said and I earned a smile from him.

"Akala ko ba si tita ang iuuwi mo sa bahay? Mukha bang si tita 'yan?!" Reklamo pa nito sa akin kaya naman binatukan ko siya. Nilingon ko ulit si Ford ngunit para bang nawala ang ngiti sa labi ko nang makita kong naglalakad na siya palayo.

I hope we cross paths again soon.

Gumising ako na sobrang puyat to the point na kumikirot na ang ulo ko. Hindi ko alam kung bakit hanggang madaling araw kong iniisip ang Ford na 'yon. Maybe because he left a good impression to me. Bihira lang akong makaramdam ng gano'n sa iba. Hinding-hindi ako nakakalimot ng mga ganong klase ng tao. Ang bait niya sa akin.

"Ate! Pasok na ako!" Sigaw ng kapatid ko habang sinusuot ang bag niya.

Dale is a Grade 9 student at doon siya nag-aaral sa dati kong school. Just like me, he got good grades. I told him to study well so that we can help those people who are in needs in the near future. Bumaba ako at inabot sa kaniya ang baon niyang lunch. He kissed me goodbye and I waved at him. 

"Good morning." I almost cuss when I saw Blake's face. Bumungisngis ito saka pumasok sa loob. "Anong ulam?" Rinig kong sigaw niya. Tinamad na naman sigurong magluto.

Blake lives alone dahil nasa London naman ngayon ang mama niya, kasama ng parents ko. For work purposes. Palipat-lipat sila ng bansa para sa kabi-kabilang business trip kaya nagpaiwan na lang siya rito.

He hates traveling so much.

"Nag-init lang ako ng ulam, for lunch na sana yung chicken." 

"Dannah," Bigla siyang sumeryoso. "Hindi ko 'to nasabi noong nakaraan."

"Alin?"

"Nakatanggap rin ako ng sulat galing sa Academy, tinawagan pa nila ako," Kumunot ang noo ko at napatigil ako sa ginagawa. Akala ko hindi na namin 'to mapapag-usapan ulit. "Ang weird lang kasi saktong pagkakuha ko ng sulat, biglang tumawag. Para bang nakamatyag lang sila. Ewan, ganon ang pakiramdam ko."

"Magkano raw ba ang kailangan nila?" Scammer pa rin ang mga 'yan. Don't tell me naniniwala sa kanila si Blake?

"Infernio Academy exists in a city named Del Fuego," he emphasized every word. "It's real, hindi scam 'to."

"Blake, wala kang proof. Hindi mo alam ang sinasabi mo," He trusts anyone too easily, sobrang kabaliktaran ko. Ayaw kong nagbibigay ng tiwala agad, sobrang hirap kasi mabuo ulit no'n once na mabasag.

"May proof ako."

"Ano?"

"Sino kamo," ngumisi ito at umupo sa counter. Tinangala ko siya. Lalo akong nagugulahan sa kaniya kasi hindi ko talaga maintindihan. We have talked about this last time, ang sabi niya hindi niya na raw 'to ipipilit. What now?

"Can you just go straight to the point?"

"Yung kasama mo kahapon, uniform 'yon ng Academy," my lips parted and that triggers the satisfaction to light up on Blake's face. Alam niyang nakuha niya ako sa proof na sinabi niya kasi hindi 'yon imposible. "May ilan akong pinagtanungan. Si Trevor, yung President ng student council dati noong junior high school days. Nagbigay siya sa akin ng ilang information kasi doon siya graduate," he handed me his phone and showed me a couple of pictures. It's the same uniform with Ford's. May picture rin siya ng sulat. Maging ang full address ng school. Totoo ngang sa Del Fuego ito naka-locate.

"Ano naniniwala ka na?"

Hindi ko alam...

Blake held my arm and stroked it as if he's testing waters because he knows how I hated taking risks. His hazel eyes were pleading. "Dannah, let's give this one a try. For sure wala namang mawawala sa atin."


_

Infernio Academy 1: Touch of HellWhere stories live. Discover now