♣ kabanata 25 ♣

900 166 0
                                    

| ZEIREN |

"Why you took so long?" Reklamo ni Blaire nang makabalik ako sa lamesa namin. Nasa loob ng bulsa ng jacket ko ang kaliwang kamay habang hawak no'n ang id na napulot ko.

"Si Miera?" Hindi ko kasi siya nadatnan.

"Returns the book she use," she answered fixing her things, preparing to leave. "Oh she's here," aniya na may inginuso sa likod ko.

I turned my back to see Miera walking to our direction. At dahil hindi siya nakatingin sa dinaraanan ay bumunggo siya sa babaeng sumulpot sa shelf na malalagpasan dapat niya.

"Amp, engot naman," natatawang sambit ni Blaire. Tumayo siya sa tabi ko saka sabay namin na pinanuod ang pagtulong ni Miera sa pagdampot ng mga nalalag na gamit nang nakabungguan niya.

"Do you know that girl?"

Wala lang. Trip ko lang itanong. Ang ganda kasi no'ng babae. Mukhang manika, p'wedi ipang display sa barbie store.

"Kione, mas kilalang Kio. Nakalaban ko siya before sa pageant at dahil mas maganda ako at magaling ako ang nanalo," mayabang na niya.

"Parang hindi naman," kontra ko. Natatawang napa-atras ako nang dunggulin niya 'ko.

"Baka kaibigan mo ko?"

"Yes. Kaya nga nagsasabi ako ng totoo," biro ko.

Checkmate.

It was just a joke but it still hits her that made her stunned for a moment then she immediately looked away after recovering.

Aminado siya na sa dami ng tanong sa isip ko ay wala siyang maibigay na sagot kahit na isa. Na kahit anong pagpipilit ko hindi siya magsasabi ng totoo.

Nanahimik nalang kaming pareho habang inaantay ang paglapit ni Miera. Ilang sandali pa ay nagpaalam na 'yong Kio sakanya kaya naglakad na siya palapit sa amin. Nangunot ang noo ko nang hindi pa man ganoong nakakalayo si Kio ay huminto ito at lumingon sa amin at nang makita niya akong nakatitig sakanya ay bahagya siyang yumuko saka ngumiti.

Wala sa sariling gumanti nalang ako ng ngiti pagkatapos ay nilingon ko si Blaire pero sa ibang direksiyon siya nakatingin.

"Lunch na tayo?" Tanong ni Miera.

Nagulat ako nang kumapit si Blaire sa braso saka matamis na ngumiti pero ang nababasa ko sa mga mata niya ay 'sorry'.

"Treat ko si Zeiren," masayang aniya nilingon si Miera.

"Awit, favoritism." Miera rolled her eyes but we know that she was just acting like a bitch. "Treat me too or kay Kio na ako boboto kapag naglaban ulit kayo."

"Duhhh as if na sasali pa ko." Umirap siya pabalik. "Tara na, Zeiren," nangingiting aniya saka ako hinila.

Nakasimangot namang sumunod si Miera at pinandalatan niya ako ng maga matapos ko siyang dilaan. At pagkarating namin sa cafeteria ay panay ang reklamo niya. Hindi niya matanggap na hindi siya inilibre ni Blaire tuloy sa bawat subo niya ay bumibigkas na siya ng kung ano anong sumpa sa aming dalawa.

Inalis ko lang sakanya ang atensiyon nang makita ko si Kio na kakapasok lang. Kapag talaga nakilala ko 'yung isang tao mabilis ko nang napapansin ang bawat galaw no'n. Si Yu nga na hindi ko kilala noon ay hindi ko manlang nililingon kahit pa makasalubong ko pero ngayong nakilala ko na siya ay parati akong napapalingon kapag nararamdaman ko ang presensiya niya.

Like now, I saw her walking next to Kio. She fall in line to order foods then after that she left carrying the food she ordered. Kung ganoon ay hindi din pala siya madalas dito kumain.

"Woy!" Agad na napabaling kay Miera ang paningin ko. "Natulala ka ata?"

"May tinignan lang."

"Pinagpapalit na tayo niyan kay Yu," sabat ni Blaire. Nakita niya pala?

"Ay ekis," naiiling na tugon ni Miera.

"Madalas ko nga silang makitang magkasama," dagdag pa ni Blaire.

Papano e lagi kayong may pinagkakaabalahan.

"Alam niyo kumain nalang kayo," ngiwing sabat ko saka ipinagpatuloy ang pagkain. Pasimple ko pang kinapa sa bulsa ng jacket ko ang ID na napulot ko kanina. Baka kasi ay nalaglag pero nandito pa naman.

As the matter of fact, I really don't understand why I suddenly become curious about this ID's owner. And I had this feeling that I shouldn't let them know about this. Ewan ko. Pakiramdam ko lang

"By the way, Zeiren," ani Blaire.

"Oh?"

"Lately ba nahihirapan kang matulog?" Natigilan ako sa akmang pagsubo saka nagtataka siyang nilingon.

"Nope, why?" I answered. Lalo akong nagtaka nang magtinginan silang dalawa. "Anong reaksiyon 'yan?"

"You sure?" Naniniguradong tanong ni Miera. Umayos ako ng upo tapos ay nagtaas ng kilay.

"Do I have an eyebags?" Pinanlakihan ko sila ng mata. Sabay naman silang napailing. "So bakit kayo nagtatanong ng ganyan?"

"Minsan kase.....," ipinaling ko ang ulo pakanan, nag-aantay sa susunod na sasabihin ni Blaire. "Nagigising ka around 11 pm then uupo ka for almost half hour. Matutulog ka ulit tapos pagpatak ng ala-una ganoon ulit."

I gulped as I heard those confession of her. Did I--- the heck! Are they playing me? Hindi nakakatuwa, pramis.

"Look. Nagsasabi kami ng totoo," seryosong sambit ni Miera matapos makita ang hindi makapaniwala kong reaksiyon.

"You even walked back and forth from the door to our mirror." At ang huling sinabi ni Blaire ang lalong ikinabigla ko.

That mirror, Shit!

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now