♣ Kabanata 11 ♣

1K 163 2
                                    

|| ZEIREN ||

"Ayoko. Hindi ako invited."

Binalik ko sa binabasang libro ang atensyon. Blaire and Miera was standing in front me with their pleasing look.

"Kami bahala. Kilala naman namin 'yun eh saka the more the happier," hindi ako kumagat sa pangungumbinsi ni Miera. Nagtaas lang ako ng kilay, ipinapakita na hindi talaga ako interasado.

"Ah yahhhhhh. Sige na. Kj mo naman eh," kumapit si Blaire sa braso ko saka ikiniskis ang pisngi sa pisngi ko. Iniwas ko ang mukha saka isinara ang libro.

"Bakit ba lagi niyo kong dinadamay sa gusto niyong gawin. Nasa akin ba mga paa niyo?"

Ngumuso lang silang dalawa kaya napailing ako. Hindi nila ako mapipilit.

"May inuman do'n."

"May mga lalaki."

"Malalasing kami."

"Tapos..."

Asar akong tumayo saka inis silang tinapunan ng tingin.

"Hindi tayo magtatagal ah."

They looked to each other then smiled widely as if they won something. Naghigh-five pa. Napipilitang humanap nalang ako ng maisusuot. Kahit anong pormal na suot daw ay p"wedi. I just wore pants, sneakers and plain white shirt.

When I faced them, Blaire was wearing sexy short paired with red croptop and red high hills while Miera was wearing fitted high waist pants paired with grey off shoulder and grey high hills.

Nangunguwistyon naman nila akong tinignan mula ulo hanggang paa. Hindi matanggap na 'to 'yong kinalabasan sa mahabang pag-aantay nila.

"Iyan na 'yun?" Panginginsultong tanong ni Blaire na nakangiwi.

"May damit ako dyan baka---"

"Ayoko." Seryosong sagot ko kay Miera. "Palalabasin kayo ng ganyan ang suot? Baka sa exit palang ng dorm hinarang na tayo."

Kailangan naming lumabas kasi ang sabi nila ay sa bar daw ang punta namin pero kung ganyan ang suot nila ay hindi kami papalabasin. Bawal ang gan'yang pananamit dito sa loob ng Demin Academy.

Nabahala ako nang ngisi-ngisi lang nila akong tinignan.

"Tatlong kapote nga po. 'Yung itim." Napabuntong hingang sambit ko. Maulan sa labas kaya inutusan nila akong manguha ng kapote sa lobby. Pinapahiram nila 'yon sa mga istudyante kapag merong may kailangan at may payong din.

"Oh." Ibinato ko sakanila ang bagong kapote. Natatawang sinuot nila 'yun.

"See? Makakalabas na tayo," tumawa ng tumawa si Miera.

'Yung pinakamalaki 'yung pinili ko para tagong-tago 'yung suot nila.  Hindi ba ang talino nila at naisipan pa nila ang gan'tong set-up.

At nakalabas nga kami.

May kotseng nag-aantay sa amin sa labas ng gate. Sumakay kaming tatlo sa back sit. Dalawang lalaki naman 'yung nasa harapan.

Si Dylan 'yung driver, 10-F. Tapos 'yung isa si Rolen, 10-E. I know them because they're always asking me a favor about Miera and Blaire. Magtotropa kasi sila.

"Have a nice trip, ladies." Tumingin si Dylan sa rear mirror.

Buong byahe ay tahimik lang kami. Alas-otsyo na ata kami nakarating sa isang sikat na bar. Sabay kaming lima na pumasok sa loob.

Sumalubong sa amin ang napakaraming tao. Siksikan at mausok. Nakakabingi din ang sound system. Good thing at naka-VIP room kami.

They all turned their gaze to our direction as we entered the room. I saw Ashley holding the microphone, I guess she's about to sing. Aside from her, hindi ko na kilala ang iba pang tao na nasa loob. Kilala ko sa mukha ang iba pero hindi ko alam 'yung pangalan.

Blaire hold my wrist.

