Chapter 12

2.6K 86 45
                                    

Chapter 12: Frustrated

- Issa's POV - 

“Pare, siya na ba yun?” tanong ng isang di-kilalang lalaki.

Papunta na kami ngayon ng David’s. Naglalakad kami ni Dave sa labas ng school nang may makasalubong kaming pulutong ng mga lalaki. Hindi ko sila namumukhaan. Ang alam ko lang, high school students din sila pero hindi namin ka-school dahil iba ang logo na nasa mga white polo nila.

Binati nila si Dave. Pinagmasdan ko ang itsura nila… At oo, hindi ka nga magkakamali na mga kasama niya to. Nakabukas ang mga polo nila, naka rubber shoes, may kulay ang mga buhok at humihithit ng sigarilyo.

Nakipaghandshake si Dave sa kanila pero biglang naging seryoso ang mukha niya nang tumawa sila. Hindi ko alam kung bakit, hindi ko rin naintindihan yung pinag-uusapan nila. Puro kasi sila senyasan ng senyasan.

“Sige, pare ah! Good luck!”

Yun ang huling sabi ng isa sa mga lalaki bago sila umalis. David’s expression looked tensed. Nakasimangot siya. At ewan ko, parang ayaw yata niya na makita yung mga lalaki?

“Uh… m-mga kaibigan mo?” mahinang tanong ko.

Hindi siya sumagot. Mas lalong naging seryoso ang mukha niya. Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad. Nagkibit-balikat nalang ako. Baka ayaw niya yun pag-usapan?

Parang automatic na nagtago ako sa likod niya nang makarating kami sa medyo nakakatakot na part nitong daan papunta sa David’s. Well, at least, for me dahil hindi talaga ako sanay dumaan sa ganito. Parang may mang-iisnatch sa akin anytime. Paranoid Issa!! 

Naramdaman din siguro ito ni Dave kaya hinawakan niya ako sa wrist. Para ding automatic na bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganito?! Parang mas kinabahan ako nang dumampi yung kamay niya kaysa sa pagiging delikado nitong lugar. Ano bang nangyayari sa akin?!

Patuloy lang kaming naglalakad, walang umiimik.

Ngunit bigla akong nakaramdam ng paunti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko dahil… pababa ng pababa… Bumaba ng bumaba yung hawak ng kamay niya mula sa pulso ka papunta sa kamay ko. Para akong binubuhusan ng malamig na tubig!!

WHAT THE HECK!!!! DAVE!!! ANO BA YAN!!!

Sasabog na tong puso ko sa sobrang bilis ng tibok!!! Nakakairita!! Inis na inis ako sa sarili ko!!!  Gusto kong bumitaw, gusto ko siyang sigawan, gusto kong siyang itulak papalayo, gusto kong paluin siya at bugbugin dahil sa ginagawa niya sa akin, pero hindi ko magawa!!! Parang… parang may magnet ang mga kamay ko at hindi kayang bumitaw sa kamay niya. May sariling isip na ba tong kamay ko?!

The way he held my hand was so gentle. Hindi mahigpit, hindi rin maluwag. Makakagalaw pa ako… pero the heck, hindi ko maigalaw!! Nakakahiya na yata dahil feeling ko nagpapawis na yung kamay ko sa sobrang kaba, balisa, ah ewan!!!

Hindi niya ako tinitingnan. Diretso lang ang tingin niya at tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Namalayan ko nalang na nasa harap na kami ng David’s nang binitawan niya yung kamay ko. Ay, binitawan niya? ISSA PLEASE!!! Will your thoughts shut up?!!!!

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now