♣ Kabanata 33 ♣

427 8 0
                                    

| ZEIREN |

"Bakit gulat na gulat ka?" Mabilis ako napa-ayos ng tayo at hinarap si Samantha. Salubong ang kilay niya. Matamis lang akong ngumiti. "What do you want?" Naguguluhan niyang tanong.

Pasimple kong tinignan ang paanan niya, nakasandals. Malayo 'yon sa nakita ko kanina pero pareho silang may anklet. Ultimo ang design ay pareho kaya sigurado akong sakanyang paa 'yon.

"Ah.. Nakita kasi kita kaninang pababa ng 3rd floor kaya nagulat ako kung bakit nandito ka ngayon," sagot ko na nakatingin diretsya sa mga mata niya.

Napapaisip lang ako at nakakapanlambot 'yon. Sobrang hirap pala na magkaroon ka ng ideya sa kamatayan ng tao. 'Yung tipong kaharap mo 'yung taong mamamatay na pero hindi mo magawang ilahad lahat ng nakita mo tungkol sa kanya.

"Bawal na bang bumalik?" Nagtataray niyang tanong.

"Hindi naman." Nakangiti akong umiling. She just looked at me from head to foot, confused with my strange act. I remained smiling which caused her to be more confused. Siguro ay iniisip niyang may sapak ako sa ulo.

"Sam?"

At ganoon nalang ang pagpapakawala ko ng hininga nang alisin niya sa akin ang paningin matapos sumulpot nila Miera. Gumaan ang pakiramdaman ko dahil pakiramdam ko kanina ay nasisikipan ako sa espasiyo naming dalawa.

"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Blaire na nagpapalipat-lipat ang tingin sa aming dalawa.

"I just saw her," simpleng sagot ko saka sila tinalukaran para pumasok sa loob ng fitting room. "Magpapalit lang ako." Iba 'yong feeling e. Parang bigla na namang silang nabahalang dalawa na baka may itinanong ako kay Samantha. Paranoid. They were too obvious because I can see it through their eyes. I just quickly changed my clothes then went out, I found them both sitting on the couch.
Samantha seems to have gone out because I didn't see her.

"It's already paid... Baka may gusto ka pa, ako ng bahala," ani Blaire na ngiting-ngiti na sa harap ko.

"Okay na 'to. Kayo tapos na?" Sabay naman silang tumango. "So, Are we going to leave?"

"If we're nothing else to do here, let's go back," Miera replied.

Katulad ng sinabi niya ay bumalik na kami sa dorm. Pagkatapos kong ilagay sa drawer ang dress na binili Blaire ay lumabas ako. Sa library sana ang punta ko pero naalala kong pansamantalang nakasara 'yon dahil sa nangyari kay Dylan. Lumiko ako papuntang mainbuilding, sa may rooftop.

Lumapit ako sa may railings para tanawin ang mga naglalaro sa soccer field. Nang magsawa ako kakapanuod ay nilabas ko ang cellphone ko. Napapabuntong hininga kong inopen ang gallery para tignan ang pinicturan kong dalawang class picture na nakita ko sa likod ng salamin na nasa kwarto namin.

Class picture nila Blaire 'to no'ng grade 9. Adviser nila si Ma'am Garcia. Kung sino ang mga nasa grade 8 class picture ay sila din ang nandito, sila-sila pa din ang magkakaklase pero.......

May dalawang bagong mukha.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko matapos matuon ang paningin sa dalawang babaeng nakatayo sa may sulok. Mukha silang masaya at tila walang problema. Hindi ko din itatanggi na pareho silang maganda, sobra. Paniguradong matatad'yakan ako ni Blaire kung sasabihin kong lamang ang dalawa 'to ng limang paligo sa kaniya.

But...

They're both gone in the next class picture which shot before the school year ends. And to tell you the reason why I was surprised the day I saw this was because I knew who they were. I really do.

Iyong babaeng mahaba 'yong buhok. Siya 'yong nakasilip dito sa rooftop habang kasama ko si Haru, yung may ari ng hairpin. Hindi ko naman nakita ang mukha niya no'n pero  nakumpirma ko lang na iisang tao sila dahil suot niya sa picture ang hairpin na 'yon.  At 'yong isang babaeng maikli ang buhok, siya 'yong may ari ng ID, pati 'yong naglalakad sa unahan ni Yu habang pababa siya ng hagdan at......... 'Yung nakita kong naglalakad sa may hallway noong nasa burol ni Katherine sila Blaire.

Napakamot ako sa batok ko. Ako lang ba o talagang konektado ang lahat ng nangyayari sa litratong 'to? Dahil lahat ng namatay, nandito.

Coincidence?

Pero hindi e. Napaka-imposible kung iisiping nagkataon lang ang lahat. And there's only one thing running in my mind regarding these two women but I couldn't give an assurance if it's true. At nakakabahala 'yon kung iisipin. Marahan nalang ako napapikit. Ipinayapa ko ng limang minuto ang isipan ko bago muling imunulat ang mga mata. Hindi na ako nagulat nang makita sa gilid ng paningin si Yu na nakatayo sa tabi ko dahil naramdaman ko ang paglapit niya kanina.

"Anong ginagawa mo dito?" Napapabuntong-hiningang tanong ko habang nakatingin sa mga nagsa-soccer.  Naiinis talaga ako sakanya ngunit ako wala ako wis'yo para ipakita 'yon. Kulang ang lakas ko.

"Wala din ako sa second picture, tama ba?"

Hindi ako umimik dahil totoong wala siya sa ikalawang picture at isa pa ay hindi ko siya gustong makausap.

"Wanna know the reason why?" Muli akong nanatiling tahimik. Alam ko na ang rason dahil nasabi na sa akin nila Blaire, nagpalipat siya. "'Yong rason kung bakit ako nagpalipat?" dagdag niya na naging dahilan para makuha niya ang atensiyon ko.

Marahan ko siyang nilingon pero nakatingin lang siya sa kawalan na animo'y binabalikan niya ang nakaraan.

"Nakita ko sa panaginip ko na...... Naliligo kami sa sarili naming dugo, walang buhay." Napakurap ako matapos 'yong marinig. "We were destined to die and I chose to....... save myself."

"W-what?"

D-did she what? Sandali. Parang nahihirapan akong intindihin ang sinabi niya. Nakita sa panaginip? Seriously? Shit. Hindi ko napaghandaan ang mga sinasabi niya, nakakabigla!

"Don't you believe me?" Nilingon niya ako. "What if I say.... You're in danger."

"S-stop... I don't want to hear anything from you!"

"Nakit ko din 'yon sa panaginip ko."

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now