Chapter 33

1.4K 33 10
                                    

PART TWO


She loves him but she rejected him.

He loves her but he was hurt.

People will come, and people will go.

Second chances are hoped for, and tables are turned...

She loves him back. But, will he still love her?


***

A/N: Hello! First of all, thank you for making it this far! And finally, welcome to part two! Bakit may second part? Wala lang, I felt like I have to draw the line somewhere. ;) Btw, updates will usually be posted on these days: Fridays, Wednesdays, Sundays. Usually lang naman yan. Haha! Mahaba pa rin yata 'tong story kaya kapit lang ha? Walang bibitaw until the end. :D Ayun lang, vote and comment! Thank you! :D

***


Chapter 33: Ulit


- Issa's POV -


New Year. Forgetting the past. Moving on.

Ito ang mga salitang naglaro sa isip ko habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Pinasadahan ko ng tingin ang uniform na suot ko at inayos ang mga gusot nito. Sinuklay ko rin ang buhok ko na halos lampas balikat nalang. Nagpagupit kasi ako ng buhok noong break at malaki ang nabawas dito. Nakakapanibago rin talaga. But as they say, sometimes, having a new hairstyle is a sign of moving on. Haha!

Napangiti ako sa repleksyon ko sa salamin. It's going to be a great year. No, I'll make sure that this will be a great year. Katulad ng napagdesisyunan ko noong break, I will move on from everything. I will move forward and start over again.

Kumusta naman ang Christmas break? It's great! Natuloy kami sa US at nag-spend ng Christmas at New Year doon! Well okay, siguro nung mga unang araw, wala akong ginawa kundi mag-iiyak. It can't be helped, pagkatapos ba naman ng lahat ng nangyari sa akin last year.

Pero nung sumunod na mga araw, unti-unti, nagiging okay na rin ako. Kung saan-saan kami nagpupunta. Lumilipat kami from state to state, nagssightseeing, pumupunta sa mga theme parks, historical sites at kung saan-saan pa. Minsan, sinasama din ako ng mga cousins ko kapag gumigimik sila kahit na hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganung mga bagay.

Pinayagan naman ako nila Mommy, alam din kasi nilang wala na kami ni Dan. Hindi naman sila nagtanong at naghanap ng dahilan. Nirespeto pa rin nila ako at sinabi lang sa akin na magkwento lang ako sa kanila kapag gusto ko at kung handa na ako. Naiintindihan naman nila. Katulad nga ng sabi nila, natural lang naman na nangyayari ang ganung mga bagay. They are the best parents in the world!

Nakatulong naman ang paglilibang ko dahil kahit papaano, nadistract ako sa mga iniisip ko. Iba rin pala kapag nasa ibang lugar ka at walang nagpapaalala sa'yo tungkol sa mga bagay na ayaw mo alalahanin.

Kumusta sila Dan? Natuloy sila pumunta ng Canada - buong family nila at family nila Ate Mel. Nakausap ko naman siya once sa video call, nung nakigamit ako sa laptop ng cousin ko. Kinumusta ko lang naman, but that was it. Kasi nung kinausap ko siya, I already felt that something was off; like he was trying to be nice but he really didn't want to talk to me. Naiintindihan ko naman. Mahirap 'yung break-up para sa kanya, at ayoko na siyang pahirapan pa by talking to him. Paano mo nga ba kakausapin ng maayos yung taong nanakit sa'yo?

I already talked to Ate Mel and she said the same thing. Intindihin ko na lang daw muna si Dan. Hindi naman daw galit si Dan sa akin. He just needed some distance and time off to think things over, to heal... and to move on. I perfectly understood. I'm giving this to him.

Since You First BelievedUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum