♣️ Kabanata 29 ♣️

778 183 0
                                    

| YU |

Napatungo ako matapos akong lagpasan ni Zeiren na wala manlang binanggit na kahit ano. Bago 'yon ay nasaksihan ko ang pagkagulat sa mukha niya. Ako man ay hindi din inaasahan ang nangyari kay Dylan lalo pa't hanggang ngayon ay hindi pa lumilitaw ang kapatid niya. Walang nakakaalam kung buhay pa ba 'to o hindi na.

Nameke ako ng ngiti pagkuwa'y umayos nang pagkakatayo. Pumihit ako paharap sa nilakaran ni Zeiren at sinimulang humakbang ngunit nandoon ang bahagyang panginginig.

Naalala ko ang kinahinatnan ni Dylan. Natagpuan siyang nakabigti sa pinakatagong sulok ng library. Malalim ang sandamakmak na hiwa sa buong katawan na at nakasiksik sa mga hiwa na 'yon ang mga piraso ng pulang dice. And believe me or not, I don't have any idea why they need to had those. Para saan naman ang mga 'yon dahil mayroon ding gano'n si Meylin, Mark at Rester. What does it mean? Kasama ba talaga 'yon?

Bakit parang ang gulo?

Nahinto lang ako sa malalim na pag-iisip nang makitang makakasalubong ko si Zeiren. Tumigil ako sa paglalakad para antayin siyang makalapit. Bagsak ang mga balikat niya marahil ay dahil sa nakita na niya si Dylan.

Hindi ko siya binigyan ng ano mang reaksiyon nang huminto siya harap ko  Ang paraan nang pagtitig niya sa mga mata ko ay parang nakikiusap.

That's the expression that made my heart broke into pieces out of a sudden. It seems like someone stabbed me from the back making me regret the thing I did in the past.

It's me. That someone is me. Nilinlang ko ang sarili ko na akala ko okay lang, akala ko maipapakita ko ang kawalan ng pakialam. At ngayon ako mismo ang sumaksak sa sarili ko para gisingin sa katotohan na hindi ko pala talaga kaya ang mga nangyayari.

"T-tell me... What should I need to do." Napaamang ako nang kasabay ng mga salitang 'yon ay ang pagbagsak ng luha niya.

"Zeiren---"

"D-damay silang dalawa dito 'di ba?"

Si Miera at Blaire ang tinutukoy niya. 'Yung dalawang taong pinagkatiwalaan niya ng lubos at napalapit sakanya ng sobra.

"H-hindi ko kakayanin kung makikita ko sila sa gano'ng sitwasiyon kaya nakikiusap ako...... Sabihin mo sa akin kung ano ang dapat kong gawin."

How could I help you if in the first place, I let all of this to happen because I only save myself. Hinayaan ko at hinahayaan ko hanggang ngayon.

"Kailangan ako ng nanay ko, Zeiren." Tipid akong ngumiti. "Ayaw kong madamay."

Tinignan niya ako na para siyang hindi makapaniwala. Noon ay kakitaan ko siya ng takot at pagkapikon dahil hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari sakanya pero ngayon sa tingin ko ay nagkaroon na siya ng dahilan para magkaroon ng lakas ng loob at harapin ang problemang nasimulan isang taon na ang nakakalipas.

"W-wala kang kwenta." Kumuyom ang kamao niya. Hindi ko dinipensahan ang sarili dahil aminado ako. "Nakakapangsisi na nakilala kita," dagdag niya saka ako nilagpasan. Naiwan naman akong tulala, nagbubuntong hininga.

Hanggang sa kusang bumagsak ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Napatingala saka hindi makapaniwalang natawa. Grabe. Pakiramdam ko ang kontrabida sa istoryang 'to.

"Gusto mo mag-inom?" Ibinaba ko ang paningin. Ang matang bahagyang namumula ni Haru ang unang nakita ko. Nakatayo siya sa kaninang p'westo ni Zeiren. Hindi ko manlang naramdaman ang paglapit niya.

"I don't drink, you know that," I replied. He just smiled, handed me a white scarf. It took me seconds before taking it. "Thanks." Pero imbis na gamitin 'yon ay ang palad ang ginamit ko para punasahan ang luha.

"You okay?" Kagagaling lang niya sa pag-iyak kaya naitanong ko kahit na obvious na hindi siya okay.

Asaan na 'yong sinasabing mong nag-eenjoy ka?

Sabagay mahirap talagang makipaglokohan sa sarili mo at mas lalong mahirap ipagpilitan ang nararamdaman mo para lang masatisfy ang sarili mo.

Ayaw ko sa mga mapagpanggap, but sad to say na isa ako sakanila. Ayaw ko sa sarili ko.

"You okay?" Natatawang nag-iwas nalang ako ng tingin matapos niyang gayahin ang tanong ko. "Iyakin ka din pala no?" Tumawa din siya.

"Ano ka pa na kalalaking tao, umiiyak," pang-iinsulto ko. Natahimik siya at tumitig sa lupa. Hinarap ko siya pagkatapos ay humugot ng malalim na hinga. "Get yourself back, Haru."

Nag-angat siya ng tingin. Ito na naman 'yung feeling na nahahabag ako dahil ang reaksiyon niya ay kagaya ng reaksiyon ni Zeiren, nakikiusap.

"Gusto kong..... Matapos na 'to."

"Alam mong wala tayong magagawa."

"K-kahit isa lang." Kinagat niya ang labi, nagpipigil na huwag muling bumagsak ang luha. "Subukan natin kahit isang beses lang."

Napailing ako ng ilang beses. "Hindi mo alam ang sinasabi mo, Haru."

"Then manunuod lang------"

"Gusto mo bang mamatay?!" Natigilan siya, pumikit ng mariin at dumilat. Pinakatitigan niya ako. "Kung mapilit ka kay Zeiren ka lumapit. Magtulungan kayong dalawa!"

Pagkatapos no'n ay binalak ko siyang lagpasan pero nahawakan niya ang braso ko.

"Please. Gumawa tayo ng paraan, insan."

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now