♣ Kabanata 1 ♣

1.4K 202 30
                                    

|Zeiren Phiero|

Sabi nila kapag nagkaroon ka ng matinding problema may dalawa kang pagpipilian. Una, lalabanan mo 'yong problema para makabangon ka. Pangalawa, susuko ka at hahayaan 'yong sirain ka.

"Hey Zeiren!" Saglit kong nilingon si Miera na kakapasok lang ng room saka ako muling sumilip sa baba. Nasa may upuan ako sa tabi ng bintana. Hindi maganda ang umaga ng Demin Academy, it is the second time this month. Non

"Si Blaire?" Tanong ko matapos kong maramdaman ang pag-upo niya sa tabi ko.

"Nasa baba. Hindi mo ba nakita?"

Kumunot ang noo ko at pinasadahan ng tingin ang mga istudyanteng nagkakagulo sa harap ng bangkay ni Katherine, taga kabilang section. It's friday morning, supposedly we have a class but her dead body made the whole academy shocked. 'Yong anak daw ng utility ang nakakita sa katawan niya sa likod ng mainbuilding, funny to say pero katapat ng bintana ko ang pinagbagsakan niya kaya pagsilip mo ay kitang-kita mo kung anong lagay ng katawan niya.

"I can't see her," I said, still searching.

"Nahhh. The girl with pink hoddie, the one who's taking picture," she answered. When I glanced her, she was busy using her phone. Napailing nalang ako saka muling binalik ang paningin sa baba.

Kumunot ang noo ko nang makita ko ang sinasabi niya. Parang photographer si Blaire na kumukuha ng litrato sa ibat-ibang anggulo. Napabuntong-hininga nalang ako saka tumayo at dinampot ang bag ko.

"Pasaan ka?"

"Dorm. Wala ng klase yan."

Salubong ang kilay ko habang naglalakad sa tahimik na hallway. Nasa third floor ako kaya kailangan kong maghagdan pababa. Nasa ikalimang baitang palang ako ng hagdan nang may marinig akong  naglalakad paakyat sa 4th floor. Katapat ko, huminto ako at tumingala kahit imposibleng may makita ako.

"Miera?" Tawag ko nagbabakasaling siya 'yon dahil sa pagkakaalam ko ay kami lang ang nasa floor na 'to.

Ngunit walang sumagot.

Pinakinggan ko lang.

Two minutes passed but someone still walking. Dapat ay nakaakyat na siya. Nando'n padin 'yung yabag. Parang hindi manlang umalis sa pwesto niya.

I was about to turned around to check it when Miera suddenly appeared in front of me. Muntik pa kaming magkabungguan.

"May nakalimutan ka?"

"Wala." tipid na sagot ko at pasimpleng tumingala. Wala na akong naririnig. Nakakapagtaka.

Mag-isa akong bumalik sa dorm. Umupo ako sa kama at kinuha ang earphone ko saka ito isinalpak sa tenga. Kinuha ko ang pocket book ko at nagbasa.

Tamad akong tao. Madalas ay sa dorm at sa klase lang ako. You would never see me roaming around the campus. I hate walking and surrounded by people. Kaya naman hindi ko na inabala pa ang sarili na makiisyoso sa nangyari. Si Miera at Blaire lang ang madalas na kasama ko dahil sila lang din ang roommate ko.

I put down the book I was reading when I received a message in Instagram from Blaire. I open it, she send me a picture.

Picture ni Katherine na nakadapa sa semento at napapalibutan ng sariling dugo, nakatabingi ang ulo at dilat ang walang buhay niyang mga mata habang ang bibig ay bahagyang nakanganga.

Bleyrdnis: Hope you're eating(#^.^#)

Hindi ko na siya nireplyan at pinagpatuloy ang pagbabasa. Pinilit kong ifocus sa binabasa ang atensiyon ko pero nawala ang gana ko. It isn't because of that picture. I don't know but something's bothering me, I closed my eyes to calm my self but still can't focus.

What's wrong?

Dumilat ako at dinampot ang cellphone ko saka in-open 'yon at tinitigan ang picture. Napailing ako nang hindi naman talaga iyon ang dahilan. Marami na akong nakitang ganon that's why I can assure that it has nothing to do with it.

Tumayo ako para hawiin ang kurtina ng bintana at sumilip sa labas. Tanaw mula dito ang harap ng mainbuilding. Natuon doon ang atensiyon ko.

Wala namang kakaiba.

Narinig kong bumukas ang pinto kaya bumalik ako sa kama. May dala si Miera na ice cream na nasa cup, ibinato niya 'yon sa akin na hindi ko naman sinapo. Bumagsak 'yon sa harap ko. I mouthed 'thank you' then opened it. She remained silent while staring at me.

"What?"

"Venice 40th day. Still don't want to go?"

"Nahh. Tatapusin ko pa 'yung project ko."

"Mmm okay." aniya saka umupo sa study table niya.

Before Katherine, there was Venise's burned body found in auditorium. Then someone confessed that it's her who put gas on herself. Suicide? Probably. But it's too much.

"Mag-kaibigan nga sila no?" She said out of nowhere. "Till death do us part." natatawang aniya.

Well yes. Matalik na magkaibigan si Venise at Katherine bagaman hindi nasaksihan ng mga mata ko kung gaano katatag ang samahan nila. Nang mamatay si Venice ay madalas daw siyang umiiyak sa loob ng klase at minsan ay nagsasalita mag-isa. Aware siya sa nangyayari sakan'ya kaya siya na mismo ang lumalayo sa mga tao pero mas lumalala ata ang lagay niya dahil para siyang nabaliw at kung ano-ano na ang sinasabi.

Kaklase namin si Venise at bukas na ang 40th day ng pagkamatay niya kaya kailangan naming bumisita sa puntod niya. Ayokong umattend. Tinatamad ako.

Enormous Vengeance Donde viven las historias. Descúbrelo ahora