♣ Kabanata 2 ♣

1.2K 192 25
                                    


"Zeiren hindi ka talaga sasama?" Umiling ako sa tanong ni Blaire na kasalukuyang nag-aayos ng sarili.
"Kung sino lang naman daw 'yung may gusto 'diba?" Sagot ko na nasa binabasa ang atensiyon. For sure na madaming tao doon kaya 'di bale nalang.

"Eh sa burol ni Katherine? Duon na direstyo namin after ceromony."

"2nd night nalang."

Bukod sa pagtapos ng project ko ay gusto ko ding tapusin ngayong araw ang binabasa ko. Hindi ko ugaling bitinin ang sarili sa binabasa.

She just nodded then left when Miera called her through phone. Nauna na kasi ito dahil namili pa ng bulaklak. Hindi ko naman kasi ganoon kakilala si Venise at Katherine kaya naman hindi ko na inabala pa ang sarili na sumama kila Blaire bagaman may balak akong dumalo sa burol ni Katherine pero sa susunod nalang kapag iilan nalang ang tao.

I was currently reading alone when I heard someone walking on the hallway. I glanced the wall clock to see what time it is.

11:36 Pm

Maghahating gabi na pala at hindi ko manlang napansin, nakalimutan ko na ding kumain ng hapunan. Kapag gan'tong weekends ay walang luto sa cafeteria dahil karamihan sa istudyante ay umaalis kaya naman sa labas ako kakain.

Kinuha ko ang jacket ko at isinuot. Napahinto ako sa akmang pagbukas ng pinto na ang kaninang naririnig kong naglalakad ay huminto sa tapat mismo ng pinto ng kwarto namin.

Pinakirimdaman ko, inaantay na umalis o kumatok. Nagdaan ang isang minuto pero wala namang ibang nangyari.

Siguro ay sa katapat na kwarto namin 'yun. Hindi na ulit ako nag-isip pa at pinihit ang doorknob at hindi ko pa man tuluyang binubuksan ay nagsimula nang maglakad ang taong 'yon. Sandali pa akong natigilan bago buksan ang pinto.

There, I saw someone walking from a far. Binalot ako ng pagtataka. She's supposedly walking near me. Kakalakad niya lang pagkalabas ko. How come? Nilingon ko ang pinanggalingan niy at tahimik na hallway lang ang nakita ko. Wala ng ibang tao bukod sa aming dalawa. Binalik ko ang paningin sakanya at napaayos ako ng tayo nang huminto siya.

Lalapitan ko sana siya pero narinig ko ang pag-ring ng cellphone ko na naiwan ko sa loob ng kwarto.

"What do you want?" Sambit ko matapos sagutin ang tawag ni Blaire.

"Aww badmood? Just checking if you still breathing." maarteng sagot niya.

"Natutulog ako, bakit?" I lied.

"Owww that's why hahahaha. Okey bye! Kita kits in monday!"

Natawa ako sa tinis ng boses niya eh sa pagkakaalam ko ay nasa funeral sila ni Katherine sa mga oras na 'to. Kahit saan nagkalat talaga ang boses niya. She's full of energy wherever she is. We're opposite with each other but we still manage to get along. Si Miera naman ay sakto lang ang ugali, madali siyang makibagay sa mga taong nakapaligid sakanya.

Lumabas ulit ako pero wala na ang babaeng nakita ko kanina. Nagtataka man ay hinayaan ko nalang pero naka-uniporme siya… Sabado ngayon.

May malapit na 7/11 sa school namin kaya duon ako dumiretsyo. Namili lang ako ng ramen at umupo sa mahabang lamesa sa tabi ng wall glass. Naupo ako saka tahimik na kumain habang pinapanuod ang mga mangilan ngilang dumadaang saksakyan.

Naramdaman kong may umupo malapit sakin. Sa tantya ko ay isang upuan lang ang pagitan naming dalawa.

From my peripheral view I saw her still sitting there without moving. I glanced her. She's watching her ramen in the table while her hand lying on her thigh.

Sumubo ako habang nakatingin sakanya. At halos masamid ako ng bigla niya akong lingunin. My mouth left half open in shocked. Then I just found my hand slowly waving at her while she was still looking at me without blinking.

She's blind.

Hindi na ganon ka visible ang itim ng mga mata niya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Hindi na ganon ka visible ang itim ng mga mata niya. Commonly ay bulag ang ganon. Maya-maya ay kumurap siya.

Nahiya naman ako sa ginagawa kaya agad kong ibinababa ang kamay at nag-iwas ng tingin. Mabilis kong tinapos ang kinakain saka lumabas.

Marahan lang akong naglalakad pabalik sa school. Iilan lang ang mga taong dumadaan kaya ini-enjoy ko na ang ambiance ng paligid. Kapag kasi madami ang tao ay nagmamadali na ako.

Malapit na akong school nang maramdaman kong may nakasunod sa akin. Bumilis bigla ang pag-lalakad ko.

Ginaya niya ako.

Sinabayan niya ang malalaking hakbang ko kaya wala akong nagawa kundi ang huminto at inis na nilingon kong sino man siya.

"Stop fo----." I stepped back when I saw the girl in 7/11 standing behind me. She's looking at me lifeless. "Ahm hi?" Napakamot ako sa ulo.

"Bakit?" Kaswal na tanong niya.

"Ha?" Hindi ko naman nagets ang tugon niya.

"Bakit ka ganyan makatingin?" Nagsalubong ang kilay niya na ikinalunok ko. Kakaibang kaba ang idinulot 'non sa katawan ko.

Geez! She creeps me out.

I was searching what answer I should say to her when I realized something. I pointed her in amazing look.

"Nakakakita ka?"

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now