♣ Kabanata 15 ♣

897 160 0
                                    

| ZEIREN |

Dalawang araw na  ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa din nagbabago ang kakaibigang ikinikilos ng mga kaibigan ko. Katulad pa din naman silang ng dati pero kapansin-pansin na parang may itinatago sila sa akin.

Lalo na si Ashley na nando'n pa man ang katarayan ay mahahalata mo pa din na bahagya siyang nanamlay.

Hera.

Kasalukuyan kong hawak ang hairclip na napulot ko, paulit-ulit binabanggit ang salitang nakaukit. Hindi ko naman na kasi ulit nakita 'yong may ari kaya itinabi ko nalang.

Ibinulsa ko 'yon matapos kong mapagpasyahang pumuntang pool area. Ang sabi nila Blaire ay manunuod sila ng activity ng grade 9. Swimming competition. Pagpasok ko do'n ay nagkakaingay ang mga istudyante. Hinanap ko kaagad ang pwesto nila Blaire.

I found them sitting at the top of the bleacher. I raised an eyebrow as I saw them with Mark and Rester. Then I felt someone tapped my shoulder. When I looked back I found Dion smiling at me.

Ako lang ba talaga o napapadalas na talaga ang pagkukros ng landas ko sa mga tropa nila Blaire.

"Manunuod ka din?" Aniya. Tumango naman ako. Ngumiti ulit siya pagkatapos ay itinuro ang direksiyon nila Blaire. "Tara do'n."

I just nodded then he let me walk first by signing his hand. Wiw. Gentleman.

"Magkasama kayo?" Bungad ni Miera ng makalapit kami.

"Nagkasabay lang sa entrance," sagot ni Dion.

Umupo ako sa pagitan ni Blaire at Miera. Sa harap naman namin naupo si Dion na kung nasaan nakaupo si Rester and Mark. Wala pa man ang isang minutong pananatili ko ay may naamoy na akong.....

Masangsang.

Nabubulok.

Amoy patay.

Pasimple kong inamoy si Blaire at Miera pero hindi naman sila ang naaamoy ko. Bumaba ang tingin ko kila Mark. Muli akong suminghot.

At dahan-dahan.

Dahan-dahan akong yumuko para kumpirmahin ang tumatakbo sa utak. Then I found it. It was came from Mark and Rester. Sigurado ako doon dahil nakita ko ang ilang bangaw na dumapo sa balikat nila.

"What are you doing?" I sat properly when Blaire touched my shoulder.

"May naaamoy kayo?" They looked at each other then shook their head in unison with an asking look.

"Nevermind."

Sa buong oras na panunuod namin ng activity ay nandoon pa din talaga ang amoy. Pakiramdam ko nga ay sasakit na ang t'yan ko. At hanggang matapos ang activity at makalabas kami ay hindi mawala ang amoy. Hindi naman ako makapagreklamo.

"You okay?" Nilingon ako ni Dion. "Namumutla ka."

Dinampi naman ni Miera ang palad sa noo ko. "Ang lamig mo. May nararamdaman ka ba?"

Shit. I can't hold that smell anymore. Parang hinahalukay no'n ang t'yan ko. Nakakasuka.

"Una na muna ko." Mabilis na umalis ako sa harap nila. At hindi pa man ako nakakalayo ay wala na akong naamoy kaya naman huminto ako at nilingon ang direksiyon nila.

Nakita ko ang naguguluhan nilang reaksiyon pero ang nagpataas ng balahibo ko ay ang unti-unting paglitaw ng nakakalokong ngiti ni Mark at Rester.

Napaatras nalang ako saka nagmamadaling bumalik sa dorm at naabutan ko pa si Yu nakasandal sa pinto ng kwarto nila.

"You look scared."

Napahawak ako sa dibdib ko. Ang bilis ng tibok. Hinihingal din ako.

"Hindi mo kaya." She then left me. Naiwan akong nakatayo at nakatanaw sakanya na naglalakad palayo.

Alin ang hindi ko kaya? Naman! Hindi ko siya maintindihan. At bakit parang disappointed siya. May inaasahan ba siya sa akin na hindi ko alam? Nakakainis! Masyado niyang ginugulo ang isip ko.

Napapikit ako nang mariin bago pumasok sa loob ng kwarto. Ibinagsak ko ang sarili sa kama saka ipinikit ang mga mata.

Mas naguguluhan ako sa sarili ko. Nababahala na ako sa mga kung ano-anong nararanasan. Pinaglalaruan lang ba ako ng imahinasiyon ko? Nababaliw? Pero ano mang pagdadahilan ko hindi ko maitatanggi ang matinding takot.

"Pssst."

Napamulat ako ng may magpas'wit.

"Pssst."

"Sino 'yan?" Alam kong ako lang ang mag-isa dito pero nagawa ko pa ding magtanong. Marahan akong naupo nang may gumlaw sa bakanteng higaan na nasa taas ng pwesto ni Blaire.

May nakapalibot na kurtina do'n dahil nga.....

Walang may gumagamit no'n.

Pero umaalog siya.

Nang.....

Palakas ng palakas.

Rinig na rinig ko pa ang langitngit no'n. Natuptop ko nalang ang sariling bibig dahil sa pagkabigla. Ilang sandali lang ay huminto ang pag-alog.

Bumaba ako sa kama ko para lapitan 'yon. Aywan ko kung saan ako nakahugot ng lakas. Huminga muna ako ng malalim bago hawakan ang kurtina, akma na sanang hahawiin pero natigil ako dahil sa pagbukas ng pinto.

Takang reaksiyon ni Miera ang bumungad sa akin. Mabilis akong umatras pabalik sa kama ko na parang walang nangyari at wala naman akong narinig na kahit na ano mula sa kanya.

Nilingon ko siya na kasalukuyan pa ring nakatayo sa may pinto. She's looking directly to my eyes while sighing. She then pressed her lips.

Looks like she's about to cry.

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now