Chapter 31

1.5K 32 14
                                    

Chapter 31: Flames to Dust

- Issa's POV - 

Napabuntong-hininga ako habang binubuksan ang locker ko. Nandito ako sa locker hall ngayon. Kakatapos lang ng exams namin. As usual, kumukuha lang ako ng books na iuuwi ko para sa Christmas break. Marami na rin talaga ang nangyari sa nakaraang mga buwan – mga pangyayari na never kong inisip na mangyayari sa akin. Mabilis talaga ang panahon, hindi ko namalayan magpapasko na pala. Pasko na pala – all the more na kailangan kong ayusin ang gulong pinasok ko.

Dahan-dahan kong kinuha ang mga libro sa locker ko at isinilid ito sa bag ko. Kahit na pwede ko namang bilisan ang ginagawa ko, mabagal ang kilos ko… anything to delay what I’m supposed to do. Oo, hindi pa rin nagbabago ang naging desisyon ko kahapon. Susubukan ko pa rin ayusin ang lahat ngayon. And I’m beginning… with Dan.

Nagtext ako kagabi kung pwedeng mag-usap kami ngayong hapon after ng exams. Pumayag naman siya at napagkasunduan naming sa park nalang mag-usap. Hindi ko maiwasang kabahan at makaramdam ng sakit, iniisip ko palang ang mangyayari mamaya. Ilang beses ko sinubukang i-practice ang sasabihin ko pero hindi ko talaga alam kung paano. Dahil sa tuwing nagpa-practice ako, hindi ko maiwasang maluha.

Nang natapos na ako mag-ayos ng books ko, isinarado ko na ang locker at nagsimula nang maglakad palabas ng school. Sinubukan ko pang magpractice ulit ng sasabihin ko sa isip habang naglalakad papunta sa park. Lahat ng magagandang salita, ginamit ko na… pero wala talaga. Makakasakit talaga. But if this goes on, mas lalo lang maraming masasaktan. I have to do it.

Malungkot akong napatigil sa paglalakad nang narating ko na ang bench kung saan namin napag-usapang magtagpo. Huminga ako ng malalim nang makita ko siya. Nakaupo siya sa bench, nakatingin sa kawalan at umiinom ng juice sa tetra pak. Mabagal akong naglakad papunta sa kanya. This is it, Issa. There’s no turning back.

“D-Dan.” Mahina kong sabi pagkalapit ko sa kanya. Halos manginig ang boses ko.

Napatingin siya sa akin at ngumiti ng malungkot. Nakaramdam ako ng kirot nang makita ko ang ngiti niya. I suddenly wanted to cry. I… I can’t do this.

Pilit ko din siyang nginitian pabalik. Umupo ako sa kaliwa niya, sa bench na inuupuan niya. Iginala ko lang din ang tingin ko sa paligid. Hindi masyadong maingay at walang masyadong tao dito sa park.  Malamig ang pagaspas ng hangin. Makulimlim din kaya hindi gaanong mainit. Sa paligid nalang ako nagfocus dahil hindi ko alam kung paano ako magsisimula.

“Issa… H-How are you? Kumusta yung exams mo kanina?” Casual na tanong ni Dan.

The moment I heard his voice, naramdaman ko na naman ang kirot. Obviously, he’s trying to sound okay when he’s not.

“O-Okay lang naman.” Maikling sagot ko habang hindi pa rin tumitingin sa kanya.

“Hmm…”

Napatingin ako sa kanya nang biglang naramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko. Nakakunot-noo niya akong tiningnan pabalik, na parang pinag-aaralan niya ang ekspresyon sa mukha ko. I can’t do this, Dan… Hindi kita kayang tingnan ng ganito! It keeps on hurting me as every second passes by.

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now