♣ Kabanata 42 ♣

318 8 0
                                    

| Zeiren |

"Finally, you came!"

Panandalian ko munang tinakasan ang lahat.

Inilapag ko sa sofa ang bag na bitbit at sinalubong ang yakap ni Mama.Kagagaling niya lang sa kusina at hindi ko nagawang makapagreklamo nang hawakan niya ang magkabila kong braso pagkatapos ay inalog sa sobrang tuwa. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang apron na madungis. Nagpapaka-trying hard na naman siguro siyang mag-bake ng cake.

"Mom kahit anong gawin mo, palpak na talaga 'yang cake mo."

"Nagi-effort ako, hindi naman 'to para saiyo."

Yeah right. Tatay ko lang naman ang mauuto niyang kainin lahat ng gawa niya. Hindi niya ako mapipilit, 'yong una at huling beses na natikman ko ang lasa ng cake niya.... Pramis, hindi mo na talaga gugustuhing ulitin. Halos sumuko din ang inodoro namin dahil do'n.

"Akyat lang ako sa kwarto. Pakigising nalang ako pagdating ni Dad."

Nagpunta ako sa kwarto ko at padapang ibinagsak ang sarili sa kama. Alas-siete na ng gabi kaya madilim sa loob ng kwarto ko. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw dahil balak kong umidlip kahit ilang saglit.

I was about to close my eyes but I was caught by surprise from the sudden shadow on the floor inches away from my bed. Someone standing to the door I left open.

It's not my Mom.

Umakyat ang panlalamig sa batok ko ng may isa pang anino ang tumabi sa taong nakatayo sa pinto. I quickly turned around as they started to walk towards to my bed but the lights open suddenly.

"Ang dilim naman dito," reklamo ng nanay ko na ang palad ay nakalapat sa switch ng ilaw. "Your Dad is here."

Wala sa sariling napatango ako.

"You okay?" nagtataka niyang tanong.

Naupo ako. "Y-yeah. Magpapalit muna ako ng damit bago bumaba."

Tatango-tangong tumalikod naman siya. Humugot ako ng malalim na hininga nang tuluyang siyang makaalis. Hindi ako makapaniwala.. Hanggang dito ba naman ay sinusundan nila ako. Can they give me a break even just until tomorrow?

"Hey Dad. Advance happy birthday," humalik ako sa pisngi niya. Pinanuod niya ang lantang pag-upo ko sa upuang katapat niya. Nasa dining table kami, ready na para sa hapunan.

Oh 'diba? Wala manlang kaming kaamor-amor sa isat-isa makalipas ng ilang buwang hindi pagkakikita. Mana-mana lang ng ugali 'yan.

"Tired?"

"Yes."

"From what?"

I groaned. "From everything, Dad."

Napaayos ako ng upo nang may biglang maalala. "May nababalitaan ba kayo?"

"Nabalitaan na?" Takang tanong ng nanay ko na kalalapag palang ng plato sa harap ko.

"Uhmmm.... Hehehe. Nevermind."

Weird. Hindi naman kalayuan dito ang academy pero walang nakakarating na balita sakanila.

"About the suicide recently happened to your school?" si Dad.

"Ah that! Nabalitaan namin 'yon, dalawang istudyante at isang teacher right?" si Mom.

Tumango ako at may inaantay kung may sasabihin pa sila. How about the murder? They stared at me as if asking what's wrong. Nangiti nalang ako tapos ay sunod-sunod na napailing.

"Let's eat. I'm hungry."

Wala talaga silang nalalaman tungkol doon pero bakit? Halos lahat ng istud'yante ay alam ang nagya---- Si Miera, anak siya ng principal at pilit siyang naki-usap noon na 'wag ipagsasabi ang nangyari kay Meylin. Naiintindihan ko na. Minanipula ng iskwelahan ang nangyaring pagkamatay sa iba pa matapos 'yong malantad sa mga istud'yante.

