Chapter 61

748 21 7
                                    

A / N: Sorry late update! Exams week kasi namin. Haha. Enjoy reading! Don't forget to vote and comment!

P. S. Follow me on twitter: @bittersweet24wp :)

Chapter 61: Danger

- Issa's POV -

Binuksan ko na ang locker ko at nagsimulang ilagay ang mga libro na hindi ko aaralin sa bahay. Kinuha ko naman ang mga librong gagamitin ko at isa-isang isinilid sa bag. Pakanta-kanta pa nga ako dahil mag-isa nalang ako dito sa locker hall. At isa pa, masaya rin ako dahil naging maayos din naman ang araw ko ngayon kahit na malungkot ang nangyari kahapon dahil sa paghihiwalay ni Miles at Dave.

Kumusta naman sila? Miles is doing fine! May lungkot ang mga ngiti niya pero kahit papaano, nakikita kong itinutulak niya yung sarili niya na maging masaya. Sinusubukan niya makipag-usap at makipagkwentuhan sa amin. Paminsan-minsan ay tumatawa rin siya. Nililibang din namin siya ni Raymond dahil alam namin na kailangan lang din niya madistract at sumaya. She's a really strong girl, it even seemed like she was back to her usual self.

On the other hand, Dave did not come to school today. Nag-text siya sa akin kaninang umaga na hindi muna siya papasok ng school dahil gusto niya muna raw ng space at time para makapag-isip. Mukhang hindi pa rin siya handang makita ulit si Miles. Sa halip na mainis ako, I just gave him that. I know that time and space are what he need right now. And I'm certain that he's doing fine. Nag-usap pa kasi kami sa phone kagabi at nakipagkwentuhan pa nga siya sandali. I know that I have nothing to worry about.

Ngayong tapos na ang classes, nag-aayos lang ako ng locker at uuwi na rin ako. Susunduin nga ako ni Dave dito sa school kasi raw wala akong kasama dahil pupunta ng arcade sila Raymond, para raw malibang si Miles. Nung una, ayaw ko pa ngang pumayag dahil araw 'to ni Dave, pero pinilit pa rin niya. So I'm waiting for him. Isisilid ko pa sana ang isang libro ko nang nag-ring ang phone ko. Tiningnan ko ang screen bago ko ito sinagot. Si Dave.

"Hello, Dave?"

"Isabelle Marie Newton." Nanindig ang balahibo ko nang malalim na boses ng isang di-kilalang lalaki ang bumigkas sa buong pangalan ko. Biglang bumalik sa alaala ko ang naging pag-uusap namin ni Sid noon. Pero hindi ito si Sid. Hindi ko pa naririnig kahit kailan ang boses na ito.

"S-Sino 'to? Nasaan si Dave?" Nanginginig kong tanong.

"Kaano-ano ka ni Dave? Kaibigan? Girlfriend?" The man asked me mockingly. Napuno ng kaba ang dibdib ko at bumilis ang tibok ng puso ko. I have a very bad feeling about this! Pero please, wala sanang masamang mangyari kay Dave!

"Nasaan ba si Dave?! Anong nangyari sa kanya?!" Sa sobrang kaba at inis, hindi ko sinagot yung lalaki. I was losing my cool!

"Gonzales, hinahanap ka ng kaibigan mo." Natatawang sabi ng lalaki.

"Issa?" Kinurot ang puso ko nang marinig ang pagtawag ni Dave. He's alive! Pero halatang-halata sa boses niya ang pagod at sakit. Anong problema?!

"Dave! Ikaw na ba yan! Nasaan ka?! Anong nangyari? May ginawa ba silang masama sa'yo?" Tuloy-tuloy na pagtatanong ko.

"W-Wala, Issa. Okay lang a-ako. W-Wag ka na mag-alala sa akin. Wag mo na akong puntahan. Wag kang makikinig sa kanila, masama sila at - OW!!! P-utangina!!"

Nanlaki agad ang mata ko at napatakip ako sa bibig.

"DAVE!! Okay ka lang ba?! Dave, sumagot ka!! DAVE!!" Dumaloy na ang luha sa mga mata ko nang marinig ang pagsigaw ni Dave. Pinapahirapan siya! Mukhang sinasaktan siya physically! 

"T-Tama na!! Masakit! Pakawalan niyo na ako... M-Maawa kayo sa akin... Tigilan niyo na kami..." Daing ni Dave.

"Dave!!! Ano nang nangyayari?! Ipakiusap niyo ako kay Dave!! Utang na loob, wag niyo siyang sasaktan please!" Pag-iyak ko.

Since You First Believedजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें