♣ Kabanata 38 ♣

421 10 0
                                    

| ZEIREN |

Kalahating oras na ang itinagal nang pagkakatayo ko sa labas ng pinto ng kwarto namin, pinag-iisipan kung papasok o hindi. Hindi ko alam kung papaano silang haharapin lalo na at may nalaman na naman akong isang lihim. Nakakalungkot lang kung iisipin dahil maging 'yon ay nagawa nilang itago sa akin.

Pakiramdam ko ay hindi ako katiwa-tiwalang tao. Maaring ang pangalan lang nila ang natatanging alam ko, bukod doon ay hindi ko na alam kung pati ang ipinapakita nilang pakikisama ay totoo.

"Hanggang kailangan mong balak tumayo d'yan?" Lumingon ako sa katabing kwarto. Nakatayo sa pinto si Yu. "Just face the reality, Zeiren. Hindi mo malalaman ang mga sagot sa mga tanong mo kung pinag-iisipan mong takasan 'to."

"It isn't like what you think. I'm still in shock. Can I just calm myself first?" Mahinang asik ko.

"Okay," aniya saka ako tinalikuran. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay muling hinarap ang pinto. Ilang segundo pa ay napagpas'yahan ko na 'yong buksan.

Both of them turned their gaze at me as I entered the room silently. I stood straight, staring directly at them. Kusa akong napa-atras nang tumayo si Blaire para lumapit na ikinatigil niya.

"N-naayos ko na 'yong problema kay Venon. You don't need to worry about him," aniya na nagbabadya ang pagtulo ng luha.

"Ah thank you," simpleng tugon ko tapos ay naglakad palapit sa higaan ko.

"Ummm... A-ayos ka lang?" Natigilan ako sa tanong ni Miera. Pilit na ngiting nilingon ko siya saka marahang tumango.

I tried not to burst in tears. Standing in front of them with resentment on my heart makes me fool myself that I'm fine. I hate this feeling. I shouldn't feel this. You all may find me too dramatic if you don't understand how friendship goes. Kung ang damdamin mo lang sa pakikipagrelasiyon ang pinapahalagahan mo, sa tingin ko ay hindi talaga tayo magkakaintindihan.

"Galit ka ba?" Maingat na tanong ni Blaire. Napatingala ako at mahinang natawa sunod ay napailing. "You're acting weird."

Tinignan ko siya. "Pagod lang. P'weding magpahinga?" Muli akong ngumiti saka sila tinalikuran.

"Zeiren kung may problema sabihin mo sa----" Pigil ang inis na hinarap ko sila. Ang palad ay nakaangat sa ere, pinapatigil siya.

"Z-zeiren naman...." anas ni Miera.

"Gusto kong magpahinga. Mahirap ba 'yon?" Napipitang tanong ko.

"But you seem mad! Kanino? Sa amin ba? Mahirap bang sabihin 'yong dahi---" si Blaire.

"No I'm not! But I wanted to!" At hindi ko napigilan ang pagbagsak ng mga luha. "Gusto kong magalit pero hindi ko kaya. Wanna know why? Kasi kaibagan ko kayo. Ako ba? Ni minsan ba itinuring niyo ko gaya ng turing ko sa inyo?" Mariing sambit ko na pinipilit pakalmahin ang sarili.

"Ano namang klaseng tanong 'yan?" tanong ni Miera na naluluha na din.

"Huwag mong sagutin ng tanong ang tanong ko Miera."

"Dahil hindi namin maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan! Anong pumasok sa isip mo at natanong mo 'yan?" sambit ni Blaire, kagat-kagat na niya ang ibabang labi.

"Ang dami niyong lihim.... At wala kayong balak 'yong bangggitin sa akin----"

"Because that's the best thing we can do for you! Noon pa man sinabi na namin sayo na hindi ka p'weding madamay dito!..... Okay, sige.. Gusto mong malaman?"

"Blaire..." Sinubukan siyang pigilan ni Miera pero winaksi lang nito ang pagkakakapit niya.

"Nang-bully kami noon to the point na mag-suicide ang dalawang taong 'yon." Hindi na ako nagulat. Alam ko na 'yon pero kinain ako nang pagtataka.

I witnessed how Miera breathed out in relief. Why? She was look afraid earlier, afraid that I was about to know the truth but she seems relieve now. Para siyang nabunutan ng tinik. Anong reaksiyon 'yan? Bakit biglang gan'yan ang inasta niya?

