♣ Kabanata 17 ♣

920 166 0
                                    

| ZEIREN |

"Oy!"

Para akong nabalik sa reyalidad nang pumitik si Blaire sa harap ko.

"H-ha?"

"Anong ha? Sa dami ng sinabi ko ay ha lang ang sinabi mo?" She asked in disbelief. Nagtataka naman akong tumayo. She cursed me. Did I heard it wrong? "Hey!"

"H-ha?"

"Na naman? Nabibingi ka na ba?"

Pinakatitigan ko siya. Pilit hinahanap ang reaksiyong nakita ko kanina pero walang bakas ni katiting. Purong pagtataka lang. Inilingan ko lang siya tapos ay napahilamos ng mukha. The heck. I almost punch her. Buti nalang at natauhan agad ako. Ano ba naman kasi 'yon? Guni-guni? Grabe. Hindi na nakakatuwa.

"Aish tara na. Late na tayo." Nagpatangay nalang ako sa paghatak niya palabas. Hindi ako umimik. Sunod-sunod na ang kababalaghang nangyayari sa akin. Ni hindi ko na maipaliwanag isa-isa kung anong ibig sabihin ng mga 'yon.

Everything happens for a reason.

Ultimo mo 'yong simpleng pangyayari na hindi kapansin-pansin may rason kung bakit nangyari. Challenging 'to para sa akin dahil gaya lang siya sa mga nababasa kong libro, exciting na nakakatakot at misteryo na delikado.

Masasanay din ako.

"Blaire!" Napahinto kami sa paglalakad saka nilingon si Samantha na humangos na huminto sa harap namin.

"S-sa pool area."

"Ba---." Hindi na pinatapos ni Samantha si Blaire at dali-dali niya itong hinila. I was left alone, watching them running towards the pool area with some students. I was about to come after but someone stopped me by holding my wrist. I immediately looked back only to find Haru shaking his head.

"Don't. Just watch." Hinawi ko ang kamay niya para mabitawan ako. "You don't know what you're doing."

"Ayokong inuutusan ako." Muli na sana akong maglalakad pero sumulpot si Yu sa harap ko.

"If I were you hindi na ako gagawa ng mga bagay na pagsisihan ko," aniya. Natatawa akong nag-iwas ng tingin.

"Kakaiba din ang trip niyong dalawa no?"

"Nagpapaalala lang baka kasi ay kailanganin mo," ani Haru.

I just shrugged then left them. Ayokong marinig ang mga litanya nilang dalawa. Nakakainis na iisa lang ang sinasabi nila tapos sisila lang ang nakakaintindi. Kung ganoon lang naman ay sarilinin nalang nila.

Nahirapan ako sa pagpasok sa pool area dahil maraming istudyante ang nakikiisyuso. At nang tuluyan akong makapasok ay tumambad sa akin ang katawan ni Mark at Rester na nakaupo sa itaas ng bleachers, sa eksaktong pwesto nila kahapon.

Na naaagnas.

Nagsimula akong lumapit at habang papalapit ay unti-unti kong naaamoy ang kaparehong amoy kahapon maging ang mga bangaw na nakapaligid sakanilang dalawa. Natutop ko ang sariling bibig nang makita ang bibig nilang punong-puno ng dice at ang hindi mabilang na hiwa sa kanilang katawan. Ang suot nila ay kapareho ng kahapon.

Papaanong naaagnas na ang katawan nila kung kahapon lang ay magkakasama kami?

At.

Bakit...

Bakit nangyari sa kanila ang gan'to?

"Huwag kang lalapit." Nagulat ako sa biglang pigil ni Blaire. Hindi na ako nakapagreact nang hilahin niya ako palabas. Required ba talaga na kapag may gan'tong pangyayari ay may hihila sa akin palabas?

"Anong nangyari sakanila?"

"Hindi ko alam," mariing aniya.

"Imposibleng hindi mo----."

"Eh sa hindi ko nga alam! Hindi namin alam!"

I witnessed how confused and terrified she was. Kagat-kagat niya ang kuko habang ang mga kamay ay nanginginig.

"B-blaire----."

"Just!..... Just stay away with this matter, Zeiren p-please."

Why?

"Calm down, Blaire."

"Kalmado ako, Zeiren," aniya na napapabuntong hininga, bahagya siyang kumalma. Nabasa ko sa mukha niya ang pakiki-usap. Bakit kailangang bigyan niya ako ng gan'yang reaksiyon? Nag-aalala ako.

"M-magkakasama lang tayo kahapon. Bakit nagkagan'to?" Sambit ko. Natitigilan niya akong pinagmasdan.

"W-what?"

"Magkakasama------."

"Buong araw kang hindi lumabas ng kwarto kahapon."

Ako naman ang natigilan. My mouth left half open. It made me froze. I don't know how to process what she had said. Did I what?

"We're watching the swimming competition of grade 9 yesterday. H-hindi mo naalala?" Gusto kong palakpakan ang sarili dahil nagawa ko pang magsalita sa kabila ng matinding pagkabigla.

"Yes nanunuod kami pero.... Hindi ka namin kasama," seryosong aniya na ikinaatras ko. Imposible.

"Nagkulong ka sa kwarto------."

"Kasama ko si Dion! Sabay kaming dumating do'n! Naabutan pa namin kayo ni Miera na kasama si Mark at Rester!"

Shit. Tell me that this isn't true.

"Nanaginip ka pa ba?" Ani Miera na kararating lang. Gulong-gulong din sa mga sinasabi ko pero mas gulong-gulo ako!

"P-pinagtutulungan niyo ko------."

"Dalawang araw ng nawalala silang tatlo." Fuck. This can't be real. "N-ngayon lang lumitaw si Mark at Rester.... S-si Dion nalang ang hindi pa."

Napasinghap ako pagkatapos ay sunod-sunod na napailing.

"P-pero pinuntahan mo ko no'n 'diba?"

"Yes. To check if you're okay. Umalis kami ng umaga na tulog k Paminsan-minsan ka naming sinisilip pero tulog ka. Hanggang sa huling punta ko.... Gising ka na."

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now