Nag-kuwentuhan lang kami ng kung ano-anong kabuluhang bagay habang kumakain pagkatapos ay tinulungan ko ang nanay kong mag-asikaso sa kusina.

"What's the plan tomorrow? Lalabas tayo o maghahanda ka nalang dito?"

"Uhmmm.. We're going to your lola's place."

Napangiwi ako. Isa sa pinakaayaw kong lugar ay kila lola. Hindi dahil sa ayaw ko sakan'ya kundi dahil sa mga kapitbahay nila na halos araw-araw na nakatambay mismo sa bahay nila, karamihan ay mga kasing edad ng mga magulang ko at mga tropa ni lola na hindi din nalalayo sa edad niya. Ang iingay nila.

"Okay....... Sa sala na 'ko."

Naupo ako sa couch katapat ni Dad na abala sa panunuod. Itinuon ko din sa telebisiyon ang paningin.

"How's school?" He asked.

"You already asked that while we're eating," I answered without glancing him.

"You told me you're okay, I don't believe. Now I'm asking you for the third time.... How's school?"

Napabuntong-hininga ako. Nice one, Dad. "Your only daughter is putting herself into dangerous situation. What do you think she should do?"

"Do what her heart wanted to do."

Masama ang mukhang nilingon ko siya. "Parang hindi malang kita nakakitaan ng pag-aala, Dad. Medyo masakit," pag-iinarte ko.

Tinignan niya ako. "'Cause I trust you."

Matamis akong napangiti. "You're the best, Dad."

"You're the best too, sweetie."

At sabay kaming dalawang umakto na nandidiri. Cheesy amp! We both not used to it.

Ilang sandali lang ay sinabayan na kami ni Mommy na manuod. Saktong alas-dose na kami nagkayayaang matulog at s'yempre binati namin si Daddy. Inabot ko na din ang regalo ko sakan'yang relo.

Kasalukuyan na kaming umaakyat sa hagdan ng bigla akong matigilan. That's smell, naamoy ko na naman siya sa mga oras 'to.

"Mom?"

"Yes?" sagot niya nakalingon sa akin, maging si Daddy.

"Are you still using bitter almond products?"

"Nope, why?"

Shit.

"N-nothing.."

Naglalayag sa kung saan ang isip ko habang nakahiga sa kama habang malalim ang bawat pag-hinga. I can still smell it untill now.

Asar akong napabangon, binuksan ang ilaw at naghalungkat sa drawer. Sa pagkakatanda ko ay may naitago akong vicks dito. Makakatulong 'yon para mawala ang naamoy at makatulog nang mahimbing.

Sa kakahanap ay may nakapukaw ng atensiyon ko, ang notebook ko na madalas ko noon pagdoodle-an. At sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakita ko nalang ang sarili na binubuklat ang bawat pahina no'n.Bawat detalye binabasa ko hanggang sa...

Hera&Kane.

Gulat akong napasinghap at napatakip ng bibig matapos mabasa ang pangalang nai-doodle ko noon.

"What's wrong, Zeiren?" Inangatan ko ng tingin ang Mommy ko na nakasilip sa pinto.

"M-may kilala kang Kane at Hera?"

Did I met them before? When and where? The heck! Why I can't remember anything!

"Owww... That kids..."

Kids?

"Who are they?"

"You don't remember them?"

Hindi ako nakaimik. Naglakad siya palapit sa akin at naupo din sa harap ko.

"O baka dahil sa kakasisi mo sa sarili mo ay kusa silang nawala sa ala-ala mo."

"M-mom..."

Anong ibig n'yang sabihin? Anong nagawa ko at kinailangan kong mag-sisi? Naguguluhan ako. Kakaiba din ang naging dulot no'n sa dibdib ko dahil nakaramdam ako nang paninikip.

"Remember sa Saint Philomena?.... Iniligtas ka nila noon."

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now