♣ Kabanata 23 ♣

854 167 0
                                    

| YU |

"But I heard someone walking.... inside."

Pinanuod ko siyang maglakad palapit sa pinto. Gawa 'yon sa bakal. At ang mga bintana ay natatakpan ng purong salamin, hindi 'yon nabubuksan gaya ng pangkaraniwang bintana. And its a tinted glass. Makikita mo lang ang nasa loob kung nakabukas ang mga ilaw do'n.

Kung hindi ko lang alam ang bagay na nagyayari sakanya ay baka nagulat na ako at nagtaka dahil kung may tao nga sa loob no'n ay imposibleng marinig niya.

"Sound proof 'yan Zeiren," mahinang anas ko.

"W-what?" She stammered. Confusion was all over her face. Napakunot ang noo niya at ilang sandali lang ay biglang kumalma ang reaksiyon ng mukha niya.

"Nevermind," aniya saka siya naglalakad pababa ng hagdan. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang nakakuyom ng kamao.

Ikakasira mo ng ulo ang pagkontra sa nararamdaman at nakikita mo.

Nilingat ko pa sandali ang lab room. Sa pagkakaalam ko ay matino pa 'to, mga senior ang gumagamit pero last year bigla nalang siyang inabandona tapos ay may ipinatayong bago sa labas, sa tabi ng library.

Sinundan ko si Zeiren pero dahil mukhang nag-mamadali siya ay hindi ko na siya naabutan.

"Bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa 'yon?" Hindi na ako nagulat sa biglang sulpot ni Haru sa harap ko.

"Akala ko ba sumama ka sa mga tropa mo?" Pinagdiinan ko pa ang salitang 'yon.

"Sa mga wierd na katulad mo lang ako makikipagplastikan," natatawang aniya. "But I don't know na may mas wiwirdo pa pala sa'yo," he added while looking at Zeiren's direction. Nangingiting napailing nalang ako.

I remembered the moment I encountered her in 7/11, that was first time I saw her. Noong oras na 'yon muntik na akong matawa sa reaksiyon niya nang lingunin ko siya. Pati na din noong akala niya ay sinusundan ko siya.

If you would analyze her, she is the type of person who is hard to be with. You will always see her with serious expression especially when she was alone. Pero kakatwang noong gabing 'yon ay nagawa niyang ipakita sa akin ang ibat-ibang expression ng mukha niya.

Maybe I caught her attention.

Sa library ako patungo at nanatili naman nakasunod si Haru. Paliko na kami nang makasalubong namin si Coreen. Agad siyang humarang sa daraanan namin.

Naging kaklase namin siya no'ng grade 7. Ubod ng maltida at spoiled brat pero matalino. Palaging gusto ng atensiyon.

"Hi Haru! Long time no see!" Bati niya, tinanguan lang siya nito. Ako ang hinarap niya. "Hello white-eyed girl," aniya. Mukhang mang-aasar lang kaya nilagpasan namin siya.

"Unti-unti na silang nauubos, hindi ba kayo natatakot?" Sabay kaming natigilan dahil sa sinabi niya. Tinapik ko ang balikat ni Haru dahil balak niya itong harapin. Sinenyasan ko siya na 'wag nalang pansinin at saka pinagpatuloy ang paglalakad.

"Yu."

"Mmm?" Nilingon ko siya matapos siyang huminto sa paglalakad. Diretsiyo siyang nakatingin sa mga mata ko.

"Wala naman tayong..... Kasalanan do'n, hindi ba?" Marahan akong tumango. "Pero....... iniisip mo ba na masama akong tao?"

"Ha? Anong klaseng tanong 'yan?"

"Aware ka na natutuwa ako sa nagyayari sa------."

"As long as nakakaramdam ka ng awa, hindi ako mag-iisip ng gano'n," nakangiting tugon ko pagkatapos ay tinalikuran siya.

"I-i hate them." Hindi ko nagawang ihakbang ang mga paa matapos maramdam ang pinipigilan niyang emosiyon. "I really fucking hate them.... B-but did they deserve this?"

Sa pagkakaalam ko, hindi. Hindi nila deserve 'to pero katulad nang sinabi ko, kulang ang nalalaman ko.

"Naghihigante ba sila, huh?"

Napatingila ako nang umihip ang malakas na hangin.

"Hindi ko alam." Hinarap ko siya. "Pero kung papipiliin ka, ililigtas mo ba sila o manonood ka lang?"

Nasaksihan ko kung gaano katatag ang samahan nilang lahat kaya naman kahit ipagpilitan niya ang galit dahil sa aksidenteng 'yon ay hindi niya ako maloloko na wala siyang pakialam sa kanila.

I smiled at him when he didn't answer me. He just looked away, avoiding my gaze. But if I would also give a chance a chance to choose, I'll choose again the same thing I did before.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hinayaan ko siyang mag-isip. Habang naglalakad patungo sa library natanaw ko pa ang grupo nila Miera na naglalaro pa din sa field. Nasa kanila ang paningin ko habang naglalakad.

May mga kasalanan na dapat pagbayaran.

Pero...

"N-nakikiusap ako................ Forgive them, please." Huminto ako para ibulong 'yon sa hangin. Naramdaman ko ang pag-init ng mata kaya napayuko ako.

Mamatay silang lahat. Nakita ko. At dahan-dahan nang nangyayari.

Bakit kailangang umabot sa gano'n? Gano'n ba talaga kalaki ang galit niyo?

Enormous Vengeance Où les histoires vivent. Découvrez maintenant