Chapter 22

1.5K 44 15
                                    

A / N: Dedicated to @BangtansWife dahil siya ang gumawa ng new and awesome cover ng SYFB! 

Sa mga nagcomment din pala sa last chapter na kung pwedeng si Dan at Mel nalang, hindi pwede! Magpinsan kasi sila. Hahaha. My bad, sa Chapter 1 ko lang yata nabanggit eh. Pero sa chapter na 'to, mababanggit ulit yan. 

Don't forget to vote and comment! Gusto ko malaman yung thoughts niyo sa chapter na to. Haha. Ayun lang. Thank you and enjoy reading! :D

Chapter 22: Phone Call

- Mel’s POV -

“Mel, tara?” Biglang sabi ni Dan.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya mula sa pinupunasan naming mga pinggan. Hindi ko din alam dito kay Dan. Nagpaiwan dito sa bahay, samantalang pwede naman niyang yayain si Isay para makapag-solo sila eh. Haha! Masyado yatang pa-good boy to, nagpaiwan para tumulong daw mag-ayos. Ano naman kayang problema nito?! Tapos niyayaya pa ako ngayon?

“Saan naman?” Nakakunot-noong tanong ko sa kanya.

“Sa bar ni Kuya Emerson. Konti lang. Haha!” Sagot niya.

“Ah yung bagong restaurant ba niya? Wow, bar pala yun sa gabi?! Hoy teka! Alam ko ibig mong sabihin sa konti na yan! Susumbong kita kay Isay eh! Di ka sagutin nun!” Pang-aasar ko sa kanya.

“Hindi naman ako maglalasing eh! Konti nga lang!”

“May problema ba?”

Natigilan siya pagkatanong niya sa akin. Ngumiti lang siya ng pilit at umiling. Uh-oh. Something’s wrong. Kilalang-kilala ko si Dan eh. Bihira lang yan magpakita ng totoong feelings pero dahil sa kami ang pinakaclose, alam ko kapag may problema yan. Siguro medyo may connection na rin kami, dahil yung Dad niya at Mom ko ay twins. Isa pa, hindi yan umiinom! Good boy nga eh! Good boy diba!

Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Tinapos lang namin punasan ang mga pinggan at dumiretso sa sasakyan niya. Sumakay ako sa passenger’s seat at agad niyang pinaandar ito.

“Hoy Daniel! Binabalaan talaga kita. Wag kang magpapakalasing! Hindi ako magaling magdrive!” Sabi ko sa kanya. Hindi ko nalang din pinahalata na nagtataka talaga ako kung bakit nagyaya siyang uminom. Oh well, sanay naman ako uminom. Party girl ako, ganun talaga!

Mabilis kami nakarating sa bar-slash-restaurant na ‘to. Dumiretso kami sa loob. Dim ang lights. Hindi naman gaanong maingay. May nagpeperform lang na live band at medyo acoustic pa yung tinutugtog nila. May paunti-unting tao, usually, mga barkadahan din na nagbobonding.

Agad kaming binati ni Kuya Emerson. Ipinakilala na siya sa akin ni Dan noon. Ininvite nga din niya ako sa opening ng resto nila kaso alam niyo na, busy ang lola niyo! May date ako nun, bakit ba! Haha! Pinaupo lang kami ni Kuya sa isang table.

“Eto ah. Mango shake para kay Mel, light beer lang para sayo, bro! Isa lang sayo ha, bawal kami mag-serve ng mga liquors sa minors. Kundi lang talaga kita pinsan!” Natatawang sabi ni Kuya Emerson nang dinala na niya sa amin yung mga drinks. Shake lang talaga ako, mahirap na, baka maparami ng inom tong si Dan.

Since You First BelievedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon