Chapter 6

2.1K 135 44
                                    

Chapter 6: Back at One

- Issa's POV - 

Ito na yata ang pinakatahimik na linggong naranasan ko magsimula nung nagstart itong school year. Kahit na maraming ginagawa sa school, ayos lang. Nakakakain at nakakatulog na ako ng maayos.  No more demands. No extra homework. No stress from anyone. No blackmailing threats. Walang nagpapainit ng dugo ko. Walang Dave. Hindi ko na rin siya nakitang pumasok. Ewan ko dun!

Pagkatapos ko siyang kausapin sa likod ng building noon, hindi na rin kami nag-usap. Walang kahit na anong text galing sa kanya. Thank goodness, hindi rin niya sinabi kay Kuya Dan yung nararamdaman ko. Well, kung sinabi niya, baka hindi naniwala si Kuya o baka nahihiya lang siyang pag-usapan. I don’t know! Pero mukhang wala pa rin siyang alam eh…

Alright, medyo nakakapanibago nung hindi na nampepeste si Dave. Of course, araw-araw ka ba naman makatanggap ng text na may ipapagawa sayo! Natawa nalang ako. At least ngayon, stress-free na talaga!!

Okay naman kami ni Kuya Dan. Ilang beses niya na rin akong ininvite maglunch! He still even asked for my number!! Yieee… Ayos na nga siguro yung kaunting time na tinulungan ako ni Dave.

Sa ngayon ay patapos na kami sa klase. Chemistry ang huli naming subject at yung homeroom adviser din namin ang nagtuturo nito, si Ms. Moreno. Tapos na rin siya magturo ng lessons. Nag-aannounce nalang siya ng mga homeroom stuff… na di ko masyadong maintindihan dahil gustong-gusto ko na umuwi. Haha!

“As I was saying, the purpose of this social experiment is to help build teamwork and responsibility among you. Junior students go through this for one or two quarters… depende sa mapapagdesisyunan ng faculty. And for this year, we decided to do it this quarter… So ganito ang mangyayari…”

Nag-explain pa si Ma’am. Dapat nga ako makinig kaso busy akong magpack ng gamit. Nagsitayuan na yung mga kaklase ko habang nagpapack pa ako.

“Newton, Fontanilla, Abesamis, Navarro and Custodio. Please stay.”

Napatigil ako at nagkatinginan kami ni Claire. Top 5 sa klase yung tinawag ni Ma’am ah?

“Also… Gonzales, Santos, Morales, Camiguin and Abad. Stay also. Punta kayo dito sa table ko pagkatapos niyong mag-ayos ng gamit.”

Nagtaka ako. Sila naman yung Bottom 5 ah? Alam ko hindi naman talaga dinidisclose yung ganyang mga bagay… pero for some reason, alam namin lahat kung sino ang pinakahuli sa mga klase. Hindi din naman pala ako magtataka na kasama dyan si Gonzales!!

Pumunta na rin ako sa table ni Ma’am pagkatapos kong mag-ayos. Tumayo lang kaming lahat na tinawag sa harap ni Ma’am… Pumasok pala si Dave? Wow. He still looked the same… Pero mukha siyang hinahingal? Omg no way. Ngayon lang siya pumasok?! Nung tinawag siya ni Ma’am? Somebody must have texted him na hinahanap siya. Hindi naman din nagccheck ng attendance sa subject na to kaya hindi siguro napansin ni Ma’am.

“As I was explaining awhile ago, for this quarter, magkakaroon kayo ng study partners. This is to enhance your teamwork and responsibility as students. You are expected to study together, bahala na kayo sa techniques kung paano kayo mag-aaral.

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now