♣️ Kabanata 31 ♣️

715 183 0
                                    

| ZEIREN |

Lakad at takbo ang ginawa ko para lang mahabol si Samantha. Matapos ang komosiyon na naganap kanina sa cafeteria at ang mabilis niyang pag-alis ay nahirapan pa akong habulin siya dahil pinigilan pa ako ni Blaire at Miera. Hindi pa ko sure kong isa ba 'yong babala tungkol sa mangyayari sakanya pero natuto na 'ko, kailangang may gawin ako kahit walang kasiguraduhan kung may silbi ba.

"Samantha,wait!" Malakas na sigaw ko. Huminto naman siya pero nag-patuloy din sa paglalakad. "Sandale!"

May galit ba sakin ang 'to? Hindi man niya lang ako nililingon. Tumigil muna ako saglit pagkatapos ay hinabol ang sariling hininga. Wierd. I looked back to find out how far I  had run. Cafeteria was only 5 meters away from where I stand but it feels like I've run a kilometer. Naupo ako patingkayad para makapag-pahinga saglit. Nang tanawin ko ang direksiyon ni Samantha ay wala na siya.

Tumayo lang ako nang maramdaman kong may naglalakad palapit sa likod ko. Nang lumingon ako ay nakita si Blaire at Miera.

"Why you're chasing her?" Tanong ni Blaire. "Anong kailangan mo sakanya?"

"Wala naman." Ang tanging nasabi ko saka nag-iwas ng tingin. "Balik lang ako sa dorm-----"

"Zeiren," ani Blaire. Nahinto ako sa akmang pagtalikod pagkatapos ay napapabuntong-hingang nilingon sila. Bigla akong nakaramdam ng pagod. Ewan. Siguro sa takbong ginawa ko.

"You two don't have to worry. I won't do anything as what you ask for. I'll mind my own business starting today. Hindi ako mangingialam sainyo, promise," sambit ko na bahagyang nakangiti.

I lied. I'm sorry.

Wala akong narinig na tugon sakanila kaya naman tuluyan na akong umalis. Habang naglalakad palayo, bumagsak ang luha ko. Gusto kong huminto pagkatapos ay magsisigaw. Masyado na akong nagiging emosiyonal!

Buhay kasi ng tao 'yung pinag-uusapan. Buhay nilang dalawa. Hindi ko kaya. Hindi ko talaga kaya. Mas mapapalagay siguro ako kung magsasabi sila. Nakakainis. Parang kanina lang ay nagkakaasaran pa kami tapos ang ending gan'to?

I took out one piece of dice from my pocket. I found this at the entrance of the library. Kapareho siya no'ng mga nakabaon sa mga hiwa ni Dylan maging 'yong kila Mark, Rester at Meylin. At dahil nga sa kawalan ng nalalaman ay hindi ko alam kung para saan 'to. Ibinulsa ko nalang siya saka nagpatuloy ulit sa paglalakad.

Pasimple ko pang pinunasan ang luha dahil napapatingin sa akin ang ilan sa mga nakakasalubong ko. Makita ba naman nila 'yung babaeng madalas poker face na umiiyak, talagang mapapatingin sila at magtataka.

Pagkapasok ko sa dorm, huminto ako sa tapat ng salamin at pinakatitigan muli ang repliksiyon. Ngayon ko lang naalala na ang bagay na 'to ang pinakagusto ko sa lahat ng nasa loob ng kwarto namin.

"Pssst."

That sound. Naririnig ko na naman.

"Pssst."

I didn't remove my gaze from the mirror. Ako lang ba talaga o nakikita ko na namang gumagalaw ang higaang nasa taas ni Blaire. This isn't the first time that it happened so my fear isn't the same like before. Nagawa ko ng ipihit ang katawan paharap duon pagkatapos ay marahang naglakad palapit.

It's still moving, seems like someone was there. Natural na 'yong kabang nararamdaman ko pero I could give my self an assurance na kakayanin ko na kung ano mang makikita ko sa loob no'n.

Nang makalapit ay hinawakan ang kurtina. Humugot muna ako nang malalim na hininga bago lakas loob na hinawi 'yon.

Wala.

Walang tao.

Pero may isang bagay ang tumambad sa akin na ikinapagtaka ko ng sobra. May isang puting rosas na nasa gitna ng kutsyon. Bago pa. Halatang kalalagay lang. Bukod doon ay wala na akong ibang nakita. Umabante pa ako para mas malapit ngunit napababa ang tingin ko nang may masipa sa ilalim ng kama ni Blaire.

At dahil punong-puno na ako ng kuryosidad ay lumuhod ako para kunin ang bagay na nasipa sa ilalim.Isang 'yong hindi kalakihang kahon na naglalaman ng mga picture frame.

Class pictures.

First frame, 7-C. May dalawang class picture na nakalagay. 'Yong first pic kinuha bago mag-umpisa 'yong klase at 'yong pangalawa kinuha pagkatapos ng school year. Nandito lahat ng mga nakasama ko no'ng birthday ni Meylin, maging si Haru at Yu ay kasama sa litrato. Napamaang ako nang makita din si Coreen. Kung sino 'yong magkakasama sa 1st pic, sila din ang magkakasama sa last pic.

Ang mas kinagulat ko pa ay nang makita ko ding kasama sa class picture nila si Venise at Katherine.

Sa 2nd Frame, 8-C. Magkakasama ulit sila except to Coreen. Mapa-before and after ay wala siya.

And sa 3rd Frame, 9-A. Kami na 'yong nandito. Isang picture palang ang nakalagay, sa march pa ang picture taking para sa palangawa.Si Ashley, Coreen, Blaire at Miera. Bukod sa kanilang apat, wala ng ibang nasalit pa sa section namin na nakasama nila sa dalawang frame.

Now I get it.

Kaya pala close sila sa isat-isa ay dahil sa dati silang magkakaklase. Hindi lang pala sila basta-basta magtotropa. Pero bakit never kong nakita na sumama si Yu sakanila. Si Coreen naman ay kahit papaano ay gets ko na dahil grade 7 pa niya naging kaklase ang mga 'to. Si Haru naman madalas ko siyang makitang kasama sila.

Balak ko na sanang ibalik sa pinagkuhanan nang may maalala ako. Kulang ng isa. Class picture nila no'ng grade 9, wala dito.

I tried to searched at Blaire's other things but I couldn't find it. I even lifted her bed mattress, thinking that she might hide it there. Sinilip ko pa ng mabuti ang ilalim ng kama niya pero wala talaga. Sumusukong ibinalik ko nalang ulit ang kahon sa ilalim pagkatapos ay tumayo. Pinagmasdan ko muna 'yong puting rosas bago naglakad palapit sa kama ko.

Pero wala pang isang minuto nang bigla akong napatayo pagkatapos ay mabilis na nilingon 'yong salamin. Marahan akong naglakad palapit. I don't know how to explain it but I just found myself turning it around. And I suddenly covered my mouth using my right hand after a minute of staring to those two class picture, attached on its back.

"W-what the heck is this?"

Enormous Vengeance Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu