Chapter 13

1.6K 77 21
                                    

Chapter 13: Take Two


- Issa's POV - 


"Sige na, Issa. Mauna ka na. Susunod na ako, hihintayin ko lang makapasok ka."


Nandito kami ni Dave sa isang spot malapit sa mga bahay namin. Hindi kami nakikita nila Mommy at Daddy dito pero nakikita kong paikot-ikot ng paglalakad si Mommy. Kitang-kitang nag-aalala na siya. Kinabahan at na-guilty ako dahil hindi na naman ako nagtext.


Napatingin ako kay Dave nang nagsalita siya. I looked at him reluctantly. Hindi ko alam ang gagawin ko. Ayoko nang mag-away pa ulit kami katulad ng nangyari noon. Kung tutuusin, eto na yung pagkakataon para itama ko ang pagkakamali ko. Kaya lang, paano ang iisipin nila Mommy at Daddy?


"Go on, Issa. Maiintindihan ko." Gusto kong maiyak nang sabihin ni Dave 'yun. Bakit ba siya ganyan? He is willing to sacrifice. Mas pipiliin niyang gawing tago ang pagkakaibigan namin para sa ikabubuti ko. Ano ba ang dapat kong gawin? Pagkatapos ng lahat ng sinabi at ipinakita niya sa akin?


Binalewala ko lahat ng iniisip ko at hinatak siya sa braso at hinila papunta sa bahay. Bahala na!


"Issa, anong ginagawa mo?! Issa!" Sigaw siya ng sigaw pero hindi ko siya pinansin. Noong nakita na kami nila Mommy at Daddy, binitawan ko siya. Sumunod siyang maglakad sa akin.


"Isay anak! Hindi ka na naman nagtext! Saan ka na naman ba nagpunta? Nag-alala na naman kami ng Daddy mo sayo!" sabi ni Mommy. Napatungo ako at halos maiyak na.


"S-Sorry po, Mommy... Sorry po talaga, nakalimutan ko po. K-Kumain lang po ako sa labas." Mahinang sabi ko.


"Kalma na, Pare. Nandito na si Isay, safe siyang nakauwi. Isay, sa susunod na hindi ka pa umuuwi ng ganitong oras at hindi ka magtext, tatawag na kami ng mga pulis." Seryosong sabi ni Daddy.


"O-Opo... Sorry po, Daddy. Sorry, Mommy. Hindi na po mauulit." Nanginginig na yung boses ko pagkasabi ko noon. Pinag-alala ko na naman sila!


"Aba kasabay mo palang dumating si Dave, katulad ng dati. Coincidence!" sabi ni Daddy. Nakalimutan kong nasa tabi ko pala si Dave! Shoot. Eto na. Bahala na, bahala na talaga.


Umiling ako kay Daddy.


"D-Daddy... magkasama po kami." Mahinang sabi ko. Sana nga hindi nalang nila narinig!!!


Nagkatinginan sila Mommy at Daddy.


"Totoo ba 'yun, Dave?" tanong ni Daddy. Hindi ko alam kung galit, seryoso o ayos lang ang tono ng boses ni Daddy. Pero sasabog na yung puso ko sa kaba!! Anong iisipin nila? Anong sasabihin nila? Magagalit ba sila?! Ni hindi ko nga matingnan si Dave sa sobrang kaba!!


"Opo, Tito. Sorry po kung ginabi kami at hindi ko naipaalala kay Issa na magtext." Kalmadong sabi ni Dave. Paano niya nagagawang maging kalmado sa mga ganitong sitwasyon!!! Palibhasa hindi niya mga magulang to!!!

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now