♣ Kabanata 5 ♣

1.1K 183 24
                                    

Binaba ko ang hawak na libro nang may kumatok. Tumayo ako para buksan. Nakapamaywang si Miera at nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

"Kung makapaglock ka, kwarto mo?" Kunwaring nagtataray niyang tanong. Tumabi ako para makapasok siya.

"Kaya nga na uso 'yong susi," sarkastikong sambit ko.

"Nasa katawan na ng tao ang pagiging makalimutin, duhhh." Winagayway niya ang hawak na susi na kadadampot niya lang sa lamesa. "Let's have a dinner in cafeteria," aya niya.

"Si Blaire?"

"May kausap na senior sa field, pogi HAHAHA."

Maganda si Blaire kaya hindi na nakakapagtaka na pipilihan siya ng mga lalaki pero never pa daw siyang pumasok sa serious relationship. Miera even told me that she's the face of the night on their prom last year and won the school beauty competion. She's the face of the school. Pumalya nga lang sa ugali dahil hindi naaayon sa ganda niya.

"Dalhan niyo nalang ako dito ng makakakain."

"Yeah~yeah~ as usual."

Nang makaalis siya ay umayos ako ng higa at pinagpatuloy ang pagbabasa. Ilang minuto ang nakalipas nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan. Walang C.R dito sa loob ng kwarto namin pero every floor may restroom sa pinakadulo. Pagpasok mo do'n may 20 cubicles sa right then sa left side may 20 shower. May division naman pero mababa lang kaya makikita mo kung sino 'yung mga kasama mong naliligo.

Sa dulo nandun 'yung mahabang sink na may salamin.

Pagkapasok ko,  wala akong nadatnan ni isang tao. Bukas lahat ng cubicle at walang gumagamit ng shower. Plano ko na ding maligo kaya may dala na akong pamalit. Gumamit muna ako ng banyo pagkatapos ay tinungo ang katapat na shower saka nagsimulang maligo.

My eyes were close when I heard the main door opened. I didn't bother to glanced whoever it is because of my face filled with soap.

Sunod no'n ay narinig ko ang katabing shower na bumukas. Naghilamos muna ako bago 'yon nilingon at....

Wala akong nakitang naliligo.

Pero 'yung shower, nakabukas.

Nabitawan ko ang hawak na sabon kaya dali-dali akong yumuko para iyon ay damputin ngunit halos manlambot ang tuhod ko sa sunod na nakita.

May paa.

May naliligo sa tabi ko.

Basa ang mga 'yun dahil sa shower na nakabukas. I convinced myself that she's jus playing with me. Maybe tinataguan ako? Agad akong tumayo ng diretsyo para hulihin siya pero….

Walang talagang tao.

Muli akong sumilip sa ilalim.

Wala na.

Wala na 'yong paang nakita ko kanina.

Natural na makaramdam ako ng takot. Sino man ang nasa posisyon ko ay baka nagtatakbo na palabas nang nakahubad pero wala akong balak ilagay ang sarili ko sa kahihiyan kaya mabilis ko nalang tinapos ang pagligo saka bumalik sa kwarto. Naabutan ko si Miera at Blaire na nasa parehong study table nila. May nakalapag na ding styro saka juice sa lamesa ko.

Taka nila akong tinignan mula ulo hanggang paa.

"Nagpunas ka ba ng sarili mo? Basang-basa ka pa." natatawang komento ni Blaire. I took a deep breathe before entering. Sa kakamadali ko diretsyo na akong nagbihis, hindi na 'ko nag-abalang gumamit ng tuwalya.

Kumuha nalang ako ng panibagong damit sa drawer at nagbihis.

"Kelangan ko nang magsimulang magbasa ng romance." ngiwing sabi ko. Nagkatinginan silang dalawa.

"Did I heard it right?" Gulat na tanong ni Blaire.

"As far as I remembered is you almost burned all of my gift for you." tukoy ni Miera sa pocket book na binili niya sa akin last month. Napadaan kasi siya sa NBS at binilhan niya ako ng sandamakmak.

"Loko! Puro porn! Kulang nalang bilhan mo ko pati ng bala tungkol 'don!"

Sabay silang naghalpakan ng tawa. Inis nalang akong nag-iwas ng tingin at nahiga sa kama.

"So anong pinuputok ng butsi mo? Nag-cr kalang nagkaganyan ka na."

Mariin akong napapikit ng maalala kung anong nangyari kanina. Am I gone crazy? Or maybe it's just my hallucination.

"Wala naman." pagsisinungaling ko.

Maya-maya pa ay napabangon ako para kuhanin ang jacket ko. Ngayon ko lang naalala na may kailangan pa nga pala akong ibalik na aklat sa library. Hindi ko pwedi ipagpabukas, baka hindi na ako makaulit.

"Hindi ka pa kakain?" Nilingon ako ni Blaire na busy sa harap ng loptop niya.

"Saglit lang ako." sagot ko na ipinakita pa ang hawak na libro.

Wala pang 15 minutes ay nabalik ko na ang libro kaya pabalik na ako sa room nang makita ko si Ma'am Garcia na papasok sa entrance ng mainbuilding. Lagi naman nakabukas 'yun p'wera lang sa mga classroom na nasa loob. Nagdiretsyo nalang ako sa paglalakad.

Habang seryoso akong naglalakad at nasa lupa ang paningin ay napa-angat ako ng tingin nang mapansing may makakasalubong ako.

At ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko sa nakita. Biglang nanuyo ang lalamunan ko dahilan para mapalunok ako ng ilang beses.

Patuloy siyang naglalakad, diretsyo ang tingin at hindi kumukurap. Saktong paglagpas niya ay doon lang ako nahinto sa paglalakad. Nanginginig ang kamay ko ngunit nagawa ko pa din siyang lingunin, marahan pa din siyang naglalakad. Pagliko niya ay doon lang gumalaw ang paa ko para sundan siya pero nawala agad siya ng ganon kabilis.

Did I just saw Ma'am Garcia, twice?

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now