Chapter 64

1K 20 4
                                    

A / N: Hello! Share ko lang yung pic na nakita ko nung isang araw (see multimedia section). Ayan yung portrayers ng tatlong lalaki sa barkada nila Issa: Dave (left), Raymond (middle) at Justin (right). Wala lang, natuwa lang ako! Hahaha. :))

Ayun lang. Happy reading! :)

Chapter 64: Forgiveness

- Issa's POV -

"Haay nako, Isay. You should go there! Ang sarap talaga ng food!" Humahagikgik na sabi ni Tita Pam.

"Oo nga. Yayain mo si Mommy and Daddy mo. Don't forget to try the lobster, ah. Sobrang sarap!" Pagsang-ayon naman ni Tita Karen. Tumango nalang ako at nakitawa sa kanila.

It's a late Monday afternoon at nandito pa rin ako sa hospital. Sila Tita Karen at Tita Pam ang mga kasama ko ngayon na nakaupo sa tabi ko at nagbabantay sa akin. Nagkukwentuhan lang kami tungkol sa mga masasarap na kainan dito sa Rockville. Nandito rin si Mommy kanina kaya lang umalis lang siya sandali para kumuha ng mga gamit sa bahay. Mag-early dinner na rin daw sila ni Daddy bago sila magbantay sa akin mamayang gabi.

The day has been pretty good so far. Bumubuti na rin ang pakiramdam ko at bumabalik na ang lakas ko. Lumabas na rin ang results ng final tests na isinagawa sa akin ng doktor at maayos naman ang lahat. Sinabihan na rin ako na makakalabas na daw ako ng hospital bukas! I've never been so happy.

Naging maayos din naman kami ni Dave. Hindi siya umalis sa tabi ko. Medyo naninibago nga ako dahil sobrang maasikaso siya sa akin. Siya ang naghahanda ng pagkain ko at nagpapakain sa akin. Tanong din siya ng tanong kung may kailangan ako. Naninibago ako dahil nakilala ko kasi siya na maangas at mayabang kaya hindi ko inexpect na may side pala siya na maalaga. And it's just... so sweet.

Nagkukwentuhan rin kami ni Dave. Nag-catch up lang kami mostly sa mga nangyari sa ilang buwan na hindi kami masyadong nagkasama at nakapag-usap. Halos lahat ng bagay napag-usapan namin - college plans, mga bagong TV shows na pinapanood, concerts at maging mga tsismis sa school! Pero syempre, hindi pa rin mawawala ang asaran sa amin. Ganun yata talaga kapag kaming dalawa ni Dave ang magkasama.

I knew we were making up for lost time. And to be honest, I missed this. Na-miss kong makipagkwentuhan at makausap siya kahit na puro asaran lang karamihan ang ginagawa namin. I missed the way he hesitates before he opens up. I missed the way he smiles and frowns. I missed everything about him. I missed him so much. And the best thing about him? He never got tired of saying I love you repeatedly to me.

Masaya akong magkasama kami. At alam kong ganu'n din ang nararamdaman niya. Dito nga siya natulog kagabi, kahit na anong pilit nila Tita Karen na magpahinga siya sa bahay. Ayaw nga rin niya pumasok sa school kaninang umaga pero pinilit ko lang siya at sinabi na kailangan ko ng notes sa mga lessons na na-miss ko sa school. Nang napapayag ko siya, nangako siya na babalik dito ngayong hapon. And yes... I'm waiting for him.

But the wait was suddenly over the moment the door opened. Sure enough... it was Dave.

My eyes remain fixed on him the moment he got inside and closed the door. Sumulyap agad siya sa akin at hindi ako iniwan ng tingin hanggang sa makapaglakad siya papunta sa amin. Nag-init naman ang pisngi ko habang tinitingnan siya. Naka-suot pa rin siya ng uniform pero katulad ng dati, bukas ulit ang polo at nakalitaw ang black shirt niya na may disenyo ng metal rock band. Bumabagsak na rin sa mga mata niya ang humahaba niyang buhok. Napansin ko rin ang black stud earring sa isang tainga niya. Nakasukbit din ang black na backpack sa isang balikat niya.

This is everything I fell in love about him! It's been a year since I've seen him like this, but why am I still so attracted to him? Why am I still drawn to Dave and all his bad boy glory?! I've never really liked bad boys! Ang totoo nga, ang dream guy ko ay yung neat at maayos na katulad ni Dan. Pero bakit si Dave ang nagustuhan ko? Maybe... he's what they call the exception to every rule.

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now