Chapter 25

1.7K 41 18
                                    

Chapter 25: Family

Night Time (After Mel’s Birthday Celebration)

- Ate Mel’s POV -

“Hindi ka ba kumain kanina sa party? Grabe ka!” Pang-aasar sa akin ng taong nasa harap ko.

Tumawa lang ako. Hindi ko siya pinansin at tinuloy nalang yung pagkain ko ng spaghetti.

“Sino ba naman kasing di magugutom sa mga nangyari kanina? Grabe kaya!” Natatawang sagot ko sa kanya. Okay fine, conscious naman talaga ako sa figure ko! Kaya lang, minsan nagiging stress eater ako. Kapag naiistress ako, napapakain ako ng marami! Uh… magdidiet nalang ulit ako bukas!

Nandito kami ni Dan sa restaurant ni Kuya Emerson. Mabuti nga at bukas pa sila kahit na malapit na mag 12 midnight. Pasalamat kami mas late sila nagsasara pag Friday nights.

Pagkatapos kasi ng nangyari kanina, nakiusap si Dan kung pwedeng samahan ko siya. Ayun nga, napagdesisyunan namin na dito nalang sa restaurant ni Kuya Emerson. Hindi dapat ako papayag dahil pagod na ako. Syempre, birthday ko pa! Kaya lang… ngayon na daw niya ako ililibre! Natatandaan niyo yung pustahan namin? Ngayon na daw! Di talaga makapaghintay to. Hahaha.

Pero ang totoo, hindi naman talaga ako makakatanggi. Mahal na mahal ko sila Dan, Dave at Issa. At alam kong kailangan nila ako ngayon.

“Mel… Kamusta nga pala si Dave? Saan mo siya dinala kanina?” Tanong ni Dan sa akin. Nagbago ang tono ng boses niya mula sa pagiging mapang-asar kanina. May halo na itong lungkot at pag-aalala. Hindi ko naman siya masisisi.

My heart was really broken after everything that happened tonight. Of course, there’s a part of me that’s really happy. Masaya ako kasi finally si Dan at Issa na. Forever fan nga ako nila diba? Magsimula palang nung una, there’s really nothing more I ever wanted than for them to be together.

Pero nung nakita ko si Dave, nadurog talaga ako. Napako ang paa ko sa pagkakatayo habang pinapanood ko siyang lumuhod sa harap ni Issa kaya hindi agad ako nakalapit. Hindi rin maiwasang maiyak ako. Hindi ko kayang nakikita siyang nagkakaganun!

Dinaluhan ko agad siya at pinilit patayuin the moment I came back to my senses. Nung napilit ko na siyang tumayo at tumakbo na rin papalayo si Issa, niyakap ko lang siya ng mahigpit. Naiwan lang na nakatayo si Dan doon, hindi alam ang gagawin. Sinenyasan ko lang siya na ilalayo ko muna si Dave.

Hindi na ako makapag-isip ng ayos noon kaya kinuha ko nalang yung duplicate na susi ng sasakyan ni Daddy mula sa purse ko at pinasakay si Dave dun. Suot ko pa nga yung dress ko na ginamit ko sa party kaya ang hassle! As if naman may time din ako magpalit diba? Bahala na nga! Yun lang ang nasa isip ko.

Nung nasa daan kami, nagtext si Dan kung pwede raw kami magkita pagkatapos kong maibalik si Dave sa bahay nila. Do I have a choice? In demand talaga ang beauty ko ngayon!

Saan kami nakarating ni Dave?

“Nagpadaan siya sa isang convenience store at nagpabili ng ilang bote ng beer.” Sagot ko.

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now