Chapter 41

1.1K 32 11
                                    

A / N: Hi! First time ko yata mag-update sa mobile kaya pasabi nalang kung may problem sa format, etc. Haha. Thank you! :)

Chapter 41: Gusto

- Issa's POV -

"Bye, Daddy!" Humalik ako sa pisngi ni Daddy at bumaba na sa sasakyan. Kumaway ako sa kanya habang pinapanood na paandarin niya yung sasakyan hanggang sa hindi ko na ito makita sa driveway. Lumingon ako at napangiti nang makita ang naglalakihang mga bus na nakaparada sa school parking namin.

Isang linggo na rin ang nakakaraan magsimula nung championship game. Ngayon ang field trip naming mga juniors. Ito pala yung sinabi ni Coach Mendoza sa amin nung nagpaalam kami ni Dave sa kanya at hindi ako nakikinig dahil iniisip ko nga kung paano sasabihin kay Dave na wala akong regalo. Kami pala supposedly ang unang nakaalam ng location - sa Rockville Caves.

Pupuntahan ko dapat yung teacher-in-charge para itanong kung aling bus ang sasakyan ng section namin nang makita ko si Claire na paakyat sa isang bus na may label na No. 3. Tinawag ko kaagad siya.

"Good morning Claire! Ito raw ba yung bus na sasakyan natin?" Tanong ko sa kanya nang makarating na ako sa bus.

"Morning din, Issa! Yup, ito raw." Nakangiting sagot niya. Sabay na kaming umakyat papasok ng bus. Pagkapasok namin, nakaupo na ang mga classmates namin sa mga upuan ng bus. Siguro mga kalahati palang ng klase ang nandito, since ilang minuto pa naman bago mga 6AM at mga 30 minutes pa bago umalis ang bus.

Patuloy kaming naglakad ni Claire sa aisle ng bus nang makita namin sila Justin, Miles at Raymond.

"Baby ko! Good morning! Dito ka na sa tabi ko!" Excited na sabi ni Justin. Kahit umagang-umaga, hindi talaga nawawalan ng energy ang lalaking 'to! Sumimangot naman si Claire at agad ding napatingin sa akin, na parang tinatanong ng mga mata niya kung okay lang na hindi ako ang tabihan niya. Tahimik lang akong tumango at ngumiti sa kanya.

"Morning, Issa." Mahinang bulong ni Raymond, na nakaupo sa likod nila Justin. Katabi niya si Miles pero nakasandal ito sa balikat niya at natutulog. Kaya pala mahina lang ang pagbati ni Raymond. Nginitian ko nalang din siya at umupo nalang sa pair ng upuan sa tapat nila, doon sa malapit sa bintana. Bale sila yung nasa kanan ng aisle at yung sa akin ang nasa kaliwa. Teka, si Dave kaya?! Naku, eh late pa naman yun lagi! Bahala nga siya!

Inilagay ko yung bag ko sa paanan at kinuha ko ang earphones ko. Ikinabit ko ito sa phone at nagsimulang makinig ng music. Ipinikit ko na rin ang mga mata ko nang napansing natutulog na rin si Raymond at ang iba pang mga kaklase namin. Medyo inaantok din naman ako dahil sobrang aga pa. Isa pa, maganda din 'to para marelax ako.

Halos makakatulog na sana ako nang naramdaman kong medyo umuga yung upuan ko. Napamulat ako at tinanggal ang earphones nang maamoy ko ang pamilyar na pabango na 'yun. Napalingon ako sa kanan ko. Nakaupo na sa tabi ko si Dave. Naka-PE shirt and dark blue jogging pants din siya tulad ko at naka-suot pa rin sa likod niya ang backpack niya. Pinigilan kong matawa nang nakitang hapong-hapo siya at hinahabol ang hininga. Tiningnan ko ang orasan ko. Sakto, 6:30 AM.

"Right on the dot." Natatawang sabi ko sa kanya. Mabuti umabot siya!

"S-hit, akala ko di ako aabot. Muntik na!" Natatawa ring sagot ni Dave sa akin. Pinasadahan niya ng kamay ang buhok niyang basa-basa pa habang inaalis ang backpack.

"Anong oras ka ba nagising?" Tanong ko sa kanya.

"6 AM."

"What the heck?! Talagang male-late ka nyan! Ikaw talaga!"

Tumawa lang siya. Nilagay na rin niya yung bag niya sa paanan. Nagsimula na rin umandar ang bus namin. Nagsalita na rin si Ms. Moreno at ang tour guide namin na kasama sa bus. Kinuha naman ni Dave ang isang bag ng chichirya. Binuksan niya ito at kumuha ng ilang piraso at isinubo sa bibig niya. Nanlaki ang mga mata ko sa kanya at napansin niya rin ito kaya inalok ako agad.

Since You First BelievedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon