♣ Kabanata 6 ♣

1K 166 28
                                    

Hindi ko alam kung papaanong ipapaliwanag ang nakita pero natagpuan ko nalang ang sarili na naglalakad papasok ng main builing.Sa second floor ang punta ko. Sa may teacher's faculty ng grade 9, sa may pinakadulo. Madilim ang hallway pagpasok ko. Binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko at 'yon ang ginamit. Maingat ang bawat hakbang ko paakyat ng hagdan.

Nang nasa second floor na ako ay agad kung tinahak ang kahabaan ng hallway. Bukas ang faculty at nasa tabi lang ng pinto ang lamesa niya. Naabutan ko siya na may hinahanap sa drawer. Bukas din ang lampshade na nasa lamesa niya.

It took a minutes before she noticed me. She stood straight, wondering why I am here.

"Why are you here, Ms. Phiero?"

"Mmmm." I don't know what to say. "Nakita po kita kanina, may itatanong lang po sana para sa competition kaya sinundan po kita." mabilis na sagot ko matapos makahanap ng isasagot.

"What about it?" Tanong niya na pinagpatuloy ang paghahanap.

"Next time nalang po pala." tanging nasabi ko saka siya tinalikuran, narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi na ako lumimgon pa. Pababa na ako ng hagdan nang makaramdam ako nang pangamba.

Ang bigat sa feeling. May kung anong nagtutulak sa akin na bumalik. Nagdadalawang isip pa ako hanggang sa napagdesisiyonan kong balikan si ma'am Garcia.

Ilang hakbang nalang ang layo ko ng may hawak sa braso ko. Gulat ako napalingon at bahagyang napaatras nang makita si Yu.

She took away my cellphone because of the light that hit her eyes. I was still in shocked when she suddenly dragged me out of the building.

"Hey." binawi ko ang braso at taka siyang tinignan. "Problema mo?" Iritadong tanong ko.

"Wag mo isali ang sarili mo." aniya na diretsyang nakatingin sa akin.

"Ha?" Takang tanong ko. Hindi malaman kung ano ang punto niya.

Kalmado niya akong tinignan.

"Kung ayaw mong madamay. Wag kang mangingialam. Kung gusto mo ng tahimik na buhay. Manahimik ka nalang."

Nagsalubong ang kilay ko at napaatras. Naguguluhan ko siyang tinignan. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Interesante siya sa paningin ko, inakala ko na din magiging excitement ang buhay ko kung sakaling makilala ko siya ng lubusan pero bakit ganto ang nararamdaman ko.

Bakit binabalot ako ng takot?

"She seems doesn't care on her surroundings but once she say something out of nowhere, it may be true or it is opposite to what she'd said."

Nag-eco sa pandinig ko ang boses ni Blaire.

"Isa lang 'yun babala." huling sabi niya bago ako talikuran. Hinabol ko siya at hinarang ang sarili para hindi siya makadaan.

"I don't get it. Ipaliwanag mo. Naguguluhan ako."

"Ang totoo... Hindi ko din alam." Her answer made my jaw dropped.

"Pinagloloko mo ba 'ko?" Tanong ko matapos makabawi. Nagkibit-balikat lang siya at balak akong lagpasan pero pinigilan ko ulit siya.

"Ano bang problema mo?" Himig na naiinis niyang tanong kaya namamangha akong natawa.

"Wow!" I said in amusement. "You're the one who dragged me here." inis kong tinuro ang lupang kinatatayuan namin. "Tapos ikaw pa ang ganang mainis?"

Iniwas niya ang tingin at pilit na ngumisi. Grabe! Ngayon ko isa-isang nakikita 'yong mga personality niya. Akala ko ay lagi lang siyang kalmado at kulang nalang ay magbibit ng Bibliya.

"Oy!" Sigaw ko ng bigla niya akong hawiin para makadaan siya. Agad ko siyang sinundan at sinabayan sa paglalakad.

Tahimik lang siya kaya nanahimik nalang din ako pero malalim ang iniisip ko habang naglalakad. Nakarating kaming dalawa sa dorm at nagulat ako nang malamang nasa katabing kwarto namin ang kwarto niya.

Diretsyo siyang pumasok sa loob. Hindi manlang nag-abalang magpaalam.

"So anong meron?" Gulat akong lumingon sa harap ko. Nakabukas na ang pinto at nakasandal doon ang dalawang kaibigan ko. "Kita namin kayo sa bintana. Anong pinag-usapan niyo?" Miera asked curiously.

"Nothing." bored kong sagot. Pinadaan naman nila ako. Dumiretsyo ako sa lamesa ko at sinimulang kainin ang binili nila sa akin kanina.

What?! I mouthed when I saw them staring at me.

"Ang wierd mo ngayon." nakahalumbabang tanong ni Blaire.

"P-paanong weird?" Hindi naman ako dapat kabahan pero nakaramdam ako 'non.

"The first thing I knew about you was...." Binababa niya ang tingin sa kinakain ko. "You don't eat carrots."

"You hated it the most." dugtong ni Miera. Taka kong tinignan ang ulam na kaldereta na halos paubos na. Sa puntong 'yon ko lang din narealize ang lasa ng kinakain ko. Puro carrots! The heck! Idinura ko lahat 'yon at tumungga ng juice.

Sunod-sunod nalang akong napamura sa utak ko.

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now