♣ Kabanata 40 ♣

427 8 0
                                    

| ZEIREN |

Sa buong araw na klase ay hindi naalis kay Blaire ang paningin ko. Matapos nang nangyari kaninang madaling araw ay hindi pa kami nag-iimikan. Walang alam si Miera sa nangyari pero hindi na namin pinaalam.

Sana lang ay hindi niya maisipang ulitin ang ginawa. Kapag nagkataon ay hindi ko na alam kung anong gagawin. Buti na nga lang kahit sa tigas ng ulo niya ay nagawa niyang makinig sa akin.

Natapos ang klase hanggang sa makabalik kami sa dorm na nasa kanya lang ang paningin ko.

"Can you stop staring me?" Ngiwing aniya. Binaba niya ang hawak na ballpen pagkatapos ay nagbuntong-hininga. Kaming dalawang ang nandito, si Miera ay hindi ko alam kung saan naroroon. "Let's forget what happened. Act normally, please?"

I just shrugged then looked down to the book that I'm reading, it's calculus. Hmmmm... She seems back to her old self. It's nice to see, I'm just hoping that she's not pretending.

"Punta 'ko cafeteria. May ipapabili ka?"

She shook her head. "I'm still full."

Pinagmasdan ko siya. Abala siya sa pagsusulat ng mga notes niya. Hindi niya manlang ako tinapunan ng tingin.

"If you're thinking that I might do something stupid again, you're wrong. Nasa tamang pag-iisip na ako, okay?" She said without even glancing at me. I was not convinced that's why I didn't remove my gaze from her.

"Yah!"

"What?" Gulat kong nai-usal.

Pinanlakihan niya ako ng mata. "Akala ko ba may bibilhin ka? E' bakit tingin ka pa ng tingin d'yan? Ngayon mo lang ba narealize kung gaano ako kaganda?!"

Ako naman ang napangiwi pagkatapos ay tatango-tangong naglakad palabas. Ngunit hindi pa man ako nakakalagpas sa dorm namin ay nahagip ng paningin ko si Miera na kakaliko lang sa gilid ng building ng dormitory.

At s'yempre natural na sumunod ako. Ang akala ko ay sa may gilid lang ang punta niya, umikot pa siya hangga sa likod.

"So ano na namang sabi ng magaling mong tatay?" Napatago ako ng marinig ko ang boses ni Zera.

"Zera, magtanong ka ng maayos." Sumilip ako nang hindi ko mahulaan kung kanino 'yong boses, kay Rolen. Napamaang ako nang masaksihang kompleto sila maliban kay Blaire na naiwan sa kwarto.

"Bakit? Ano bang mali sa ta--- P'wedi bang 'wag kang umiyak!"

Tanging likod lang ni Miera ang nakikita ko pero halatang umiiyak nga siya dahil sa pagyugyog ng balikat niya.

"Lower down your voice, you're scaring her!" Saway ni Wallen.

"Great! Just great. Kinakampihan niyo 'yan?" Dinuro ni Zera si Miera na agad namang tinapik ni Ashley.

"Stop throwing your anger to her! Wala siyang ginagawang masama!" Napipikong sambit ni Ashley sakan'ya.

"Anong wala? Siya ang dapat sisihin at ang tatay niya---"

"Why don't you just accept the fact na lahat tayo ay may kasalanan?" Mahinahong sabat ni Lucas. "Stop playing victim, Zera. Bakit mo isisisi sa tao tinulungan lang naman tayo sa problemang tayo mismo ang nagsimula?"

"And besides bakit ba galit na galit ka kay Miera? Ginusto niya ba 'yon?" Si Mixijane.

"And also ginawa lang naman ng principal ang makakabuti para sa atin, 'diba?" Si Venon.

I suddenly covered my mouth after hearing those. The heck! The principal knows everything but I couldn't figure out what they're talking about. Tungkol ba 'yon sa suicide? Hindi... Malayo 'yon sa pinag-uusapan nila.

"Then let him do something the same thing he did before. Why he's just watching us dying one by one!" Puno ng galit na sambit ni Zera tapos ay kinagat ang labi, nagpipigil. Natahimik naman silang lahat at hindi naka-imik.

"Tayo ngang may kasalanan ay walang magawa paano pa kaya 'yong taong tinulungan lang tayo noon." Napalunok ako nang sumulpot si Blaire, galing siya sa kabila.

"I don't need your-----"

"H-hindi ka totoong galit sa tatay ko.... S-sa akin ka lang galit, hindi ba?" Ang unang beses na narinig ko ang boses ni Miera mula kanina. "D-dinadamay mo lang si papa kasi ayaw mo ding mabunton sa akin lahat ng galit mo," umiiyak na aniya.

I don't how to explain this but I felt the sudden hit of my eyes, signed that I'm about to cry the moment I witnessed how Zera's tears suddenly fall down on her cheeks.

Sinusubakan niyang bawasan ang galit kaya dinadamay niya ang principal. Naiintindihan ko siya dahil pareho kami ng nararamdaman. She also value the friendship. Ang pinagkaiba lang, ako gustong kong magalit pero hindi ko kaya , siya sobra ang galit niya at hindi niya 'yon gustong maramdaman ngunit wala siyang magawa kundi ang bawasan lang 'yon.

"Y-you were the one who started that game..." Umiiyak na anas ni Zera.

Game? Anong klaseng laro at bakit may kasamang laro?

"Pero tayo ang nagpatuloy no'n," dagdag ni Blaire. Napapikit si Zera, naupo at tinapakpan ng palad ang mukha. Dinaluhan siya ni Ashley.

Pinagmasdan ko sila isa-isa. Hindi ko man nasaksihan ko gaano kaganda ang samahan nila noon, napagtanto ko naman ngayon kung gaano kahalaga sa kanila ang isat-isa. Sayang lang at hindi ko sila nasaksihang kompleto at sama-sama.

"What should we do now?" mahinang sambit ni Rolen.

"Waiting for our death," pilit na tawang tugon ni Venon.

Sa nakikita ko ay parang suko na sila. Ultimo ata ang pagkilos sa mga oras na 'to ay hindi na nila magawa. Tahimik nalang akong umalis. Hindi ko na matagalan ang sakit sa mga mata nila, mas'yadong nakakadala. Kailangang may gawin na ako.

Baka sa susunod ay ang duguang katawan na ni Miera o Blaire ang bumulaga sa paningin ko. Hindi p'wedi, hindi ako makakapayag.

Ang larong 'yon, isa 'yon sa kailangan kong malaman. If they can't tell me the whole story happened a year ago then I'll know it alone. After knowing.... Aish.. What's next? Fvck! I literally don't have any plan! Bahala na! Aayon din sa akin ang kapalaran, soon.

Naglakad nalang ako papasok sa main building. Sa rooftop ang destinasiyon ko, gusto ko munang magpahangin at ikalma ang sarili pero doon nga pala nakita ang katawan ni Samantha kahapon. Tutuloy pa ba 'ko? Psh. Ngayon ko pa ba naman tatakutin ang sarili ko?

Ipinagpagtuloy ko ang paglalakad ngunit pagka-apak na pagka-apak ko palang sa 4th floor ay natigilan ako matapos na may maamoy akong kakaiba.

It's smell like....... bitter almond.

Enormous Vengeance Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon