Chapter 30

1.3K 35 7
                                    

Chapter 30: Reasons

- Issa's POV - 

“Sa cafeteria nalang tayo, Dan.” Nakangiting sabi ko.

Tumango siya at nginitian din ako pabalik. Inayos na namin ang mga gamit namin, kinuha ang mga bag at lumabas na ng library.

Halos isang linggo na rin ang nakakaraan magsimula nung date namin sa Rockville Nature Park. Kumusta naman ang week na ‘to? HECTIC!! Sobrang busy at stressful! Kahit na ako na sanay mag-study ng long hours, nahirapan pa rin ako. Katulad nga ng sabi ko, third quarter exams na namin ngayong week. Kailangan namin i-absorb mabuti ang mga topics na pinagkasyang ituro ng mga teachers namin sa loob ng maikling panahon.

Busy rin halos lahat ng estudyante sa school. Ganito talaga pag exam week, idagdag pa na medyo mahigpit ang school namin pagdating sa academics. Hindi ko na nga nakakausap si Claire at napansin ko ring hindi siya ginugulo ni Justin. Si Dave… nakita ko rin siya. Hindi siya nag-aabsent o nale-late ngayong exam week. Aba, may concern pa pala siya sa acads niya! Nagkakatinginan kami minsan, pero hanggang dun nalang yun. Dahil sa sobrang busy, hindi ko na rin magawang makapag-isip pa ng kung anu-anong bagay.

Busy rin si Dan, lalo siya na graduating at running for valedictorian. Halos hindi na nga kami makapag-usap buong week kaya ang ginagawa nalang namin ay sabay kaming nag-aaral. Maliban sa makakapag-spend kami ng time together, mabibigyan din naman ang isa’t-isa ng moral support lalo sa mga panahong nakaka-stress katulad nito! At makakapagpaturo pa ako sa kanya minsan kapag meron akong hindi maintindihan sa lessons. Haha!

Katulad ngayon, kakatapos lang namin mag-aral dito sa library. Ngayon ko lang din narealize na medyo nagtagal din pala kami. Nagsimula kasi kami after lunch at ngayon ay hapon na. Kahit papaano, medyo nakahinga na rin ako ng maluwag dahil huling set of exams na namin bukas.

At dahil nagutom na kami pareho, nagdecide kami na kumain bago umuwi. Ako na ang nagsuggest na sa cafeteria na lang para malapit. Mag-aaral pa kasi kami individually pagdating sa bahay. Oo na, kami na masipag! Haha.

Kaunti nalang din ang tao ngayon dahil busy ang lahat sa exams week. Nang palapit na kami sa cafeteria, nakahinga ako ng maluwag nang makitang bukas pa ang ilaw. Maaga kasi sila magsara minsan lalo na pahapon na. Humakbang na kami papasok sa cafeteria.

Pero napatigil ako dahil biglang napatigil rin si Dan sa paglalakad. Diretso ang tingin niya at nakakunot ang noo. Parang namumutla rin siya at hindi makapaniwala sa nakikita. Anong meron? Agad ko din ibinaling ang tingin ko sa tinitingnan niya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita ko. Agad akong nakaramdam ng isang pamilyar na sakit… yung pakiramdam na tinutusok ng libu-libong pako ang dibdib ko. I exactly know this feeling. The pain felt so familiar to the point that it scared me. Pero kahit na anong sakit ang naramdaman ko, naestatwa lang ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw. Kung normal lang ang lahat, tinakpan ko na ang mga mata ko pero sa pagkakataong ito, napako lang ako sa kinatatayuan ko.

Nakikipaghalikan si Dave sa isang babae!

Nakaupo silang dalawa sa magkatabing upuan sa harap ng isa sa mga table dito sa cafeteria. Kitang-kita ko kung paano niya hawakan ang pisngi ng babae habang hinahalikan ito ng marahas. Hinahalikan din siya nito ng pabalik na parang sarap na sarap ito. Mahaba ang buhok ng babae at naka-uniform din.

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now