♣ Kabanata 18 ♣

876 170 0
                                    

| YU |

Katulad ng inaasahan, hindi mo talaga kaya.

Tahimik akong umalis matapos masaksihan ang pagkabigla at takot sa mukha ni Zeiren matapos niyang marinig ang sinabi ng dalawang kaibigan.

Sa tingin ko ay kahit balaan ko siya ay walang ding mangyayari. Nagkukusa ang lahat. Hindi na talaga 'yon mapipigilan.

"Yu."

Huminto ako sa paglalakad saka marahang lumingon sa likod ko.

"Zera," tugon ko. She's staring at me or should I say at my eyes. I smiled trying to get her attention then she blinked twice after a few seconds of being stunned.

"Anong maitutulong ko sa'yo?" Tanong ko.

Sandali pa siyang natahimik. "Pakisabi sa akin ang nalalaman mo."

Binaba ko ang paningin sa lupa. "Anong.... Ibig mong sabihin?" Muli akong nag-angat ng tingin. "Hindi ko maintindihan."

"Tatlo na ang pinatay Yu at hanggang ngayon ay wala pa si Dion.... Hindi ba kaya mong malaman ang mga susunod ng mangyayari?"

Hindi lahat.

"I was just saying ramdom things without knowing if it's true or not," seryosong sagot dahil 'yon naman talaga ang totoo.

"Pero natatakot na kami. Hindi ka ba nag-alala sa amin?" Seryoso naman siya pero hindi ko napigilang hindi matawa. "W-wait. Pinagtatawanan mo ba kami?"

"Hindi. Natawa lang ako sa sinabi mong natatakot kayo." Muli akong ngumiti. "I'm sorry pero wala akong maitutulong. Hindi ako ang taong kailangan mo."

Hindi ko na inantay pa ang sasabihin niya dahil agad ko siyang tinalikuran at mabilis na naglakad palayo.

Ayoko sa mga taong mapagpanggap. Hindi sila makakabuti sa sistema ko.

"You look upset. Something's wong?" Haru handed me a bottled of mineral water. I just mouthed him 'thank you'.
"Itinago nila ang nauna, nabunyag naman sa lahat 'yong pangalawa. Hindi ba't mas nagiging exciting ang mga nangyayari?"

Nilingon ko siya nang mahina siyang natawa saka ako napailing ng ilang beses. Katulad nang sinabi ko, ayaw ko sa mga mapagpanggap.

"Huwag mong ipilit ang galit mo kung hindi naman talaga 'yan ang nararamdaman mo," sambit ko na nasa malayo na ang paningin.

"Pero totoong galit talaga ako," pamimilit niya. Ako naman ang natawa.

"But I saw you crying." He then went silent. I saw him a earlier crying secretly after seeing Mark and Rester's body. Even he hide his feeling,  he still couldn't deny the fact that he care for them. Hindi niya kailanman maloloko ang sarili tungkol sa bagay na 'yon.

"Naguguluhan ka tama ba?"

"I-i don't know."

"Natural lang 'yan. Don't worry naiintindihan kita." Nilingon ko siya. "But anyway, you tried to warned her. Concern ka ata kay Zeiren?" Pag-iiba ko ng topic.

"Dahil ikaw ang nagsabi na hindi siya kasali dito."

Tipid akong ngumiti. "Nagkamali ako." Doon niya ako nagtatakang nilingon.

"Ano?"

"Fate let her be a part of the story. She's now the main character." Makahulugan man pero alam kong naiintindihan niya.

"You mean, she's in danger now? I thought you told me that she's dangerous?"

"Both." Tipid na sagot ko.

Delikado siyang tao pero hindi ko pa alam kung kanino at nasa delikado ang buhay niya, doon naman ako sigurado.

Napapikit ako nang humampas sa mukha ko ang malakas na hangin. Doon ko napansin na nagtatakbuhan na ang ilang istudyante dahil hindi basta-basta ang hanging 'yon kaya napagpasyahan nalang namin na umalis. Sa malayo napansin ko pa ang paglabas ng principal ng aming iskwelahan mula sa pool area. Nakasunod sakanya si Venon, Miera at Mixijane pati na din ang ilang mga guro.

Naghiwalay kami ni Haru dahil may iba pa siyang pupuntahan. Ako naman ay malalaki ang bawat hakbang papuntang dorm. Natigil lang ako nang mapansing pasalubong sa akin si Zeiren na mabagal na naglalakad. Nakatulala.

Hinawakan ko siya sa braso saka hinila papasok sa mainbuilding. Dinala ko siya unang classroom na nakabukas.

"Why do people always dragged me?" She asked mainly to herself.

"You okay?"

Inangatan niya ako ng tingin. Malalam ang mga mata niya. "S-sabihin mo kung bakit nangyayari sa akin ang mga bagay na 'to."

"I told you I really don't know."

I really do.

May nalalaman man ako pero hindi 'yon sapat para ipaintindi sakanya. Walang ding silbi.

"Ayoko ng gan'tong feeling. Pakiramdam ko ang bobo dahil parang ako lang ang walang nalalaman dito. Nakita mo 'yon diba?" Tumuro siya sa kung saan. "Anong nangyayari sa iskwelahang 'to? Suicide? Then now murder?" Naguguluhan niyang sinuklay ang buhok.

"Binalaan mo ko, oo. Hindi ko man 'yon sineryoso o pinangkinggan pero sa pagkakatanda ko ay hindi ako gumawa ng ano mang hakbang para madamay dito."

"Premonition." Sumandal ako sa pinto at pinagmasdan ang reaksiyon niyang sandaling natigilan. "It was a strong feeling or scenario that something is about to happen."

Noong una akala ko ay saling pusa lang siya na maaaring makagulo sa daloy ng istorya pero nagkamali ako at napatunayan ko 'yon.

"Sa tingin ko ay alam mo na mismo ang dahilan kung bakit ka napadpad dito. Hindi mo lang matanggap hindi ba?" Dagdag ko pa.

"Bakit parang kilalang kilala mo ko?" I tried not to smile as I saw how quickly change her mood. From confused to pissed-off.

"Huwag mo nalang guluhin ang sarili mo. Huwag mong kontrahin. Gawin mo 'yung sa tingin mong tama para sa'yo."

"Pinipigilan mo ko pero bakit parang binabawi mo?" Nagkibit-balikat lang ako. "Ang gulo mo," aniya saka umalis. Naiwan naman akong nakasandal pa din sa pinto.

Pero mas gugulo ang buhay mo.

Enormous Vengeance Where stories live. Discover now