Chapter 14

1.9K 74 51
                                    

A / N: Happy New Year sa inyo! Vote and comment. Haha. Enjoy reading! :D

Chapter 14: She Will Be Loved 

- Issa's POV - 

Masayang-masaya ako hanggang sa mga sumunod na araw. Pumayag na rin kasi sila Mommy at Daddy na pumunta ako sa Maroon 5 concert. Sa sobrang saya ko ay hindi na nga ako tinablan ng pang-iinis ni Dave sa mga study sessions namin. Ganoon ako kasaya! I’ve been looking forward to this all week.

Thursday evening na ngayon at nasa kwarto ako.  Tapos na kami maghapunan at nag-aaral nalang ako ng huling subject ko para sa ngayong araw. Hindi na nga ako mapakali eh. Kanina pa ako nagpapagulong-gulong sa kama habang nagpapatugtog ng mga Maroon 5 songs!

“Isay? Anak?” Narinig ko ang boses ni Mommy kasabay ng pagkatok niya sa pintuan ko. Hininaan ko ang volume ng CD player at binuksan ang pinto.

“Nasa baba si Kuya Dan mo. Hinahanap ka,” sabi ni Mommy.

Tumango ako kay Mommy at ipinasabi sa kanya na susunod na akong bumababa. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at sinuklay ang buhok gamit ang kamay ko. Aba syempre, kailangan maganda kapag haharap kay Kuya Dan kahit na nakapambahay lang ako! Haha.

Bakit kaya siya nandito? Baka naman hindi din siya makatulog sa excitement at naghahanap siya ng karamay?

“Hi Kuya Dan,” bati ko sa kanya pagkababa ko. Nakatayo lang siya sa living room namin. He smiled faintly at me… Parang malungkot ang ngiti niya? Anong problema?

Tahimik niyang iniabot sa akin yung dalawang concert tickets. Lumipat ang tingin ko mula dito papunta sa kanya nang nagtataka. Bakit niya iniaabot sa akin?

“Issa, I’m sorry…

 Hindi ako makakapunta sa concert bukas.”

Anong… anong sabi niya? Tama ba ang pagkakarinig ko? Hindi matanggap ng utak ko ang narinig ng tainga ko.

“I’m really sorry, Issa. Nung niyaya kita sa concert, nakalimutan kong may student leaders conference pala ako na kailangang puntahan. Alam mo na, as student council president. Nakiusap ako kung pwedeng sa Sabado nalang ako pumunta, pero hindi sila pumayag.  Bukas na kasi yung start at ngayong gabi na nga ang alis ko. Dumaan lang talaga ako para ibigay sayo ito. I’m sorry, Issa.”

Malungkot ang mukha ni Kuya Dan habang sinasabi yun. Halos maiyak na rin ako dahil sa bawat salitang sinasabi niya ay pakiramdam ko nabibiyak ang pangarap ko. Okay, maybe it’s just a concert… pero sa isang fan na katulad ko, it’s everything. Every fan will know that.

“It’s okay, Kuya Dan… Naiintindihan ko.” Pinilit kong ngumiti at pigilan ang nagbabadyang luha.

“Sorry talaga, Issa. Kaya nga binibigay ko na sayo yan. Please, pumunta ka para sa akin. Alam ko kung gaano mo kagustong makapunta sa concert. Try mong tanungin si Ate Mel, parents mo or kahit sila Mommy ko or Mommy ni Ate Mel para samahan ka.”

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now