"Inilihim namin 'yon sa'yo dahil natatakot kaming hindi mo kami kaibiganin at patuloy namin 'yong nilihim dahil sa nangyayari ngayon! Now tell me. Mali ba? Malibang isipin namin ang kapakanan mo?" emosiyonal na pahayag ni Blaire.

Inalis ko kay Miera ang atensiyon at tumango-tango. "Then thank you for considering my safety pero nakakaintindi naman ako. Malawak ang pang-unawa ko, alam niyo 'yan. At kahit pa sabihin niyo sa'king literal kayong nakapatay, maiintindihan ko at iintindihin ko ng paulit-ulit."

Hindi sila nakaimik at natulala. Kaysa panuorin sila na mukhang wala ng balak magsalita ay mas pinili ko nalang lumabas. Malalaki ang hakbang na naglakad ako gitna ng field. Nahinto lang ako nang makitang makakasalubong ko ang natitirang humihinga sa C class maliban sa dalawa kong kaibigan at sa magpinsan.

Huminto din sila at pinakatitigan ako. Tinignan ko sila isa-isa. Pare-pareho ng reaksiyon, pagod.

Si Miera, Blaire, Mixijane, Venon, Wallen, Ashley, Lucas, Zera, Rolen at si Dion na hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita, silang sampo nalang ang natitira.

Nagtagal kami ng ilang segundo sa ganoong sitwasiyon hanggang sila na ang unang kumilos at nilagpasan ako. Nang maramdamang nakalayo na sila ay doon ko lang inumpisahang ihakbang ang paa.

"Hoy, ikaw," walang habas na sambit ko kay Haru na nakaupo't nakasandal sa may puno. Idinilat niya ang mga mata.

"Oo ako nga, bakit?" Seryoso ngunit may halong pang-aasar na tugon niya. Namumula din ang mata niya. Siguro ay galing sa pagkakatulog o sa pag-iyak?

"Bigyan mo 'ko ng impormasiyon tungkol kay Hera at Kane," utos ko na naupo sa harap niya.

Umayos siya ng pag-kakaupo. "Bakit?"

"Makikipagtangahan pa ba 'ko sa'yo?"

"Bibig mo."

Napabuntong-hininga ako at napipikon siyang pinagmasdan.

"Sorry.... Ummm. Where should I start?" Umakto siyang nag-iisip.

"Nakikipagbiruan ba 'ko-----"

"Lumaki sila sa ampunan," seryosong panimula niya na ikinatahimik ko. "Friendly, mabait, matalino at...... Maganda." Sandali siyang natawa pagkatapos ay naitikom ang bibig.

Napakurap ako nang titigan niya ako. "At dating roommate nila si Miera at Blaire."

Nahulaan ko na 'yon. Si Kane 'yong nakita kong natutulog sa kama ni Miera. Iyon 'yong gabing inakala kong si Miera 'yon dahil parehong maikli ang buhok nila. At 'yong nasa itaas ng higaan ni Blaire, for sure na si Hera ang may ari no'n.

Ang totoo ay kay Kane dapat ang p'westo ko pero no'ng unang gabi ko, hindi ako komportable. Hindi ako nakatulog kaya kinaumagahan ay nakipagtalo ako kay Miera na magpalit kami ng p'westo sa pag-aakalang hindi ako sanay sa mataas. Ngayon naiintindihan ko na ang totoong dahilan.

"And then?"

"The end."

"What?" Nagsalubong ang kilay ko. "How about their family or any relatives?"

"Hindi mo narinig 'yong sinabi ko? Lumaki nga sila sa ampunan. Nakalabas lang sila when they turned 15," aniya na napapakamot ng ulo.

Nag-iwas ako ng tingin. "Anong ikinamatay nila?"

"Tsk. Suicide nga----"

"Specific p'wedi?" Ibinalik ko sakanya ang paningin ng hindi kaagad siya nakasagot.

"It's cloudy morning that I was finally came back after of being hospitalize. Nagkakagulo ang mga istudyante sa harap ng main building." Tinanaw ko ang main building na pinagmamasdan niya. "Ang bumungad sa akin, katawan nilang dalawa na nakadapa sa semento. Ang sabi, tumalon silang dalawa mula sa rooftop."

"How does it feels?"

"Nagulat ako at hindi makapaniwala. Pero ang mas ikinagulat ko ay nang malaman ang dahilan kung bakit sila umabot sa puntong 'yon. Upon knowing the reason and remembering what my cousin told me, I immediately transferred to other school."

"Natakot ka din?"

"Yeah."

Ang huling salitang binitawan niya kaya namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa.

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now