♣ Kabanata 16 ♣

904 162 0
                                    

| ZEIREN |

Hindi ako magkapag-focus sa kinakain ko dahil panay ang tingin ko kay Miera na tahimik lang na kumakain. Kanina pa siya nagbubuntong hininga. Kahapon ko pa siya hindi makausap ng matino.

"Aish!" Kamuntik na akong mahulog sa kinakaupuan dahil sa gulat nang hampasin niya ang lamesa. Inis na inis. "I-im sorry," aniya matapos makita ang reaksiyon ko.

"May problema ba? I mean, kayo may problema ba kayo?" Hindi ko na napigilang hindi mag-usisa. Inangatan niya ako ng tingin, napapalunok.

"Hindi siguro magandang ideya kung sasabihin ko sayo," aniya na pahina ng pahina.

"Don't you trust me?" I asked resentful. She looked away trying to avoid my gaze. I sighed in disbelief. "I thought we're friends."

"Yes we are!" Mabilis niya akong nilingon. "T-that's why I---- we... We doing this."

Muli akong napabuntong hininga. Ayokong mamilit. Ang tao kasi kapag pinilit mong paaminin sa isang bagay it's either they said the truth or it's opposite. Ayaw kong dumating sa point na mapaniwala ako sa kasinungalingan.

"A-ang totoo niyan...." Inangatan ko siya ng tingin. She's now biting her lips, thinking if she would continue what she wanted to says.

"Go on. Spill it." Para namang hindi ako makapag-antay. Gan'to ako kapag nagbabasa ng pocket book ko. Ayaw kong nabibitin.

"I-i.... I was scared." Napakurap ako ng bumagsak ang mga luha niya. "Someone playing with us."

"Nino at bakit?"

She quickly shook her head. "I dont know. We don't know."

Imposible. Papaano niyo nalaman na pinaglalaruan kayo kung hindi niyo alam ang pinagmulan, kung alin ang dahilan.

"Is it about Meylin's death?" Natigilan siya. Nabasa ko sa reaksiyon niya ang gulat hindi dahil sa tanong ko kundi dahil sa mga sinabi niya. Mukhang ngayon niya lang narealize na hindi siya dapat sa akin nagsabi ng kung ano-ano.

"Hindi!" Iyon lang ang sinabi niya saka nagmamadaling lumabas  ng kwarto. Naiwan akong pinagmamasdan ang pinagkainan namin. Ilang sandali pa ay nag-angat ako ng tingin sa higaang nasa taas ng kama ni Blaire. Buong araw kong pinag-isipan kahapon ang ilang bagay.
Sa tingin ko.

Alam ko na ang dahilan kung bakit ako napadpad sa iskwelahang 'to. Fifty-fifty, hindi pa ako ganoon kasigurado.

"Hindi ka papasok?" Lumingon ako sa pintong naiwang nakabukas. Nakatayo do'n si Blaire, nakataas ang kilay waring nagtataray. Even she did that expression of her she still can't hide the fear from her eyes. I have been with them for almost 4 months that's why I already known them well. 
"I'll just clean this."

Inuunti-unti ko nang sinasanay ang sarili para maging handa sa mga susunod na mangyayari. Wala pa man akong ideya ay natitiyak ko naman na may mas lala pa dito. Nakikita ko 'yon sa ikinikilos nilang dalawa. Nahahalata ko.

"Zeiren?"

Nilingon ko siya na naupo sa may kama niya.

"Mmmm?" Nagtaka ako ng matamis siyang ngumiti. "What's with that smile?"

"I was just happy."

Liar.

"Ano na namang trip mo? May kailangan ka no?" Sinubukang magbiro. Benta naman dahil natawa siya.

"Masaya ako kasi naging kaibigan kita." Bumuntong hininga siya. "Nasabi ko na ba sa'yo na thankful ako dahil nakilala kita?"

Nangingiting umiling ako. Nabasa ko kasi sa reaksiyon ng mukha niya na sincere siya sa mga sinasabi.

"Bakit ata ang seryoso mo?"

"P'wedi ba 'wag kang mambasag ng trip."

"Okey sige ituloy mo," sambit ko.Sandali siyang natahimik. Pinakatitigan niya ako.

"Thank you," anas niya saka nag-iwas ng tingin.

"Iyon lang?" Asar niya akong nilingon. "Wala ng mas dadrama pa d'yan?"

"Tsk. Eh ikaw thankful ka na makilala ako? Kami ni Miera?" Kunwari akong nag-isip na ikinasimangot niya. "Pinagisipan mo pa talaga?"

"Oo nalang," labas sa ilong na sagot ko sa nauna niyang tanong. Nginiwian niya ako, hindi matanggap ang sagot ko. "Hindi ako showy pero seryoso.... Sobrang saya at thankful ko kasi kayo ang nakilala ko no'ng umapak ako sa iskwelahang 'to."

She stared me with amusement on her eyes, didn't expect it to hear from me. She then laugh silently.

"Hindi pala sa'yo bagay ang magdrama," naiiling na aniya. Inirapan ko nalang siya dahil mas malakas siyang mambasag ng trip.

Bigla kaming nanahimik. Nagpapakiramdaman. Nasa ibang direksiyon na ang paningin niya. Ako man ay pinagpatuloy ang paglilinis.

Dinampot ko ang nalaglag na plastic sa ilalim ng lamesa. Ngunit natigilan ako nang makitang may nakaupo sa kinauupuan ni Miera kanina. Naka-uniporme. Siguro ay kasama ko si Blaire kaya hindi nakaramdam ng matinding takot. Pilit ko ding ipinapaala sa sarili na kailangan ko ng masanay sa gan'tong senaryo.

Marahan kong inangat ang paningin sa ibabaw ng lamesa upang makita ng sariling mga mata kung sino ang taong 'yon.

Walang tao.

"Fuck you."

Bumagsak ang balikat ko nang bigla kong marinig 'yon mula kay Blaire. Nandoon pa din siya, nakaupo. Ang pinagkaiba lang ay madilim na ang mukha niya. Nagagalit.

Sa akin.

Enormous Vengeance Onde histórias criam vida. Descubra agora