Chapter 51: They knew it

En başından başla
                                    

This is the last day of fun. Tomorrow we're gonna go back to Del Fuego again. And the day after tomorrow, Infernio Battle will happen. Kaya nga nag-aya na naman ang mga 'to na lumabas. Gusto raw muna nilang isantabi ang bawat kaba.

"Hey, let's take a picture together." Sabi ni Ford kaya napatingin ako sa gawi niya. Inakbayan niya si Dannah at inangat ang hawak na cellphone para kumuha ng litrato. Bago mapindot ni Ford ang capture button ay biglang nagtatakbo si Blake patungo sa likuran ng dalawa at sumingit sa litrato.

"Damon, doon ka nga!" Pagtataboy ni Ford kay Blake.

"Isa pang tawag mo sakin ng Damon, Wayne Hendrix." Nagbabantang sambit ni Blake. Sa pagkakaalam ko ay ayaw niyang tinatawag na Damon. But I like his second name though, it was cool.

"Wayne Hendrix pala ha?" Inilabas ni Ford ang water gun mula sa tote bag ni Dannah na ikinalaki ng mata ni Blake. "Humanda ka sakin, bugok!" Napailing na lamang ako nang simulang habulin ni Ford ang tumatakbong si Blake. Hindi ko kilala ang mga 'yan.

"Abnormal ng mga boyfriends niyo ha?" Sabi ni Shaiala kila Risei at Dannah na kasalukuyang tinatawanan ang dalawang isip-batang naghahabulan.

"Abnormal rin naman ang boyfriend mo ah?" Sabi ni Hadley kay Shai kaya naman napatingin kaming lahat sa kaniya. May boyfriend na si Shai? Hindi kaya...

"Oh? Bakit nakatingin ka sa akin?" Masungit na tanong ni Denver sa akin kaya naman inarapan ko siya. Imposible, hindi ko naman sila nakikitang sweet sa isa't isa.

"Ay wala ka nga palang boyfriend." Dugtong ni Hadley at tumawa ng nakakainsulto. Everyone laughed along.

"Isa ka pa Newt! Magsama nga kayo!" Inis na sabi ni Shai kay Newt na bigla-biglang nakisabay sa tawa ni Hadley. Bakit ba ako sumama-sama pa sa mga 'to?! Mga abnormal. I should've stayed in bed, doon paniguradong payapa ang buhay ko.

We flinched when a gunshot rang in the air. Inilibot ko ang aking tingin at kusa na lamang nanlaki ang mga mata ko nang makitang hawak-hawak ni Blake ang balikat niyang dumudugo. What the hell happened? They were just having fun!

"P're, tubig lang ang tumama sa 'yo tapos bala ang igaganti mo?" Maangas na sabi ni Ford sa lalaking may hawak na pistol. I scanned the stranger. His body was built big enough to throw the two, and he got this emotionless eyes staring down at them. Nang makalapit ako ng tuluyan sa kanila ay nagtungo ako sa harapan ni Blake at palihim siyang itinulak paalis.

"Are you crazy? They didn't do anything wrong to you, mister." Buong tapang na sabi ko. Hinawakan ni Ford ang braso ko, para bang sinasabi niyang ikalma ko ang sarili ko bago pa man ito mapunta sa mas malaking gulo. But I don't care if I start a chaos here, he fucking shot my friend who did nothing to him.

"Blake!" Bulalas ni Risei, hindi ko man siya lingunin alam kong naghahanap na siya ng solusyon upang pigilan ang paglabas ng dugo mula sa balikat nitong natamaan ng bala.

"Ayaw kong nadudumihan ang damit ko." The suspicious man answered. Napansin ko ang unti-unting paglapit sa amin ng mga tao na para bang nanunuod sila ng isang tanghalan pero ang mas nakaagaw ng aking pansin ay ang ilang kalalakihan na nakatingin sa amin at wala ring emosyong ang kanilang mga mata.

"Sir, paano ka magagawang dumihan ng tubig? Sa pagkakaalam ko mababasa ka lang no'n." Tumabi sa akin si Hadley. Sasagot pa sana siya ngunit nagulat ako nang itulak kami ni Risei at malakas na inihampas sa ulo ng lalaki ang water gun ni Blake. Saktong pagbagsak ng bawat nasirang piraso nito sa semento ay ang pagtayo ng mga kalalakihang nakaagaw ng pansin ko kanina. Their synchronization gave me shiver and they all share the same freezing stare.

Who are they?! What are they?

"Red head, you just declared a war." 

"Run!" 

Sa sigaw ni Newt na 'yon, natagpuan namin ang mga sarili naming tumatakbo papalayo sa kinatatayuan namin. May humawak sa kamay ko ng mahigpit at paglingon ko sa gilid ko ay si Silver pala iyon. Takbo lamang kami ng takbo, hind alam kung saan pupunta. Nakapagtataka dahil wala man lang akong nakikitang ni isang pulis sa paligid.

"Bumalik na kayo sa hotel at lilibangin ko ang mga 'to, kapag hindi ako nakabalik roon within twenty-minutes—" Hindi na naituloy ni Ford ang kaniyang sasabihin nang bigla na lamang bumitaw sa akin si Silver at tumalon upang sipain ang isang lalaking humahabol sa amin. Sa lakas ng sipa ni Silver sa dibdib nito, bumagsak ito sa sahig at may dugo ng tumutulo mula sa kaniyang bibig.

That triggered me to do the same. Lumaban ako para kahit papaano ay mabawasan sila. A punch after punch and a kick thrown on their neck made them fell on the ground.

"Manahimik ka, Ford." Pagtutuloy ni Silver. 

Wala na ring nagawa ang iba kundi tumulong. Iniharap ko sa akin ang isa at binigyan ng malakas na suntok sa panga, nagulat ako nang wala man lang siyang ipinakitang kahit anong emosyon. Kahit pa tumutulo na ang dugo pababa sa kaniyang ilong ay para bang hindi man lang siya nasaktan.

"He was drugged." Sabi ni Silver matapos akong tabihan. "They were." 

Those blank faces...I knew it. I've also seen those same pair of orbs inside the Academy. I knew it. Some of the students are already drugged.

"I knew it." Bulong ko bago pabagsakin ang lalaking sinuntok na hindi man lang gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Matapos siyang bumagsak sa sahig, saktong huminto ang mga kalalakihan at tumayo ng tuwid habang nakatingin sa kawalan. Nagkatinginan na lamang kaming lahat dahil roon.

"Paano mo nalaman ang tungkol rito?" Tanong sa akin ni Silver.

"Bronze told me." Sagot ko. Inilibot ko ang tingin sa mga kalalakihan at mukhang tama nga ang hinala ko. Tumigil na ang taong nag-cocontrol sa mga utak nila.

Mr. President, the President of an institution called Infernio Academy.

And maybe he got the presidency title because he was also the head of Infernio Organization. The organization that was built for Del Fuego's reputation and security. 

Pero paano niya mapapanatiling secured ang lugar na 'to kung siya mismong sumisira sa utak ng bawat tao? Akala ko nandito siya para tumulong? 

Ang sabi niya nandito siya para tulungan kami...

And that was the question...

Mr. President, what are you really up to?



_

Infernio Academy 1: Touch of HellHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin