Chapter 29

1.6K 34 20
                                    

Chapter 29: Date

- Issa's POV - 

Dahan-dahan kong inipon ang buhok ko sa isang ponytail habang tinitingnan ang sarili sa salamin. Iniikot ko na ang pantali at sa wakas ay ayos na rin. Nagpulbos ako at naglagay ng konting lipgloss. Isinuot ko na rin ang dark-rimmed glasses ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko ng huling beses. Naka purple na V-neck shirt, blue jeans at sneakers ako. Nakakapanibago rin pala kapag ganito ang suot ko. Kung hindi kasi ako naka-uniform, Sunday dress lang ang suot ko. But today’s different.

Today is a Saturday. Isang linggo na rin ang nakakaraan magsimula nung gathering na formally sinabi namin sa families namin na kami na ni Dan. Nung ipinakilala niya ako na girlfriend na niya ako… at nung araw na sinubukan akong pakawalan ni Dave.

Anong nangyari pagkatapos ng lahat ng ‘yun?  Wala rin naman. Hindi ko naiwasang malungkot kahit na nung pumasok na kami sa school nung sumunod na araw. Everything that happened that night wasn’t really easy for me to bear. Sa tuwing naiisip ko ‘yun, hindi pa rin maalis ang sakit na nararamdaman ko.

The only good thing that happened was Dan. He never left me. He stayed by my side. Sinasamahan niya ako tuwing break time sa school. Nililibre niya ako, sinasamahan mag-aral, kinukwentuhan at laging kinakamusta ang nararamdaman ko. May isang beses nga na napaiyak ako sa kanya. But he never judged me. Hinayaan lang niya ako. And I would forever be thankful to him because I know I wouldn’t be able to survive every single day without him. Nakabuti sa akin ang presensya niya. Katulad nga ng sabi ko, I am moving on to his direction.

At si Dave? Hindi ko siya nakita sa buong isang linggo. Hindi siya pumasok sa school, hindi ko rin siya naabutan dito sa amin. Wala kahit na anong bakas niya. Of course, I wouldn’t deny that there’s a part of me who’s worried about him. Nasaan kaya siya? Kumusta siya? Nalulungkot pa ba siya? Paano na yung grades niya? Pero siguro, mas makabubuti na ‘to para sa aming lahat. Para makalimutan ko na siya ng tuluyan at para hindi na rin niya kami magulo.

And after all that happened, ang gusto ko lang ay maging masaya at maging tahimik na ang lahat. Ito din siguro ang gusto ni Dan. Dahil ngayong Saturday, niyaya niya akong mag-date! Sabi niya, break na rin daw namin sa pag-aaral. Pagkatapos kasi ng week na to, magiging sobrang busy na kami sa studies. Malapit na rin kasi mag-Christmas break. Ibig sabihin nun malapit na rin ang Third Quarter exams. Gusto kasi ng teachers namin na mag-exam na agad kami kasi wala naman daw nakakapag-aral kapag Christmas break. Ewan ko lang sa kanila, basta ako, okay ako mag-aral anytime! Haha. Oo na, nerd na ako!

Napangiti ako sa harap ng salamin nang naramdaman ko ulit ang excitement para sa araw na ito. Excited ako kahit na hindi ko alam ang gagawin namin. Ang sabi kasi ni Dan, surprise daw eh! Magsuot lang daw ako ng comfortable clothes at rubber shoes kasi adventure daw ang gagawin namin. It’s not the typical date daw. Ano naman kayang pinaplano niya?

“Issa, nandyan na si Dan sa baba. Okay ka na ba?” Tanong ni Mommy nang binuksan niya ang pinto ng kwarto ko.

Ngumiti ako at tumango. “Opo, ready na ako. Mommy… O-Okay na po ba yung suot ko?”

Napangiti naman siya sa tanong ko at bigla akong niyakap. Napayakap nalang din ako sa kanya kahit na medyo naguguluhan ako.

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now