Chapter 36

1.1K 31 6
                                    

A / N: Hi! Para sa hindi pa nakakapanood, may trailer na po ang SYFB! :) Mapapanood niyo yung video sa multimedia section (sa taas). Or you can visit my FB profile (fb.com/bittersweet24wattpad), then go to Videos. Thank you! :D


Chapter 36: Danger Zone


- Issa's POV -

Does he still wish for us to be together? Does he still... Does he still love me?

 

"Issa?"

Naistorbo ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ni Claire na tinatawag ako. Nandito kami sa Chemistry lab ngayon. Tapos na ang class pero pinag-stay kami ng teacher namin dahil mag-aaral pa kami para sa isang interschool science contest. Kami kasi ang napiling representatives. Okay naman ang pagrereview, hindi ko lang maiwasang antukin dahil hapon na rin at medyo mainit dito sa lab. Kaya ayun, kung saan-saan na lumilipad ang isip ko. Mag-aaral na nga lang ulit ako sa bahay!

I looked up from the book I was reading. "Ano 'yun?" Tanong ko sa kanya.

"Uh... Kasi... Pauwi ka na ba?" Nahihiyang tanong niya.

"Oo, sana... Pero kung may kailangan ka or something, I can use some time. Wala naman masyadong homeworks, so okay lang."

"Ah... Kasi... Ano raw... Sabi ni Justin, kung pwede daw bang daanan ko siya sa covered court? Ayoko nga talaga, kaso mapilit siya eh!"

Natawa ako sa reaction ni Claire. Halata naman kasing gusto niyang daanan si Justin, tinatago pa niya!

"Bakit daw?" Curious kong tanong.

Nagkibit-balikat si Claire. "Ewan ko ba dun. Basta ang alam ko, doon yung training nila sa basketball team. Ano... Issa... Okay lang ba magpasama sa'yo? N-Nahihiya kasi ako eh..."

"Okay sige! Ayusin ko lang 'tong mga gamit ko." Sagot ko ng hindi nagdadalawang-isip. Anything for Claire... and Justin!

Inayos na namin ni Claire ang mga gamit namin. Nagpaalam din kami sa teacher namin, tapos na rin naman kami mag-aral. Nagsimula na kaming maglakad papunta sa direksyon ng covered court. Natatawa nga ako kasi hanggang makarating kami, reklamo lang ng reklamo si Claire na naiinis siya kay Justin, kahit na halata namang gusto niya rin ito.

"Oh my gosh. Eto na..." Huminga ng malalim si Claire. Natatawa nalang ako sa loob-loob ko. Ngayon ko lang kasi siya nakitang ganitong kabahan.

Pero kahit papaano, naiintindihan ko din naman talaga siya. Medyo nakakahiya nga din talagang pumunta. Pakipot din kasi itong si Claire, baka nahihiya siyang isipin ni Justin na may ibig sabihin ang pagpayag niya na pumunta sa covered court. Isa pa, puro mga varsity players ang nandun at ang mga nerd na katulad namin ay walang business sa kanila. Varsity players... Posible kayang nandun si...

Pagkapasok namin ni Claire sa covered court, naglalaro ng practice game ang mga varsity players na nakasuot ng mga jersey at shorts. Seryoso ang mga ekspresyon ng mga mukha nila habang nagtatakbuhan at nagpapasahan ng bola. Pinapanood ko lang sila maglaro pero halos wala akong mamukhaan. Wala rin naman talaga akong kilala sa mga basketball players ng school team namin... at generally, wala naman talaga akong pakialam. Oo na, puro pag-aaral nga kasi ang inaatupag ko! Haha!

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now