Chapter 42

859 34 7
                                    

Chapter 42: Duwag


- Issa's POV -


"Gusto kita Gonzales!! Ano, masaya ka na?!"


Napuno agad kami ng katahimikan, habang tinatanggap ang mga salitang nagmula kay Miles. Kinuha niya ang pagkakataon ng pagkakabigla namin para tumakbo palabas ng gazebo. Nanigas lang ako sa kinatatayuan ko. Kahit na medyo bumagsak sa balikat ko ang jacket ni Dave, hindi ko ito pinansin. Hindi pa matanggap ng utak ko ang mga narinig ko kanina.


"Miles-" Akmang susundan ni Raymond si Miles nang hinawakan ni Dave ang braso nito.


"Ako na." Ani Dave. Mabilis din siya naglakad palabas ng gazebo para sundan si Miles. Nakaramdam ako ng panlulumo habang pinapanood na maglakad papalayo si Dave.


Gusto ni Miles si Dave. Gusto niya si Dave! May ibang nagkakagusto rin kay Dave. At base sa ekspresyon ng mukha ni Miles at ang pagkakaamin niya, nararamdaman kong hindi lang ito ordinaryong pagkakagusto. Hindi ito katulad ng sa mga tingin ng mga babae sa campus na pangarap na mahalikan niya. That's a simple crush.


Pero sa mukha ni Miles, halatang nasasaktan siya nang nakitang inaayos ni Dave sa akin ang jacket. Nadurog ang puso ko nang naalala ang ekspresyon ng mukha niya at ang mga luhang dumaloy mula sa mga mata niya. Based on her expression, it feels like she saw in Dave what I saw in him. She saw him more than just a bad boy who attracts girls. Nakita niya ang totoong Dave at alam kong 'yun ang nagustuhan ni Miles. Heck, baka nga hindi lang basta 'gusto' niya si Dave eh. I know... She's fallen for him.


Biglang naghalo-halo ang mga nararamdaman ko ngayon. Nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi mahalaga sa akin si Miles at kaibigan ko siya, at nasasaktan siya. Nasasaktan ako kasi... pareho kami ng nararamdaman. Pareho kami ng kaibigan ko ng taong nagugustuhan! At nasasaktan ako... kasi iniwan ako ni Dave. I wanted to run to him, to stop him from chasing her, pero wala akong magawa. I want him to remain by my side... but I don't have any right.


"Issa, pasensya ka na kay Miles ah." Bumalik lang ako sa realidad nang magsalita si Raymond. Dahan-dahan niyang inayos ang jacket ni Dave sa balikat ko at ibinalot ito sa akin. Hindi naman ako makapagsalita ng maayos dahil pakiramdam ko may bara ang lalamunan ko. Nginitian lang ako ng malungkot ni Raymond.


"N-Nasaktan ko rin yata siya. H-Hindi ko sinasadya." Nanginginig kong sagot.


Umiling si Raymond sa akin at ngumiti. "Wala kang kasalanan, Issa. Wag mong sisihin ang sarili mo. Wala naman may kasalanan eh. Di rin kasalanan ni Miles yung nararamdaman niya. Ang sabi ko lang sa kanya, matuto siya magpreno ng bibig niya minsan..."


His voice faded away. Napabuntong-hininga siya. He must really be concerned about his best friend.


"M-Matagal na ba? Kailan pa?"


"Siguro one or two months ago? Hindi pa naman ganung katagal." Nagsimulang magkwento ng kaunti si Raymond. "Pero ngayon-ngayon lang din niya inamin sa akin. Actually, si Dave ang unang lalaking nagustuhan nyan. Wala kasing lalaking nakakalapit dyan. Takot lang nila sa mga kuya niya na kilalang basagulero sa school noon. Tapos laging ako pa ang kasama, kasi pinababantayan siya ng mga kuya niya sa akin.

Since You First BelievedOnde histórias criam vida. Descubra agora