♣️ Kabanata 28 ♣️

775 177 0
                                    

| ZEIREN |

"Ikaw na kumausap."

"Bakit ako? Ikaw na."

"Ihhhh."

"Kakausapen mo o-----"

Asar kong nilingon ang dalawa kong kaibigan na naka-uniporme na. Kanina pa sila na parang mga sira na nagtuturuan kung sino ang kakausapen dahil simula nang magising ay wala akong imik.

"Bakit?" Salubong na kilay na tanong ko. Umayos sila ng pagkakatayo at napapairap na pinagmasdan ako.

"Ano okay ka na?" Mataray na tanong ni Blaire.

I looked down for a moment and as I returned my sight on them I already had a sweet smile on my lips.

"Pasok na tayo?" Nakita ko na parang naguluhan sila sa inasal ko. Nalilitong nagkatitigan pa sila sa isat-isa. Dinampot ko ang bag pagkatapos ay tumayo at nang lingunin ko sila ay nag-mamadali na sila sa paglabas. Bago pa sumunod ay inilibot ko ang paningin sa apat na sulok ng kwarto hanggang sa mahinto sa higaang 'yon.

Nagsasawa na ako sa kakaisip ng dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Mababawasan lang siguro ang takot ko kung sakaling itatak ko sa utak ko na dapat ko nang asahan na may mas lala pa sa nangyayari sa akin.

Pero dahan-dahan lang. Walang biglaan, please.

After a seconds of observing I walked out to our room. Nagulat pa silang dalawa nang makita akong lumabas, marahil ay busy sila sa pangto-talkshit sa akin.

"Tsismisan kayo ng tsimisan d'yan? Tara na," aya ko saka sila tinalikuran. Maya-maya pa ay narinig ko silang tumatawa sa likod ko. After no'n ay muntik na akong mangungod nang tumalon si Blaire sa likod ko para pumasan.

"Y-you raw-boned girl, w-why you so this heavy," I complained, trying to balance myself to make sure that we wouldn't tumble in the floor. Gusto ko mang mapikon dahil nalulukot na ang uniform ko ay hindi ko na ipinakita. Tatawa-tawa naman siyang bumaba saka pumunta sa harap ko.

Mas lalo siyang natawa nang makita na iniinda ko ang likod ko. Badtrip. Parang nagkalasan ang spinal chord ko.

"Don't you ever try to do it again kung ayaw mong durugin ko ang mga daliri mo," ngiwing banta ko.

At hanggang sa loob ng klase ay hindi siya matigil sa kakaasar sa akin. Nakukuha niya pang lingunin ako ng ilang beses at didilaan. Pasimple din niya akong binabato ng mga nilukot na papel.

"Ano bang trip n'yan?" Tanong ko kay Miera.

"Can't you see?"

"Ang ano?"

Iiling-iling naman niya akong hinarap. "She just wantend to lighten up your mood my dearest friend."

I moved myself away from her. "Baka asarin kamo." Then I chuckled.

"Pshh. Di ka marunong umappreciate nang effort no?.... Alam mo kasi kung hindi niya gagawin 'yan baka kanina ka pa tulala d'yan sa kinauupuan mo."

Sandali akong natigilan matapos marinig 'yon sakanya. Sinulyapan ko si Blaire na kasalukuyan nang nakikinig sa teacher namin pero ilang segundo lang ay nilingon niya ako tapos ay ngingiti.

'You okay?' She mouthed. I nodded as an answer. Nang ibalik niya ang atensiyon sa harap ay duon ako napangiti.

I sighed.

I entered this school without knowing that I could had friends with anyone. I was thinking back then that I might just staying here for studying and no one would try to be my friends. Hindi kasi ako showy at lalong hindi ako friendly kaya inaasahan ko na 'yong gano'n pero hindi ko aakalain na may dalawang tao pa pala na kakayaning ihandle ang salasalabat kong pag-iisip.

Sa iskwelahan mang 'to gumulo ang daloy ng buhay ko hindi ko naman maitatangi na dito din ako sumaya ng sobra.

"Oy."

"Ay letse." Pasalamat at hindi ko naisigaw 'yon. "Nanggugulat ka?"

"Hala. Just wanted you to know na para kang nasisiraan d'yan ng bait. Ngumingiti ka mag-isa?" Pinasadahan ako ng tingin ni Miera, ang pagdududa ay nasa mga mata niya. Marahil ay inaalam niya kung nasa tamang katinuan pa ako.

"Ang panget mo."

"Ahh." Umakto siya na parang tinamaan sa dibdib ng kung anong bagay tapos ay nagtaas siya ng kilay. "Coming from you?"

Natatawang itinuon ko nalang sa harap ang atensiyon at hindi pinakinggan ang mga reklamo niya. As usual puring-puri niya ang sarili niya. Ipinapangalandakan niya sa aken kung gaano siya kaganda at kesyo daw na dapat siya ang dapat nilalaban sa beauty pageant at hindi si Blaire.

But....

A bunch of students running on the hallway caught my--- our... caught our attention. Halos lahat ng mga kaklse ko ay nagpulasan palabas na hindi manlang nagawang mapigilan ng teacher na nasa harap.

Ilang saglit pa ay natagpuan ko nalang ang sariling mag-isa. Naiwan ako. Naki-isyoso silang lahat. Ang paningin ko ay nasa hallway na kasalukuyan ng tahimik. Wala naman akong ideya kung saang lupalop napadpad ang mga kapwa ko istudyante.

Napapaling ang ulo ko pakanan nang makita ko ang pamilyar na bulto ng tao na marahang naglalakad sa hallway. Umawang ang bibig ko matapos siyang huminto at ipinihit ang katawan paharap sa direksiyon ko.

And out of a sudden, he smiled sweetly making me gulped but I stood and walked to the door. Hindi naman siya tatayo doon at ngingiti ng gano'n kung walang kailangan 'di ba?

Nabuksan ko na ang pinto.

Nakatitig na ako sa p'westo niya.

But the heck!

Where is him?!

"Si Dylan..." Marahan akong lumingon sa likod ko at duon ko nadatnan si Yu na nakatayo.

"......... Nakita siyang patay."

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now