"You're nervous, Relax. Hindi nangangain 'yang mga 'yan," Blaire whispered to my ears.

"I'm not." Mahinang dipensa ko. Hindi naman kasi talaga. She then started to introduced me to her circle of friends.
Sa mahabang couch ay naupo si Dylan at Rolen kasama ang iba pa. They're with Mark, Zera and Dion from 10-C. Wallen and Rester from from 10-D. Samantha from 10-E. Mixijane and Venon from 10-F. And lastly,.....

Hindi ko alam na may mga kaibigan ang dalawang 'to sa lahat ng section ng grade 10. Ako lang siguro ang saling pusa dito, nakakahiya.

"So where's the birthday celebrant?" Takang tanong ni Miera. Nakaupo na kami sa isa hindi kahabaang couch malapit sa pintuan.

"Parating na. Grand entrance eh," sagot ni Wallen.

"May isa din akong ininvite. Sunduin ko lang sa labas," paalam ni Rolen.

"Si Haru?" Napatingin ako kay Samantha nang magatanong siya.

Papunta din pala dito ang isang 'yon?

"Yesss." 

Pasimple akong napangiwi nang makumpirma 'yon kay Rolen. Ilang saglit pa ay nakabalik na siya kasama si Haru. Pormadong-pormado, alam 'yung salitang party.

Binati agad nila siya. Nagtaka ako ng maski sila Blaire ay binati siya. I mean 'yung bati na akala mo ay matagal na nila siyang kilala.

So ako lang talaga 'yung naiiba dito? Feeling ko tuloy ay gate crasher ako.

"She's here!" Biglang pumasok si Zera. Pinagbantay siya sa labas para alamin kung parating na 'yung birthday girl. Nagsitayo naman silang lahat matapos ang anunsiyo niya kaya sumunod nalang ako at nang pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay nagsigawan silang lahat.

"HAPPY BIRTHDAY MEYLIN!!!"

Napakurap ako ng ilang beses ng makita kung sino ang taong binati nila. Siya 'yung babae last time na nag-abot ng papel sa teacher namin. Yung babaeng kinatakutan ko.

It's her.

She's smiling brightly.

She look gorgeous with her red fitted dress in tube style.

Nagsimula ang party at nanatiling tahimik lang ako sa may sulok. Panay ang tingin ko kay Meylin na kumakanta sa harap kasama si Mixijane at Miera.

They're enjoying the night.

"Bored?" I looked at my side. It's Haru.

"Sort of," tipid na sagot ko. Akalain mo 'yon? Kinausap niya ko.

"You don't drink?" Tinignan ko ang hawak kong grape juice bago ko siya nilingon. Feeling close?

"Yes." Kaswal na sagot ko. Kapag talaga hindi ako intereasado sa kaharap ko ay tipid ako kung sumagot. Marahan naman siyang tumango. After that hindi na siya nagsalita.

"Come on. Zeiren, let's sing!" Kasalukuyan na akong hinahatak ni Blaire patayo. Pilit naman akong nagmamatigas.

Nag-Cr 'yung iba kaya ang tanging naiwan dito ay ako, si Haru, Rester, Lucas, Samantha, Dion and Wallen. Busy 'yung mga lalaki, si Samantha lang 'yung nasa harap na kumakakanta.

"Ayoko. Kayong dalawa nalang."

"Iihhh naman eh," nakasimangot nalang siyang tumalikod. "Ang tagal naman kasi ni Miera," rinig kong bulong niya pa.

Napatingin ako sa mga cellphone na nagkalat sa lamesa dahil may tumawag sa isa do'n.

Zera was calling.

"Ahm excuse me?" Sinubukan kong kuhanin ang atensiyon nila. Nang lingunin nila akong lahat ay ingunuso ko 'yung lamesa.

"Ow it's mine." Dinampot ni Rester ang cellphone niya saka sinagot ang tawag.

"Y-youre kidding me," anas niya. Napatingin kaming lahat sakanya dahil para siyang natulala.

"Anong sabi?" Takang tanong ni Wallen.

"M-meylin is missing"

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now