♣ Kabanata 8 ♣

1K 169 3
                                    

|| YU ||

"Ms. Castro?"

Nilingon ko ang teacher na tumawag sa akin mula sa likod. May bitbit siya box kaya agad akong lumapt at kinuha 'yon para tulungan siya dahil may iba pa siyang dala.

"Thank you."

Hindi ako tumugon at tinapunan lang siya ng tingin. Inaantay ang sasabihin. Sanay na sila sa gan'tong reaksiyon ko kaya naman hindi na ako nababahala na baka ma-offend ko sila.

"Ah that's ma'am Garcia's things left in her table. Personal things lang ang kinuha ng mga anak niya kaya  pinapadala ng principal 'yan sa storage room ," paliwanag niya kaya tumango at tumalikod.

It's been 3 days since the day she died. Only the teachers attended her funeral. They didn't let the students specially her advisory class to visit her.

Ayaw din kasi ng pamilya na dagsain sila.

Lumabas ako ng main building dahil walang storage room sa loob. Nakahiwalay ito. Oras na ng klase kaya wala masyadong istudyanteng naglalakad. May quiz naman kami at nakatapos agad ako kaya naman hinayaan akong makalabas.

Nasa tabi ng gym ang storage room. Hindi 'yon kalakihan. Pagpasok ko ay inilapag ko ang hawak sa nakasalansang box sa may sulok. Madami 'yon. Ang laman ay karamihan sa mga dating staff ng school o mga naiwang gamit ng mga istudyante na may posibilad na baka balikan nila.

I was about to left when a box fell from the top of an old cabinet. Lahat ng laman ng box na 'yon ay nagkalat sa lapag kaya agad akong lumuhod para isa-isang pulutin. I was busy picking all of it when I heard the door opened. I looked up to see whoever that person was.

"Yu?" Takang tanong Meylin nang makita ako. Section D siya sa pagkakaalam ko. Lumapit siya sa akin at inilapag ang dala para tulungan ako sa pagpupulot.

Bumababa ang tingin ko sa inilapag niyang ibat-ibang klase ng panali ng buhok. May ibat-ibang design din ng hair clip saka limang pirasong ballpen.

"Ah gamit ni Venise 'yan. Yung iba nahiram ko 'tas 'yung iba nakita ko lang matapos naming maglinis ng kasama namin sa dorm," paliwanag niya bago tumayo at damputin lahat ng 'yon. "Hanapin ko lang box niya, isasama ko 'to sa gamit niya. Wait mo ko ah."

Si Venise. Yung nagsunog ng sarili sa gym.

Former classmate ko si Venise last year. Siya 'yung istudyanteng madalas tumawa ng tumawa, ginagawang biro lahat ng bagay. We're not that close. As far as I remembered, she had never approached me. Napaka-classy niyang tao kaya naman imposible para sakanya na makisama sa tulad ko. Hindi kami magkalebel.

Gumamit ako ng tungtungan para ibalik sana sa pinagkalagyan ang box na nalaglag pero napatigil ako sa paglapag  dahil may mapapatungan ito. Dinamput ko muna 'yon saka inilapag ng maayos ang box.

At hindi ko alam  kung bakit bigla kong itinago 'yon sa loob ng uniform ko nang marinig ko ang paglapit ni Meylin.

"Tapos ka na? Tara."

Habang naglalakad ay panay siya kwento ngunit alin man do'n ay hindi nagawang iproseso ng utak ko.

"Bye, Yu! This thursday birthday ko sama ka may konteng salo-salo," pangingimbita niya pero umiling lang ako.

"Salamat nalang pero susubukan ko magbigay ng regalo."

"Nahh kahit wala ng 'ganon. Basta sumama ka nalang," pamimilit niya.

"Okey sige." Wala akong balak sumama sinabi ko lang 'yon para hindi na siya mangulit pa. Madali nalang naman magdahilan kung sakaling hindi ako makakapunta.

Maaga pa para sa susunod na klase kaya dumiretsyo ako sa field at naupo sa bench na nasa ilalim ng puno.

Inilabas ko ang bagay na itinago ko sa loob ng uniform ko. Wooden box siya na 3" ang sukat ng bawat dimension. May maliit na padlock kaya hindi ko mabuksan. Sinubukan kong alugin pero hindi ko matukoy kung anong laman pero magaan siya.

Maraming pumapasok na paraan sa utak ko para buksan ito pero... Bakit gan'to 'yung feeling? Nakakapagtaka lang na alin man doon ay hindi nararapat dahil pakiramdam ko ay napakahalaga neto at kailangang pangalagaan. Sayang lang at isa sa mga pagpipilian ko ay ang martilyuhin 'to para madurog.

Maalikabok siya kaya kinailangan ko pang pagpagan. Kulay puti siya at walang kamarka-marka maliban sa tatlong letra na nakaukit.

H.K.G

Napapaling ang ulo ko. Nag-iisip sa kung anong ibig sabihin no'n. Siguro ay initial ng may-ari.

Pero bakit nasa storage room 'to? Muka kasing importante dahil may lock pa.

Napatingin ako sa wristwatch ko. Time na para sa next subject kaya itinago ko siya ulit. Maglalakad na sana akong nang may matanaw akong lalaking naglalakad sa pathway. May hilahilang itim na luggage. Palinga-linga, parang nagmamasid.

Pinasingkit ko ang mata para makita kung sino siya at nang bahagyang pumihit ang ulo niya sa direksiyon ko ay duon ko siya nakilala.

Mukhang hindi niya akong nakita dahil iniwas niya din ang tingin habang patuloy pa din sa paglalakad.

Haru?

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now