Chapter 15

1.7K 59 36
                                    

Chapter 15: Love

- Issa's POV -

“Issa, may naghahanap sayo sa labas,” sabi ni Claire na katabi ko dito sa classroom.

Lunch break namin pero dahil maaga akong natapos mag-lunch, dumiretso na ako dito sa classroom. Monday na ngayon at tatlong araw na ang nakakaraan magsimula nung Maroon 5 concert. At hanggang ngayon, masaya pa rin ako!!!! Hanggang panaginip nga, nakikita ko pa si Adam Levine eh! Hahaha.

Tumango ako kay Claire at napatingin sa may pintuan. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kung sino ang naghahanap sa akin. Bigla naman akong kinabahan at naconscious sa itsura ko.  Bahala na nga! Naglakad nalang ako palabas ng classroom.

“Kuya Dan! Napunta ka yata dito?” Bati ko sa kanya. Di ko maalis ang titig ko sa kanya. Kahit lunch time na, ang gwapo at ang fresh pa rin ng itsura niya!

“Wala lang, naisip lang kita bisitahin. Kamusta concert?” The moment na tinanong niya yun, nagliwanag ang mga mata ko.

“Ahhh Kuya! Sobrang saya!! Ang hot ni Adam Levine! Ang galing galing pa niya kumanta, sobrang nakaka-inlove yung boses niya!! Tapos si James ang galing niya mag-gitara! Oops… Sorry nasobrahan yata ako ng pagfafangirl. Hahaha.”

Namula ako nang narealize ko na nakakahiya tong pagiging baliw ko sa harap ni Kuya Dan. Arghhh, so embarrassing! Sorry naman, fangirl talaga ako eh!

Pero tumawa lang si Kuya Dan.

“Ano ka ba, Issa! Okay lang. Gusto ko nga marinig kwento mo eh… kahit na nainggit ako.”

“Hala Kuya naman eh!”

Tumawa lang kaming dalawa.

“I’m really sorry kung hindi kita nasamahan sa concert. I really wanted to be with you. And that’s why… gusto kong bumawi.”

Napatingin lang ako kay Kuya. I really wanted to be with you. Tama ba yung narinig ko?! Gusto daw niya ako makasama?! At babawi daw siya? Hinintay ko lang na magsalita si Kuya.

“May gagawin ka ba after class?” tanong niya.

What did he just ask me? Is he asking me out?! Oh my gosh!!! Wait, Issa, ang assuming mo!! Umiling lang ako sa kanya dahil parang naiwan ko yung utak ko kung saan at hindi na ako makapag-isip ng ayos.

“Great! Kaya naman din talaga ako nagpunta dito ay para iinvite ka. Opening kasi ng restaurant ng pinsan ko mamaya. He wanted me to be there. Sabi niya I can bring someone along. May live band daw at maraming pagkain.  Naisip kita, siguradong magugustuhan mo… at dahil gusto ko din bumawi sayo.”

Ako talaga yung naisip niyang ayain?! As in, ako? A-K-O?!!! Not any other girl, but me? Oh my gosh. Anong dapat kong gawin?! Syempre, hihindi pa ba ako? This is the chance I’ve been waiting for so long!!!

Since You First BelievedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon