♣ Kabanata 24 ♣

858 170 0
                                    

A/N: Ngayon ko lang narealize na ang hirap pala netong istoryang pinasok ko. Ang sakit sa ulo.( ̄~ ̄;)

| ZEIREN |

"Yie natapos din," mahinang sambit ni Blaire matapos gawin ang assignment niya na mahigit isang oras niyang pinagkaabalahan Pinaningkitan niya ako ng mata papaano'y gusto niyang kumopya pero hindi ako pumayag. "Madamot," nakasimangot na aniya.

We're currently in the library. I'm done doing my research assignment, I was just now waiting for them to finish. Good thing Blaire was already done but Miera still busy scanning the book.

"Sa math ka lang naman bobo 'diba?" Ngiwing tanong ko. "Hindi 'to about sa mathematics kaya ba't kita papakopyahin?"

"Tinatamad kasi siya. Kung hindi ay baka wala pang kalahating oras ay tapos na niya 'yan," sabat ni Miera na nasa aklat ang paningin.

"You're right," pagsang-ayon ni Blaire na kumumpas pa sa hangin. "Atsaka ang sama ng bibig mo. Bobo talaga?"

"Bakit hindi? Muntik ka na ngang bumagsak doon 'diba?" Direstsyang sambit ko. "Nahatak lang ng ibang grades mo kaya nasa top section ka," I added that made Miera chuckled. I was just stating the truth and besides, it came from her own mouth.  She told me that even I didn't ask her.

"Nice one, Zeiren." Inilahad ni Miera ang kamay para makipaghigh-five saka sabay kaming natawa matapos no'n.

"Sige lang dya'n kayo masaya e," kunwaring nagtatampong aniya pagkatapos ay tumayo at nagmartsya paalis bitbit ang aklat na ginamit. Siguro ay ibabalik na niya sa pinagkuhanan.

Nagpaalam naman ako kay Miera para ibalik na din ang ginamit ko. Sa pinakadulo ko 'to kinuha kaya doon ang punta ko. Pagkarating ko do'n ay hinagilap ko pa ang ladder na ginamit ko dahil sa mataas ang pinagkakalagyan ng aklat na 'to.

"What are looking for?" I moved away when Dylan suddenly appeared infront of me. He then laugh silently as he saw the shocked written on my face.

Hindi ko ikinagulat ang paglitaw niya. Ang ikinagulat ko ay ang katotohanang nawawala parin hanggang ngayon ang kapatid niya pero mukhang okay lang siya.

Hindi gan'to ang reaksiyon nang nawawalan ng kapatid. Probably, he was pretending? No. I couldn't see anything on his eyes except from being calm. Hindi ko manlang nakita sa mata niya ang kakulangan ng tulog. Kung ako ang nasa lagay niya ay baka umaga at gabi na akong naghahanap.

Nakakapagtaka.

"Ahm... Hinahanap ko 'yung ladder. Gagamitin ko sana," napapakamot na sagot ko. Hindi ko inalis ang pagkakatitig sa mga mata niya, nagbabakasakali na may mahitang kakaiba pero wala namang nagbago. Kalmadong-kalmado.

"Ah. Ibabalik mo?" Itinuro niya ang hawak kong libro. Tumango naman ako. "Ako na ang magbabalik, saan ba nakalagay?"

Walang pag-aalinlangan ko namang inabot 'yon saka itinuro ang pangatlong shelf sa dulo.

"Baka naman samahan mo pa ko," natatawang aniya.

"A-ah yeah, sorry." I suddenly felt the uneasiness. And I swear, hindi ko alam kung bakit pero agad akong napabaling sa likod ko nang may parang dumaan.

Wala naman.

"Ano 'yon?" Takang tanong niya.

"Ah.. Nothing. Mmmm tara na?" Aya ko. Marahan siyang tumango nang nakangiti kaya naman nauna na akong maglakad. Nang makarating na kami sa shelf na sinasabi ko ay itinuro ko ang pinagkalagyan ng aklat at walang kahirap-hirap naman niyang nailagay.

"Thank you," sambit ko.

"Your welcome," nakangiting tugon niya saka sumenyas na aalis na siya.

I stared his back while he was walking away but I stepped back the moment he stopped then turned around slowly making him face me. I gasped. The hell! Umiiyak siya ng dugo!

Nanginginig akong napaatras pero mabilis akong napaiwas nang may bumagsak na aklat sa harap ko dahilan para mawala sandali sakanya ang atensiyon ko at nang ibinalik ko sakanya ang paningin ay kasalukuyan na siyang naglalakad.

Nasampal ko ng wala sa oras ang pisngi para gisingin ang sarili. "O aking mata please makisama ka," I chanted.  Great! Nakuha ko pa talagang gawin 'yong kaabnormalan.

Napapabungtong hininga nalang akong nagpatuloy sa paglalakad pero nasagi ko ang aklat na naglalag. Natigilan ako at sandali pa 'yong pinagmasdan bago tingalain ang pinanggalingan no'n.

Ang taas. Sa may pinakatutok. Mostly sa mga bookshelf, 5ft lang ang taas pero 'yong mga nakasandal sa pader ay 10ft. Nakasimangot na umupo ako para damputin 'yon pero nang maiangat ko siya ay may nalaglag galing do'n.

ID.

May lace pa. May maliit ding susi na nakasabit. Pinagmasdan ko 'yung picture. Maganda, maikli ang buhok, may dimple at maputi.

"Hebleen Kane D. Garcia," basa ko sa pangalang nakalagay.

9-C.

I flipped it because her other information is indicated there but I wondered when I found nothing on her grade&section information. I mean nakaindika naman ang bawat grado pero walang nakalagay na taon, section at kung sinong adviser ang humawak maliban sa isa, grade 9. Section C ang nakalagay at si ma'am Garcia ang adviser niya tapos ang taon na nakalagay ay 2019-2020.

Last year?

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now