Chapter 57

905 24 6
                                    

Chapter 57: No Idea

- Issa's POV -

G-14. Newton, Isabelle Marie R.... B-10 Gonzales, David DC.

Napangiti ako ng mapait nang makita ko ang mga pangalan namin ni Dave na under ng iisang section. Ibig sabihin magiging magkaklase ulit kami ngayong Fourth Year. I couldn't help but have mixed feelings about this. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, maiinis or masasaktan dahil magkakasama na naman kami ng isang buong taon. Hindi ko nga alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng naging pag-uusap namin.

Nandito ako ngayon sa tapat ng bulletin board malapit sa study hall. It's a Monday afternoon at ngayon ang huling session namin para sa review class. Katulad nga ng sabi ko, career talk nalang ito. It also happened na ngayon naipost ang mga sections namin para sa Fourth Year.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagbabasa ng mga pangalan ng magiging classmates ko. Napangiti naman ako sa nang makitang magkakaklase pa rin kami nila Miles, Raymond, Claire at Justin. To be honest, medyo expected ko na rin 'to. Ewan ko ba, pero hindi yata masyadong mahilig mag-shuffle ng mga students yung school namin.

Nang matapos na ako sa pagtingin sa ibang mga announcements sa bulletin board, naglakad na ako sa direksyon ng study hall. Nag-usap-usap kasi kami nila Miles na magkikita muna dito para sabay-sabay kami mag-fill out ng college application forms bago pumunta sa career talk.

Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob ng study hall. Nakapagdesisyon na kasi ako kagabi. If there's something that I learned from everything that happened, siguro ito yung importance ng honesty. Kung nalaman lang siguro namin ng maaga ang totoo at hindi kami nagtago ng mga secrets, none of these would have happened. That's why I've decided to tell Miles how I feel.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama itong gagawin ko. Hindi ko na nga alam kung ano ang tama at mali eh. After yesterday, wala rin akong ginawa kundi umiyak hanggang sa mapagod ako. Nang nakauwi ako, nagkwento ako kay Mommy. Hindi ko naman sinabi ang lahat dahil alam kong confidential ang tungkol sa Black Alpha at baka madamay pa sila. Sinabi ko nalang na si Dave talaga ang mahal ko pero may nagawa siyang mali at nasaktan niya ako kaya hindi ko siya pinili noon.

Mommy has been nothing but patient with me. Hinayaan lang niya ako magkwento habang inaabutan ng maraming tissue paper. Haha! But she's really been understanding. Katulad ng dati, hindi niya ako pinilit na sabihin at hindi na siya gaanong nagtanong. Kung ano yung ikinuwento ko, she's satisfied with it. Pagkatapos kong magkwento, ang advice lang na ibinigay niya sa akin ay mag-move on. She said that nothing can be done anymore. Nasaktan namin ni Dave ang isa't-isa and all we can do is move forward if we want to keep whatever's left of us.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Hindi ko na rin alam kung anong gusto kong mangyari sa aming dalawa. The scars of the past which were just starting to heal were opened up again and began to be freshly painful. Masyado nang masakit ang lahat ng nangyari sa amin. I don't know if we have enough left for the both of us to still be part of each other's lives. Akala ko mas magiging maayos ang lahat kapag napag-usapan namin ang mga 'to. Hindi pala.

After everything, I couldn't think straight anymore. Pakiramdam ko pagod na pagod pa rin ako kahit na natulog ako ng maaga kagabi. Hindi ko alam kung tama ba itong gagawin ko. Ang alam ko lang, mas mabuting manggaling 'to sa akin kaysa sa iba.

Iginala ko ang tingin ko at nakita agad si Miles na nakaupo sa usual spot namin sa study hall. Mag-isa lang siya. As always, siya naman lagi ang pinakamaagang dumating sa amin. Nakatungo siya at nagsusulat, baka nagsimula na siya magsagot ng form. Kinakabahan at dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Pagkakita niya sa akin, nag-angat siya ng tingin at ngumiti ng malapad.

Since You First BelievedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt