Chapter 24

1.5K 38 21
                                    

Chapter 24: Beg

- Issa's POV -

“Hey.”

Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Kuya Dan. Ngumiti ako sa kanya. Nandito na kami sa likod ng bahay nila Ate Mel. Ilang minuto nalang bago mag 6PM kaya malapit na magsimula ang birthday celebration niya.

Masaya ang paligid. May mga naka-set up na round tables at mga plastic chairs. May mga pink balloons din na nakatali sa sandalan ng mga upuan.  Nakahanda na rin ang mga plato at utensils para sa mga bisita habang nakahain na rin ang mga pagkain sa isang mahabang table. Hindi naman gaanong karami ang tao. Ang nandito lang ay mga kaibigan ni Ate Mel, ilan sa mga kamag-anak nila at kami. Halos puno na rin ang mga table kaya’t rinig na rinig ang ingay ng pagkukwentuhan.

Nasa isang round table lang kami nila Mommy, parents ni Kuya Dan at parents ni Ate Mel. Hinihintay nalang namin ang paglabas ni Ate Mel. Gusto daw niya grand entrance eh! Umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko si Kuya Dan nang makita niya ako. Naka plaid navy blue na polo siya, maong pants at sneakers.  Katulad ng dati, hindi ko pa rin maiwasang mapansin na ang fresh at mabango ang dating niya. He always manages to look so neat and presentable.

Napasuklay tuloy ako sa buhok ko gamit ang kamay. Na-conscious naman kasi ako! Para sa akin, ayos naman ang suot ko. Naka-suot lang ako ng floral na Sunday dress na may maliliit na bulaklak na design. Nakalugay lang ang buhok ko. Nilagyan din ako ni Mommy ng powder at colored na lipgloss. Pero feeling ko ang pangit ko kapag katabi si Kuya Dan!

Isinandal ni Kuya Dan yung hawak niyang gitara sa isang poste ng tolda na naka-set up. Bigla naman ulit akong kinabahan. Kanina lang kasi sinabi sa amin ni Ate Mel na kakanta pala kami ng duet ni Kuya Dan mamaya sa party niya. Gulat na gulat ako nang sinabi niya ‘yun! Maliban kasi sa hindi maganda ang mood ko, hindi talaga ako magaling kumanta. Pero nakakainis, masyadong mapilit si Ate Mel eh. Minsan lang naman daw siya humiling at birthday naman daw niya, tapos hindi siya pagbibigyan.

Kaya ayun, wala rin kaming nagawa ni Kuya Dan kundi magpractice ng kanta kanina. Pilit ko nalang itinago lahat ng lungkot na nararamdaman ko dahil sa lahat ng nangyari at natuklasan ko kahapon. Kumusta ako? It would be the greatest lie to say that I am okay. I’m not. I’m not even close to being okay.

Nagising lang ako kaninang umaga na nasa kama na ako pero nakasuot pa rin ako ng uniform. Hindi ko rin matandaan kung paano ako napunta doon. Siguro, tinulungan ako nila Mommy. Pagkagising ko, todo alaga sa akin si Mommy. Pinagluto niya ako ng favorite kong pagkain. Hiningi nga din niya na tulungan ko sila nila Tita Pam na maghanda ng pagkain para sa celebration, para na rin siguro malibang ako.

Ginawa ko naman ang lahat ng maayos kahit na may mga moments na nagsspace out ako. Pero mukhang hindi naman nahahalata dahil maayos din naman kami nakapagpractice ni Kuya Dan. I know in myself that I was in so much pain but today, every second of the day, I felt so numb. Yeah, I did what I was supposed to do but I felt like a dead man walking.

Pero naisip ko din, life goes on. The world doesn’t stop for you just because you’re in pain right now. Dahil sa ngayon, gusto ko lang maging masaya at magpakasaya. Araw ito ni Ate Mel, isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko. I just want to be happy for her. I am going to put my mind off those negative things. There is no reason for me to be sad.

Since You First BelievedWhere stories live. Discover now