Chapter 62

920 29 4
                                    

Chapter 62: Unchanged

- Issa's POV -

Nagising ako sa ingay ng TV. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita si Mommy sa kaliwa ng kama ko na tutok na tutok sa pinapanood niyang palabas. Napangiti ako ng mariin habang pinagmamasdan siya na halos nangingilid na ang luha dahil sa pinapanood niya.

"Mommy, tissue po?" Pagbibiro ko sabay turo sa tissue sa bedside table ko. Napatingin siya sa akin at magkahalong ngiti at simangot ang ibinigay niya.

"Ikaw talaga, Isay! Gising ka na pala! Kumusta ka na? May masakit pa ba sa'yo? Nakapagpahinga ka ba?" Sunod-sunod na tanong ni Mommy.

"Okay lang po ako. Mabuti na rin po yung pakiramdam ko." Sagot ko. Natigilan ako sandali nang biglang bumalik sa isip ko ang mga pangyayari bago ako nakatulog. Biglang napuno agad ng mga tanong at pag-aalala ang utak ko. Pero saan ako magsisimulang magtanong? Ibubuka ko na ang bibig ko para magsalita ulit nang itinaas ni Mommy and daliri niya at ngumiti sa akin.

"I know you have a lot of questions. Sasagutin natin yan mamaya." Inilapit ni Mommy ang tray table sa akin. "Pero sa ngayon, kailangan mo muna kumain. You have to eat a lot para bumilis ang paggaling mo. Okay?"

Tumango ako. Gustuhin ko man magtanong, alam kong tama si Mommy. Isa pa, gutom na gutom din ako. Mukhang dinner time na rin dahil madilim na sa labas. Nagsimula na akong kumain. Masarap naman ang lasa ng food - rice and fish. Si Mommy ang nagsubo ng pagkain sa akin dahil nakabenda ang kanang kamay ko samantalang naka-dextrose naman ang kaliwa.

Habang kumakain, inupdate ako ni Mommy sa sinabi ng doktor na maayos na raw ang kondisyon ko. Kailangan ko lang daw makarecover at magpahinga ng ilang araw. Nalaman ko rin na halos isang araw na akong tulog. That's why I feel so rested! Mabuti na rin ang pakiramdam ko ngayon. Sa huli, nakinood nalang din ako sa palabas sa TV hanggang sa matapos akong kumain. Nang matapos ako at nailigpit na rin ni Mommy ang pagkain, umupo siya sa tabihan ng kama ko.

"Isay, Daddy wants to talk to you." Diretsong sabi ni Mommy. "Okay lang ba?"

Sandali akong natigilan at bumalik ang mga tanong sa isip ko. Sariwang-sariwa pa rin sa alaala ko ang mga nangyari at ang pagkagalit niya kay Dave. Bakit kaya ako kakausapin ni Daddy? Galit pa rin kaya siya? Sasabihin niya kaya sa akin na masama si Dave para sa akin at dapat na akong lumayo sa kanya? Wag naman sana, please.

Hindi ko nalang ipinahalata kay Mommy ang mga inaalala ko. Pilit akong ngumiti at tumango sa kanya. Nginitian niya ako pabalik bago lumabas ng kwarto sandali. Ngayon ko lang narealize na si Mommy na nga lang pala ang naiwan dito. Nasaan kaya ang mga pamilya namin? Si Dave, nasaan din kaya siya?

Naistorbo ang pag-iisip ko nang pumasok si Daddy sa kwarto. Sumenyas si Mommy na lalabas lang siya ng kwarto. Siguro ay gusto niya kaming bigyan ni Daddy ng time alone para makapag-usap ng mabuti. Bumaling ulit ang tingin ko kay Daddy na mabagal ang paglalakad at mariin ang pagngiti sa akin. Maaliwalas na ang mukha niya ngayon, kumpara sa pagod niyang ekspresyon nang dumating siya dito. Wala na rin ang bakas ng galit. Mukhang umuwi na rin siya at nakapagpahinga dahil naka-collared shirt and pants nalang siya ngayon.

"Isay." Pagbati ni Daddy. Umupo siya sa kaliwang bahagi ng kama ko at tumabi sa akin. "How are you feeling? Nakapagpahinga ka ba ng mabuti?"

Tumango ako at ngumiti. I can't deny that I'm really happy to see him and that he looks better right now. "Okay naman po ang pakiramdam ko. Nakapagpahinga rin po ako ng mabuti."

"Good." Ngumiti lang si Daddy. Sandali kaming nabalot ng katahimikan. Mukhang pinag-iisipan ni Daddy kung anong sasabihin niya. I waited patiently for him because I know that this talk is what we needed.

Since You First BelievedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon