♣ Kabanata 3 ♣

1.2K 202 28
                                    

Ang ingay.

"So anong ginawa ng kinakain mo sa 'yo? Hanep sa salubong ng kilay ay oh. Malalim ang sama ng loob?" Pang-aasar ni Miera. I mentally rolled my eyes. Usually ay sa rooftop ako kumain pero napilit nila ako dito sa cafeteria. Ang iingay ng mga istudyante kaya ayaw ko dito eh.

"Ilang grade mo sa project?" Siniko ako ni Blaire na nakaupo sa tabi ko. Ngisi-ngisi ko siyang nilingon. "Nuks! Yabang!" She knew it, I got a perfect score.

"Kaya gigil na gigil si Coreen eh." Napapailing na sabat ni Miera. Matalino si Coreen, inaasahan na ng lahat na siya ang magta-top sa klase pero nagawa ko siyang alpasan. "Look how scary she is, for sure she's currently killing you in her mind." May nginuso siya sa likod ko.

"Not interested." pambabaliwala ko.

Hindi naman nakakamatay ang tingin niya kaya hayaan nalang. Mainis siya hanggang kelan niya gusto, wala akong pakialam sa galit niya. Ang immature masyado.

Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa klase. Nadaanan ko ang lamesa ni Venise na puno ng bulaklak. Laging nilang nilalagyan 'yun araw-araw.

I suddenly stopped when I passed by to her table. I glanced it wondering why it's suddenly gave me chills. My hands started to tremble that's why I closed it.

"You okay?" Nag-aalalang tanong ni Blaire na nakaupo na sa upuan niya which is sa likod ng pwesto ni Venise.

"Y-yeah."

Tulala ako nang mag-simula ang klase. May test kami kaya nakakabingi ang katahimikan. Paminsan-minsan ay nililingon ko ang upuan ni Venise. Bakit bigla akong nakaramdam ng takot? I never felt this before. And beside she's died a long time ago kaya bakit biglang naging ganto ang pakiramdam ko.

Napalingon ako sa harap nang maramdaman na may nakatingin sa akin.

"F*ck!" Malakas akong napamura at nalaglag sa kinauupuan. Narinig ko ang malalakas na tawa ng mga kaklase ko. Tinulungan naman akong tumayo ni Miera.

"What's wrong, Ms. Phiero?" Kunot-noong tanong ng teacher namin, si Ma'am Garcia na nakaupo sa harapan.

Pinakatitigan ko siya habang habol pa rin ang sariling hininga dahil papaano'y madilim ang muka niyang nakatingin sa akin kanina habang may nakakalokong ngiti. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako o hindi. Kung ano man 'yun wala 'yung ibang idinulot sa kin kundi takot.

Naguguluhan niya akong tinignan pero nag-iwas lang ako ng tingin.

"Sa kakabasa mo ng horror stories 'yan." natatawang komento ni Miera pagkatapos kong ikwento ang nakita ko. As I expecting hindi sila naniniwala. Nasa may field kami ngayon at nagpapahangin.Nakasilong kami sa ilalim ng puno.

"I've been reading that genre since I was a kid but it's just the first time I've experienced that shit!" Asar na sambit ko na ikinatawa nilang dalawa. Palibhasa hindi sila ang nakaranas kaya ganyan ang reaksiyon nila.

"Forget it, Zeiren. It's just nothing." ani Blaire. Wala ako nagawa kundi ang mapabuntong hininga. Maybe I was just scaring myself besides I have something to focus on. Math competion is coming, kailangan kong mag-review.

"Yeah, whatever." I answered.

Nanahimik sila at hinayaan akong pagkaabalahan ang reviewer ko. Umalis saglit si Miera, pagbalik niya ay may dala na siyang snacks.

"Hindi ako makapagfocus. Kailangan ko ang kama ko." reklamo ko sabay lingon sa kumpol ng mga istudyante na nakaupo hindi kalayuan mula sa amin. Naiirita ako sa bungisngisan nila.

"We made a deal, Zeiren. Remember?" Pag-papaala ni Blaire. Naaasar na akong napakamot sa kilay.

Deal namin about sa test kanina na if makapasok siya sa passing score ay sasama ako sakanilang tumambay dito. She got 7 out of 20 how come na nakapasok siya sa passing score? Well she gave plus 10 for cleaning the room.

"Here! Your favorite chocolate ice cream." Inabot sa akin ni Miera ang binili niya.

"Thanksm"  Nabawasan ng konte ang inis ko dahil 'don. Hindi ko nalang ulit sila pinansin at pinagpatuloy ang binabasa.

"Ano ba naman 'yan! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Someone shouted in ager. Nag-angat ako ng tingin sa grupo nila Ashley. May tinutulak siya na kung sino. Hindi ko naman makilala dahil nakaharang ang mga kasama niya.

"Here she go again." komento ni Miera.

"Hey Ms. President, galaw-galaw ka." Pang-aasar ni Blaire sakanya.

"Nahhh wala tayo sa room. Hindi makikinig 'yang mga yan."

Si Miera ang class president ng klase namin. Halos lahat ng sinasabi niya ay iniintindi namin at sinusunod kapag nasa loob nga lang ng classroom.

Hindi ko nalang sana papansinin pero natumba 'yong inaaway nila kaya nakilala ko kung sino 'yon. Siya 'yon! 'Yong babae sa 7/11. Hindi ko nga lang alam kung anong pangalan niya dahil umalis siya ng ganon-ganon lang ng gabing 'yo.. Ni hindi manlang siya nagpakilala.

At ngayon ko nalang ulit siya nakita.

Dito pala siya nag-aaral. Bakit hindi ko manlang siya nakikita? Transferee din?

"Yu Castro. Anak ni aling Saneng. Yung utility sa pool area." sambit ni Blaire nang makita ang reaksiyon ko.

"Siya din 'yung nakakita sa katawan ni Katherine."

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now