♣ Kabanata 26 ♣

753 166 1
                                    

| THIRD PERSON |

"Dion?" Gulat na tanong ni Yaya Saleng nang mapansin na parang may nakitang pumasok sa kwarto ng alaga. Ibinaba niya ang dalang mga labada para silipin ang kwarto. Alam niyang hindi pa lumilitaw ang binata matapos na mapag-alaman sa kapatid nito na nagrebelde daw 'to at wala ng balak mag-aral dahilan para hindi na pumasok sa iskwelahan. Kaya nakaramdam siya ng tuwa sa pag-aakalang nagpakita na ang binata.

Ang magulang kase ng dalawa niyang alaga ay parehong nasa abroad at siya ang naatasang mag-alaga sa mga anak nito sa tuwing naiisipan nilang umuwi.

She stepped in the room carefully trying not to disturb her Boss's younger son. Because of the darkness  filling the room, she couldn't see anything.

"Yaya," a gentle voice came from her back. She quickly looked behind only to find nothing. "Yaya," she then heard again the same voice but it was now infront of her.

At dahil bahagya nang nag-adjust ang paningin ay may nakita siyang bulto ng taong nakaupo sa gilid ng kamang malapit sakanya. Nakatalikod, nakaharap sa bintana.

"Yaya, nauuhaw ako," anas nito na parang natutuyot ang boses.

"A-ah sige Hijo, kukuha ako ng tubig. Babalik din ako." Hindi na nag-atubili si Yaya Saleng at pumanhik pababa, patungo sa kusina.

Binuksan niya ang refrigerator saka nagsalin ng malamig na tubig sa baso galing sa pitsel. Nahagip pa ng paningin niya ang orasang nakasabit sa pader.

2:37 AM.

Laki ang pagtatakang naramdaman niya dahil sa pagkakaalam niya ay alas-siete palang ng gabi. Naisip lang niya na marahil ay naalimpungatan siya.

Binaling niya ang paningin sa pintong bumukas.

"Hi Yaya," nakangiting bati ni Dylan na may bibit na bagahe, mga pinagsuotan niya 'yong damit ,ipapalaba niya.

"Dylan, Hijo! Bakit umuwi ng gan'tong oras?"

"Si Yaya naman, 7 palang eh," ani nito na iniwan sa gilid ng pinto ang dala. Muli namang nilingon ni Yaya Saleng ang orasan.

7:24 PM.

Sa pangalawang pagkakataon ay nagtaka na naman siya pero inalis nalang niya 'yon sa isip nang may biglang maalala.

"Pero si Dion nand'yan na!" Bulalas niya na tuwang-tuwa. Gulat na natigilan si Dylan. "Sa may kwarto!" At nang marinig niya 'yon kay Yaya Saleng ay nagtatakbo siya paakyat.

He pressed on the switch of the light beside the door of his brother's room. He then glanced Yaya Saleng that was currently walking towards him.

"Yaya, wala naman e."

"Pero nakita ko siya. Nanghingi pa nga siya ng tubig." Ipinakita pa ni Yaya Saleng ang dalang baso ng tubig pagkatapos ay sumilip sa kwarto at totoo ngang walang tao do'n. "Maniwala ka sa akin Hijo, nakita ko talaga siya."

"Nako Yaya kung ako sa'yo matutulog ka ng maaga. Ako ng bahala sa mga damit ko."

"Pero----."

"Yaya sige na please," malumanay na pakiusap niya. Hindi niya maiwasang hindi makaramdamdam nang panghihinayang.

The truth is he and Dion was not that close that's why he never did anything to search for his brother. Actually the day Dion went gone, he felt a slight enjoyment. But he still couldn't resist not to worry about him. Madalas siyang mainis sa tuwing hinahanap sakanya ng iba si Dion pero kapag siya nalang mag-isa ay napapaisip siya sa kung ano ng nangyari dito lalo na at ang dalawa nitong nakasamang nawala ay natagpuang patay. And that's the other reason why he has no plan to find Dion. Natatakot siya na baka sa paghanap niya sa kapatid ay iba ang makita at makahinatnan niya.

'I'm still not ready,' sambit niya sa isip.

Wala namang nagawa si Yaya Saleng kundi ang sumunod sa pakiusap niya. Nilingon pa muna nito saglit ang loob ng kwarto bago naglakad paalis. Napapabuntong-hininga namang sumandal sa pinto si Dylan habang nakatingala sa kisame ngunit napakurap siya nang walang ano-anong namatay ang ilaw ng kwarto.

Napaayos siya ng tayo pagkatapos ay kinapa ang switch pero.....

Hindi agad 'yon ang nakapa niya.

Kundi ang malamig na bagay na nakapatong sa switch ng ilaw.

Kamay.

"F-fuck," nanginginig siyang napaatras dahilan para mabunggo niya ang kama. But he was stunned as he felt the deep breathe of someone on his back, it was standing on the top of his brother's bed. Pinakiramdaman niya lang ang taong 'yon dahil hindi niya magawang makakilos.

"W-wala akong kasalanan," mahinang anas niya pero ganoon nalang ang panlalambot niya nang ipatong nito ang parehong kamay sa magkabilang balikat niya.

"Psssst."

________

A/N: At dahil saksakan po ako ng kakengkoyan at inatake ng kawalan ng gana ay mahigit limang oras ko po naisulat ang napakawalang kwentang chapter na 'to. ( ̄ω ̄;)

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now