Chapter 48

784 29 7
                                    

Chapter 48: Prom (Part 2)

- Issa's POV -

"Dance?" Dave softly asked, holding out his hand. Like a natural response, bumilis ang tibok ng puso ko. At sa lahat ng beses na kumabog ang puso ko para sa kanya, ito ang pinakamabilis. The moment I held his hand, a mixture of emotions suddenly flowed through me.

Dave held my hand and pulled me gently to the center of the dance floor. We faced each other and looked at each other's eyes. He did not leave my eyes as he gently placed my arms around him. He wrapped his arms around my waist. Slowly, we started swaying to the slow rhythm of the music.

Heart beats fast

Colors and promises

How to be brave

How can I love when I'm afraid

To fall

Dave pulled me closer as he tightened his grip on my waist. Nag-init ang mga pisngi ko nang pumasok sa isip ko kung gaano kami kalapit ngayon. His face was just inches away from mine. His chest was pressed against mine. He was so close, I could feel the fast rhythm of his heartbeat. Napangiti ako sa loob-loob ko. We both felt the same.

But watching you stand alone

All of my doubt

Suddenly goes away somehow

 

One step closer

Tahimik lang kaming dalawa habang sumasayaw at hindi iniiwan ang tingin ng isa't-isa. I knew we were lost. We were lost in each other's gaze, lost in the song... lost in the moment. I was wrong awhile ago when I said that I couldn't ask for more. Because I wanted something more... and this was it. Dahil kahit na anong pagtanggi ko, ito ang pangarap ko – ang makasayaw ang nag-iisang lalaking minahal ko buong buhay ko.

I have died every day

Waiting for you

Darlin' don't be afraid

Kahit na gaano kami katahimik ngayon, my thoughts were still banging inside my head. Hindi pa rin nawawala ang halo-halong emosyong nararamdaman ko. Masaya ako dahil kasayaw ko siya ngayon. Masaya ako sa katahimikan, sa pagiging malapit namin ngayon, sa bawat tingin, sa bawat hakbang. Pero kinakabahan ako. Kinakabahan ako dahil alam ko, kahit na anong pagtanggi o pagtakbo ko, alam kong ito na ang tamang oras. Ito na ang pagkakatong matagal kong hinihintay.

Nauubos din ang oras.Kumilos ka na bago pa mahuli ang lahat.

Paulit-ulit kong naririnig ang mga salitang sinambit ni Justin sa akin. Tama siya. Kailangan ko nang kumilos. Kung hindi pa ako kikilos ngayon, kailan pa? Hihintayin ko pa ba ang panahong makahanap na siya ng ibang mamahalin? Hihintayin ko pa ba na magsisi ako dahil wala akong ginawa? Kung hindi ngayon, kailan ko sasabihin sa lalaking pinakamamahal ko na mahal ko siya?

Pumikit ako sandali para pakalmahin ang sarili. There is no turning back. This is it.

I have loved you for a thousand years

I'll love you for a thousand more

"Dave-" "Issa-" Sabay agad kaming natawa dahil sa sabay rin na pagsabi ng mga pangalan namin.

"Go ahead." Nakangiting sabi ni Dave.

Umiling ako at nahihiyang ngumiti. "Hindi, ikaw na ang mauna."

Tinanong niya ako kung sigurado ako, at sinabi kong oo. After all, I want to go last. Gusto kong ang sasabihin ko sa kanya ang huling bagay na pag-iisipan niya. Hindi ako nag-eexpect ng sagot ngayon at makakapaghintay naman ako. But I just want him to think about it all the same. When he was finally convinced, he took a deep breath and closed his eyes for a moment. Naramdaman ko ang kaba niya kaya sa di maipaliwanag na dahilan, kinabahan din ako.

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now