Chapter 2

3K 161 69
                                    

A/N: Dedicated kay Ate @KevJelove. Thank you po sa pagvote sa SYFB at sa pagsupport sa LYOB noon! :)

VOTE AND COMMENT! =)

Chapter 2: Deal

- Issa's POV - 

“Hello, Issa.” seryosong bati sa akin ni Claire. Ngitian ko lang siya.

Lunch time ngayon at nag-iisa lang akong nakaupo sa table dito sa cafeteria. Inilapag ni Claire yung tray ng pagkain niya sa harap ko at umupo na rin. Kumain lang kami ng tahimik.

Napapangiti nalang ako sa set-up namin ni Claire. Ang totoo, hindi naman kami magkaibigan. Siya ang Top 2 ng batch at alam namin pareho na magkakompetensya kami.

Pero magkaparehong-magkapareho kami. Sa itsura palang, nakasalamin din siya kaya lang hindi kasing dark-rimmed nung sa akin. Shoulder-length naman ang buhok niya compared sa akin na halos umaabot na sa baywang. Wala din siyang kaibigan at palaging nag-aaral. Kaya wala yata kaming choice kundi magtabi nalang kapag break.

“Goodbye, Issa.” Tahimik na sabi niya pagkatapos kumain.

Natawa nalang ako sa sarili ko. Gusto ko siyang maging kaibigan… Kaso alam namin na nagsasayang kami ng oras kung magkkwentuhan lang kami sa halip na nag-aaral. Haha! Hindi lang talaga siguro kami katulad ng ibang ordinaryong estudyante sa school. Ganun talaga, iba-iba tayo ng trip.

Niligpit ko na rin ang pagkain ko at naglakad papunta sa locker hall. Maayos naman ang first day of school. Maliban sa nangyari kaninang umaga (na sobrang kinakainit ng ulo ko sa tuwing naalala ko), wala naman ibang nangyari. A few awkward introductions, class rules at konting homework. Good thing, nakapag-advanced study na ako nung summer vacation ng mga lessons hanggang second quarter!

Binuksan ko na ang locker ko at kinuha ang mga gamit para sa mga susunod na class. Inaayos ko ang mga libro ko nang may nahulog na isang pirasong papel. Binasa ko ito.

“5PM. LIKOD.

 

- DAVID”

 

Nag-init ang dugo ko pagkabasa ko kung kanino galing yun. Inalam pa talaga niya kung saan yung locker ko?! Ahhhh!!! Yung bwisit na si David na naman!! Ano ba talagang gusto nito?!! Hindi kaya may ipapagawa na to sakin? Pagkatapos niyang sabihin yung “Talaga? Kahit ano?” kaninang umaga, iniwan na niya akong tulala at sobra ang pag-aalala. Ano naman kaya ang gusto niya?!

Pumasok ako ng klase na lutang. Pinilit kong tanggalin yun sa isip ko. Syempre, kailangan magconcentrate. Pero pagkatapos ng last subject namin, kinabahan ako. Ano naman kaya ang gusto nung David na yun?!

Hindi ko kilala yung taong yun. Kapitbahay lang at family friend namin yung parents nila, yun lang yun then wala na. Kahit sabay kami lumaki nila Kuya Dan, hindi ko nakakausap yang si Dave. Suplado kasi.

 Kung anu-ano nga naririnig kong tsismis sa kanya. Naprincipal’s office daw kasi nakipagsuntukan sa isang higher year. Muntik nang mag-repeat ng isang taon. At nung minsan, pinagbantaan na ieexpel kung di niya ititigil yung paglalandi sa mga babae dito at pag-pPDA. Nakakatakot! Hindi ko alam kung anong takbo ng isip ng katulad niya! Ahhhh!

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now