Chapter 5

2.2K 145 51
                                    

Chapter 5: Back Out

- Issa's POV - 

Pagod. Yan lang ang tanging naramdaman ko nitong mga nakaraang araw. Nasa gitna na kasi ng quarter. Habang palapit ng palapit ang first quarter exams, dumadami na rin ang lessons at projects. Maraming ginagawa at natatambakan ako. Syempre, sinisigurado ko pa ring nag-aadvanced study ako. Okay naman ako usually.

Kaya lang yung mga demands ni Dave ang nagpapabigat ng trabaho ko. Tuloy pa rin kasi yung paghingi ko ng facts sa kanya para may ma-bring up ako kapag nag-uusap kami ni Kuya Dan. Iniisip ko nalang na yun ang reward ko sa lahat ng hirap na to.

Masayang-masaya kasi ako sa tuwing nakikita ko siya. Kahit simpleng pagngiti at pagbati niya sakin ng “Hi” at “Hello”, nabubuo na yung araw ko. Siya ang inspiration ko. Di kaya… in love na ako? Omg hindi pa ako ready. Hahaha.

Naglalakad lang ako sa locker hall. Kakatapos ko lang kunin ang books ko at pauwi na rin. Nararamdaman ko na ang pagod lalo na ang bigat nitong books. Medyo nahihilo na ako. Naalala ko hindi na ako nakapaglunch kanina dahil nag-memorize ako para sa quiz. Paano ba naman kagabi, gumawa na naman ako ng homework ni Dave.

Teka. Bakit ganito? Umiikot na ang paningin ko. Napakapit ako sa poste. Nahulog ang mga books ko. Naramdaman ko na lahat ng puyat, pagod at gutom. Alam ko din na walang makakakita sa akin dahil hapon na at nag-uwian na rin halos lahat ng estudyante.

Pinilit kong pulutin isa-isa ang mga books at sinubukang tumayo. Kaso wala na akong lakas kaya napahawak ulit ako sa poste. I felt so helpless. Gusto kong sumigaw ng tulong pero alam kong walang makakarinig sa akin. Nagbabadya ng tumulo ang luha sa mga mata ko.

“Issa? Issa!! Are you okay?” Narinig ko ang pamilyar na boses na nagpapanic.

Medyo nakahinga ako ng maluwag pagkarinig ko ng boses niya. Gusto kong umiyak. Siya na naman… Siya na naman ang nakarinig sa akin. Hindi ako makapagsalita.

“K-Kuya Dan… Okay lang ako.” Pabulong kong sinabi.

“Hindi ka okay, Issa! Can you get up? Tara, dadalhin kita sa  clinic.” Sabi niya ng may pag-aalala.

Wala na akong nagawa o nasabi. Gusto ko sanang tumutol pero wala akong lakas.

Isa-isa niyang pinulot ang mga libro ko. Iniakbay niya yung arm ko sa kanya. Inalalayan niya akong maglakad hanggang makarating kami sa clinic, na hindi naman kalayuan.

Pinaupo agad ako nung doktor sa patient’s bed. Walang tao sa clinic. Pinanood kong makipag-usap si Kuya Dan sa doctor. Hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa kanyang mukha.

“Issa, sabihin mo sa kay Doc ang nararamdaman mo.” Seryosong sabi ni Kuya Dan ng may authority. Ngayon ko lang siyang nakitang nagkaganyan.

“Uh… D-Doc… Nahihilo po ako. Parang… parang wala na po akong lakas na tumayo…” Halos mabasag ang boses ko sa pagsasabi kay Doc. I still felt helpless. Gusto ko nalang umiyak sa lahat ng stress.

Since You First Believedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن