Chapter 4

2.3K 142 77
                                    

A/N: Sabi ko sa sarili ko noon, pag pipili ako ng character performers para dito sa SYFB, kailangan iba na!! Pero wala eh, hindi ako maka-move on sa Mario-Fern! Nakakainis hahaha!! Eh di ayan... Issa at the side! :))

Vote and comment! :)

Chapter 4: Thank You

- Issa's POV - 

Naging matahimik naman itong mga nakaraang araw. Ayun, humihingi pa rin ako ng tips kay Dave. Mga facts tungkol kay Kuya Dan. Favorite color, hobbies, anong oras siya natutulog, etc. Parang stalker na nga eh! Hahaha.

Aba, minsan lang ako magkaroon ng ganitong chance, lulubus-lubusin ko na! Mas naging mabait na rin si Dave sa akin kahit papaano. Minsan, bawat fact na sasabihin niya, katumbas ng isang paragraph sa isang research paper.

Nakakapagod din naman talaga. Syempre, kailangan ko pa rin gawin yung homeworks ko tapos additional pa yung sa kanya. Pero dito ako nakakahanap ng kasiyahan. Anything for Kuya Dan… Isang araw, mapapasakin din siya! Bwahaha!

Mabait si Dave… pero minsan lang yun. Kasi daw, desperate times call for desperate measures. Katulad nung isang araw…

***[FLASHBACK]

*Vrooom*

Inistart na ni Kuya Dan yung makina ng sasakyan. It was a usual morning. Katulad ng dati, magkakasabay kami nila Ate Mel at Dave. Hindi naman kami laging nahahatid ni Kuya Dan. Kunwari, pag maaga yung meeting ni Kuya Dan sa student council, nauuna na siya at naglalakad nalang kami. Ewan kay Dave, di na yun pumapasok eh.

Tahimik lang ako sa passenger seat at ineenjoy yung feeling na katabi si Kuya Dan. Ahhh! Kilig talaga!!

“Issa… Mahilig ka ba magbasa? You know, other than academic books?” tanong ni Kuya Dan.

Bigla akong kinabahan sa isasagot ko. Nakakaba talaga pag nag-uusap kami! Baka kasi may masabi ako at maturn-off siya sakin. Haha!

“Yup, minsan nagbabasa ako. Bakit?”

“Wala lang. Have you ever read a John Grisham book?”

Panic mode!! Sa pagkakaalala ko, nakapagbasa na ako ng isang book ni John Grisham pero chapter 1 palang na-bore na ko… at saka ang kapal!! Tungkol yata yun sa pagiging lawyer. Ewan. Mas gusto ko pa magbasa ng academic books.

“Um… Oo, dati! Nabasa ko na yung A Time to Kill.” Bakit ko pa yun nasabi? Hindi ko nga yun natapos eh! Issa your mouth!!

“Talaga? That’s interesting! Ang galing ng pagkakadiscuss ng mga issues dun sa book no? I really admire John Grisham,” sabi niya.

Oh no!! Issues?? Anong issues?! Sobrang tagal ko na nabasa yung synopsis nun!! Nakalimutan ko na talaga. What to do what to do!!

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now