♣ Kabanata 20 ♣

875 167 2
                                    

A/N: Gusto ko lang po sabihin na habang sinusulat ko ang parteng 'to ay nawawalan na po ako ng gana at ngayon ay chinachallenge ko nalang po ang sarili ko kung hanggang saan ko po ito mapagpapatuloy o baka hindi ko na matapos pa😆

| THIRD PERSON |

"F*CK UP YOUR CONCLUSIONS!" Galit na dinuro ni Dylan si Venon na kanina lang ay katabi niya pero mabilis na napalayo dahil natatakot na makatanggap ng suntok galing sakan'ya.

"Stop it Dylan. Nakakahiya." Nilingat ni Mixijane ang mga kaklase nilang nagtataka kung bakit biglang nagkaganoon ang inakto niya samantalang masaya pa namang nag-uusap silang dalawa kanina.

"Let's go out. Don't talk about that thing here," Mixijane said dragging him out of the class. She also signed Venon to follow them.

"Are you two out of your mind? Huh?" Aniya nang makalabas na silang tatlo sa klase. Kasalukuyan na silang nasa may gilid ng building."Ipangangalandakan niyo talaga ang bagay na 'yon?"

"I'm sorry okay? Nadala lang--- e sa gago kasi 'to e." Muling dinuro ni Dylan si Venon. "Ano kamo ulit? May kinalaman ang kapatid ko sa pagkamatay nilang tatlo porket hanggang ngayon ay hindi pa siya nagpapakita?" He was pertaining to his younger brother, Dion that has been missing for 4 days.

"Nagbibiro lang naman kasi ako!"

"Eh siraulo ka pala talaga e! Biro lang ba lahat ng 'to sayo?"

"Ano ba! Could you please lessen your voice?" Awat ni Mixijane sa dalawa. Pareho naman itong nag-iwas ng tingin saka ay nanahimik.

"Is there a problem here?" Ashley appeared infront of them holding her book. "May pinag-aawayan kayo?"

"Ewan ko ba sa dalawang 'to, mainit masyado ang mga ulo," naasar na sagot ni Mixijane.

"Ahhh. By the way. Wala pa ding balita sa kapatid mo?" Hinarap niya si Dylan. Kunot noong nilingon siya nito.

"Bakit lahat kayo ay siya ang hinahanap? Malay ko!"

"Tsk. Nagagalit na mapagbintangan ang kapatid e wala naman palang pakialam." Sinadyang iparinig 'yon ni Venon.

"Shut your fucking mouth Venon." Saway ni Ashley. Umirap pa ito at pinamaywangan sila. "Itahimik niyo ang-------."

"Kayong apat sumama kayo sa'ken." Sabat nang kakarating lang na si Samantha. Nilingon nila ang dalaga. "We have something to talk about." Dagdag pa neto pagkatapos ay nagpatuloy sa paglalakad. Wala namang imik na sumunod ang tatlo.

Pumasok sila lumang library na nasa likod ng gymnasium. Doon naabutan nila si Blaire, Miera, Wallen, Lucas, Zera at Rolen na nakaupo sa harap ng mahabang lamesa.

"Itinabi niyo 'yan?" Gulat na tanong ni Mixijane matapos makita ang mga piraso ng pulang dice na nakalatag sa lamesa.

"Yeah. Hindi p'wedi maisama 'yan sa pag-iimbistiga ng mga police," ani Rolen.

Inis na napakamot si Wallen ng kilay tapos ay tumayo saka tinungo ang bintana kung saan matatanaw ang masukal na bahagi ng paaralan dahil sa mga nagtataasang damo.

"Ang akala ko ba ay wala silang pamilya?" Mahihimagan ang pagkapikon sa boses niya.

"Nagback-ground check ako at wala talaga silang pamilya o maski kakilala," sagot ni Blaire na pinaglalaruan na ang mga dice.

"Then why this happened? Bakit pinatay sila Meylin at may gan'to pa?"  Ani Dylan na dinampot ang ilang piraso ng dice pagkatapos ay ibinato. "Sinong mga gago ang gumaganti sa atin?"

"Chill. We still don't sure kung may kinalaman ang lahat ng 'to sa nang---." Naputol ang sasabihin ni Mixijane matapos siyang batuhin ni Ashley ng dice.

"Bobo ka ba? Ayan na 'yong pruweba oh!" Ani Ashley. Napairap pa muna si Mixijane bago manahimik.

They all went silent while thinking deeply. The uneasiness was written all over their face as well as the worry for their safety. Hindi mawala ang pagkakatitig nila sa dice na nasa lamesa. Ang mga ala-ala ay isa-isang nagsilitawan sa isip nila. Ala-alang ibinaon nila sa limot.

Ang takot ang mas nangingibabaw sa kalooban nilang lahat. Takot para sa susunod na mangyayari at ang takot na baka maungkat ang nakaraan.

"Paano kung nagbalik sila?" They all glanced Lucas that was currently standing beside of the old bookshelf while reading a book that he took from there.

"That was the most pathetic conclusion I've ever heard," Venon replied.

"Then tell me who could do all of this aside from them?" Lucas asked, staring at him.

Asar na natawa si Venon. "Kalokohan 'yang naiisip mo, Lucas. Matalino ka naman 'di ba?" Nagkibit-balikat lang si Lucas at itinuon muli ang atensiyon sa binabasa. "What?... Don't tell me you all agreed sa sinabi niya." Hindi makapaniwalang aniya matapos makita ang natitigilang reaksiyon ng mga kaibigan.

"Fuck. I-im scared," anas ni Samantha. Balisa siyang lumingon sa paligid. Pakiramdam niya ay may nakatitig sakanya. "D-do something guys. I hate this feeling."

"But it's..... Impossible," pahinang sambit ni Ashley. "

"Pa'no kung may posibilidad?" Kunot-noong sambit ni Blaire habang hawak ang isang piraso ng dice at pinakatitigan 'yon.

"E di wala tayong takas," sabat ni Zera na nuon lang umimik. Nakatingin siya kay Miera na kasalukuyang nakatungo at pinaglalaruan ang kuko.

"Zera," nananaway ang boses ni Blaire.

"What? I was just staring her."

"You're glaring her," pagtatama ni Blaire.

"Gusto ko lang.............. Manisi sa unang pagkakataon," sambit ni Zera na naging dahilan para lingunin nilang lahat si Miera na bigla nalang natulala habang lumuluha.

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now