Chapter 26

1.4K 35 23
                                    

A/N: Early Update! :D

Chapter 26: Queen of my Heart

- Issa's POV -

Kumuha ako ng isang dakot ng chichirya at isinubo ito lahat. Halos hindi na nga ito magkasya sa bibig ko at nahulog pa yung iba! Haha. Tahimik akong natawa sa sarili ko habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan namin. Masarap naman kasi ‘tong chips na kinakain ko tsaka mag-isa lang naman ako, bakit ba?! Hahaha.

Pauwi na kami galing sa bahay ni Lola. Sa almost two weeks na itinagal namin doon ay naging masaya naman ako. Dumating sila Ate Trisha at Ate Jean. Masaya silang kasama! Nagkukwentuhan nga kami araw-araw eh. Nakakatawa nga kasi nung nalaman nilang may boyfriend na ako, todo suporta si Ate Jean habang todo kontra naman si Ate Trisha. Haha! Gumagala din kami sa mga kapitbahay namin at bumisita sa ibang mga kamag-anak.

Kita niyo na, di naman ako puro aral eh! Nagsasaya at nabubuhay naman ako ng normal! Pero okay fine, nag advanced study din ako kahit konti. Aba sayang yung free time kapag walang ginagawa! Maigsi lang din kasi yung third quarter kaya dapat walang sinasayang na oras. Oo na, ako na ang nerd!

Nakausap ko rin si Kuya Dan. Nag-usap kami sa phone at nung naki-connect ako sa mobile net ni Ate Trisha, nag-video call din kami. Okay naman siya, sa probinsya din sila nagspend ng sembreak. Medyo busy nga siya kasi lagi silang bumibisita sa mga kamag-anak nila tapos nag-aalaga din siya ng mga nakakabatang mga pinsan niya. Niloko ko nga eh, yaya na pala siya ngayon!

Masaya naman kami. Sabi niya namimiss na niya ako. Medyo malungkot din daw siya dahil kakasagot ko palang sa kanya, hindi na niya agad ako nakikita. Oo na, kinikilig na rin ako! Ganito pala ang feeling ng may boyfriend. May tatawag sayo para mag-good morning, good afternoon at good night. Kukumustahin ka, tatanungin kung anong ginagawa mo, kung nakakain ka na ba… Nakakatuwa talaga! I feel so loved.

Pero sa mga pag-uusap namin, ni minsan ay hindi namin nabanggit si Dave. Siguro medyo sinadya na rin naming umiwas. Ang totoo, gustong-gusto kong tanungin kung kumusta na ba siya. Mahalaga sa akin si Dave at hindi ko maitatanggi na nag-aalala ako sa kanya. Pero sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya at ang lahat ng nangyari sa Black Alpha Fraternity na ‘yun, walang akong ibang maramdaman hanggang ngayon kundi sakit.  

Mabuti na nga lang at nakalayo muna ako sa kanya sa loob ng ilang araw. Nakapag-isip-isip na rin ako kahit papaano kaya medyo humupa na rin ang kung anong sakit at galit na nararamdaman ko.  Kinakabahan lang ako pagbalik sa school. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kapag nagkita kami. Hindi ko nga alam kung kaya ko eh, kung may lakas pa ako para harapin siya. Bahala na, bahala na talaga.

Sunday na ng hapon ngayon at pauwi na kami sa bahay. Bukas na ang pasukan. Kahit na kinakabahan ako, excited na ulit ako pumasok… para mag-aral at syempre… para makita si Kuya Dan!

“Issa, nagtext o tumawag ba sayo si Dan?” Tanong ni Mommy. Nakaupo si Mommy sa passenger’s seat kaya lumingon siya para tingnan ako at hintayin ang sagot.

Napatigil naman ako sa pagkain ng chichirya at mabilis na tiningnan ang phone ko. Wala namang text o call.

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now